https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/firefly.svg

Adobe Firefly.
Ang AI-powered creative space mo.

Mag-generate ng mga image, video, audio, at mga design gamit ang mga nangungunang AI model mula sa Adobe, Google, OpenAI, Runway, at marami pa.

Gumawa ngayon | Adobe Firefly - Ang AI-powered creative space mo

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/ff-gallery-assets.json

base-offset=100px

parallax-distance=70px

Tablet-base-offset=350px

Tablet-parallax-distance=-250px

base-offset=160px

parallax-distance=10px

Tablet-base-offset=200px

Tablet-parallax-distance=-300px

base-offset=50px

parallax-distance=-80px

Tablet-base-offset=-80px

Tablet-parallax-distance=-550px

base-offset=-70px

parallax-distance=-130px

Tablet-base-offset=-450px

Tablet-parallax-distance=-50px

AI generated na image ng isang taong may mahaba at malambot na buhok na nakatayo sa ilalim ng dramatic stage lighting na may makukulay na lens flare sa background.
AI generated na image ng isang taong may mahaba at malambot na buhok na nakatayo sa ilalim ng dramatic stage lighting na may makukulay na lens flare sa background.
AI generated na image ng isang taong may mahaba at malambot na buhok na nakatayo sa ilalim ng dramatic stage lighting na may makukulay na lens flare sa background.

Gumawa gamit ang Firefly.

Seamless na mag-generate at mag-edit ng video at mga image.



MGA AI MODEL

Gumawa gamit ang maraming nangungunang AI model sa iisang lugar.

Pumili ng mga nangungunang AI model mula sa Adobe, Google, OpenAI, Runway, at marami pa para gawin ang pinakamaganda mong content.

#FFF
Dropdown menu na nagpapakita ng mga logo ng maraming AI model kasama ang Firefly, Google, OpenAI, Runway, Black Forest Labs, Pika, Luma AI na ipinapakita sa ibabaw ng futurist na wallpaper background

Isang login. Maraming nangungunang AI model.

Pagsama-samahin at i-layer ang mga output para umayon nang husto sa vision mo. Kapag mas maraming model, pwede kang mas maging creative, at makukuha mo ang lahat ng ito sa isang login.

#FFF
Halimbawa ng pag-edit ng image gamit ang AI na gumagamit ng Gemini 2.5 para gawing berdeng damuhan na may mga bulaklak ang background ng kotse na dating mga kabundukang nababalot ng niyebe, batay sa prompt: 'Gawing damuhan ang background.'

Ang AI na kailangan mo. Kapag kailangan mo ito.

Ganap ka mang gumagawa ng generative AI work, o humihingi lang ng mabilisang tulong para sa workflow, palagi kang magkakaroon ng angkop na model para sa gawain.

#FFF
Creative at AI-generated na fashion design na nagpapakita ng hoodie na punong-puno ng matitingkad na artificial na bulaklak na kulay pula, dilaw, bughaw, purple, at pink, na may blurred na floral background.

Kamangha-manghang kakayahan. Napakaraming kontrol.

Sulitin ang mga advanced na kakayahang ito ng AI, pati na ang creative control na inaasahan mo mula sa Adobe. Kasama ang lahat ng ito.

MGA FEATURE

Magsimulang gumawa gamit ang Firefly.

Nasa Firefly app ang mga generative AI tool na nangunguna sa industriya para sa mga image, video, audio, at mga vector. Tingnan ang lahat ng feature.

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/fragments/products/firefly/editorial-carousel-firefly

FLEXIBILITY

Para sa lahat ang Firefly.

Mula sa pag-generate ng mga thumbnail at graphics ng podcast hanggang sa pag-prototype ng mga buong brand campaign, may mga AI model at design tool ang Firefly na kailangan mo para gawing pinal na produkto ang unang ideya.

#FFF
Interface para sa pag-generate ng sound effect gamit ang AI na gumagawa ng audio ng wind chimes para sa yoga o meditation scene, na nagpapakita ng taong naka-yoga pose sa loob ng bahay na napapalibutan ng mga berdeng halaman at natural na ilaw.

Mga content creator at video editor.

Mag-generate ng mga sound effect, cinematic na b-roll, at mga atmospheric na layer tulad ng usok, tubig, o mga lens flare. Magsalin ng mga video sa maraming wika nang hindi nawawala ang tone at timing.

#FFF
Workflow ng creative ideation gamit ang Adobe Firefly, Photoshop, at Express, na nagpapakita ng mockup ng natural skincare product na may text na 'All Natural' na nasa magandang outdoor setting, na may mga katabing nauugnay na design element at opsyong 'Open in Photoshop'.

Mga art director at marketer.

Mag-explore, magsaayos, at mag-edit ng mga ideya sa Firefly Boards. Mag-brainstorm, mag-isip ng ideya, at mag-ulit ng mga proyekto, pagkatapos ay dalhin ang mga design mo sa Adobe Photoshop o Adobe Express para pinuhin.

#FFF
AI-powered na interface para sa pag-collaborate sa mood board na nagpapakita ng winter fashion concept kung saan may taong nakasuot ng long coat sa lugar ng puno ng niyebe sa kaliwa at may close-up ng coat na may text na 'FW25' sa kanan, at may mga collaborator tag at annotation sa design.

Mga design team na nagko-collaborate.

Mag-explore at gumawa nang mas mabilis kasama ang mga teammate sa isang infinite canvas. Mag-visualize, mag-test, at mag-align sa mga ideya para sa mga mood board, storyboard, pagkakakilanlan ng brand, at mock-up.

AI generated na image ng sleek at futuristic na sports car na may malapad na rear wing na umaakyat sa isang sand dune sa ilalim ng pale pink na kalangitan.

“Inilabas ng Adobe Firefly ang creativity namin. Isa itong magic machine na tumutulong sa aming maglaro, mag-explore, at mag-innovate, nang hindi nakokompromiso ang bilis o kaligtasan.”

Michael Meurer – Global Design Lead

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/fragments/products/firefly/segment-blade

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/fragments/products/firefly/drive-business-results-aside

May mga tanong? Masasagot namin 'yan.

Ano ang {{Adobe Firefly}}?

Ang Adobe Firefly ay pamilya ng mga modelo ng creative na generative AI. Naka-embed sa mga flagship app ng Adobe at Adobe Stock ang mga feature na pinapagana ng Firefly.

Firefly ang natural na extension ng teknolohiyang ginawa ng Adobe sa nakalipas na 40 taon, na nakabatay sa paniniwalang dapat bigyang-kakayahan ang mga taong ipaalam ang mga ideya nila sa mundo tumpak kung paano nila naiisip ang mga ito.

Ano ang generative AI?

Ang Generative AI ay isang uri ng artificial intelligence na kayang isalin sa mga kamangha-manghang resulta ang text at iba pang input. Bagama't nakasentro ang talakayan tungkol sa teknolohiyang ito sa pagbuo ng AI image at art, marami pang magagawa ang generative AI bukod sa bumuo ng mga static na image mula sa mga text prompt. Gamit ang ilang simpleng salita at tamang generator ng AI, makakagawa ang sinuman ng mga video, dokumento, at digital experience, pati na makukulay na image at art. Pwede ring maging kapaki-pakinabang ang mga generator ng AI art para sa paggawa ng “mga creative na building block” tulad ng mga brush, vector, at texture na pwedeng magdagdag o humubog sa pundasyon ng mga bahagi ng content.

Ano ang ginagawa ng Adobe para matiyak na responsableng ginagawa ang mga AI-generated na image?

Bilang bahagi ng aming trabaho na idisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, sinanay namin ang aming unang model ng Firefly sa content na may lisensya mula sa Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.

Nagsasagawa kami ng panloob na pagsusuri sa aming mga model ng generative AI upang mabawasan ang anumang mapaminsalang bias o stereotype. Nagbibigay din kami ng mga mekanismo ng feedback para makapag-ulat ang mga user ng mga output na posibleng may bias at nang maaksyunan namin ang anumang alalahanin.

Bilang karagdagan, ang Adobe ay nakatuon sa pagbuo ng tiwala at transparency sa digital na content gamit ang Content Credentials. Ang Content Credentials ay gumaganap bilang isang digital na "label ng nutrisyon" na maaaring magpakita ng mahalagang impormasyon tungkol sa kung paano at kailan ginawa at binago ang content, kabilang ang kung paano ginamit ang AI. Awtomatikong inilalakip ng Adobe ang Content Credentials sa mga image na ginawa sa Firefly upang ipakita na ang mga ito ay binuo ng AI. Ang antas ng transparency na ito ay nagbibigay sa mga creator ng paraan upang i-authenticate ang kanilang content at tinutulungan ang mga consumer na gumawa ng matalinong pagpapasya tungkol sa content na nakikita nila online.

Ito ang misyon sa likod ng cross-industry coalition na Content Authenticity Initiative (CAI). Ang CAI ay itinatag kasama ng Adobe noong 2019 at ngayon ay mayroon nang higit sa 3,300 miyembro kabilang ang mga tech company, organisayon ng balita, NGO, academia at higit pa. Nakikipagtulungan ang CAI sa Coalition for Content Provenance and Authenticity (C2PA) na organisasyon ng industry standards, na bumuo ng teknikal na detalye para sa provenance na teknolohiya na ginagamit sa Content Credentials.

Ano ang pinakamagandang AI image at video generator?

Para sa amin, tinutulungan ng pinakamagagandang AI text-to-image at text-to-video generator ang mga creator na mabilis na gumawa ng mga pulidong image at video mula sa mga prompt, nang hindi isinasakripisyo ang creative control. Pinapadali ito ng mga partner model ng Adobe Firefly at Adobe sa pamamagitan ng mga intuitive na feature na nagbibigay-daan sa iyong gawing mga image at mga video ang mga text prompt, gawing mga video ang mga image, mag-generate ng mga sound effect, at mag-collaborate sa Firefly Boards.

Kumusta ang performance ng Adobe Firefly kung ihahambing sa iba pang AI image, video, at audio generator?

Nagbibigay ang Firefly ng pinagandang visual effects, kaligtasan ng brand, mga na-generate na image na may mas mataas na kalidad, mas maraming detalye, at mas magandang lighting at kulay, at mainam na creative control. Sinusuportahan nito ang paggamit ng mga partner model na nangunguna sa industriya para sa mga image, video, at mga vector, pati na rin ang cinematic output, mga real motion element, at pag-integrate sa Adobe.

Paano ako magge-generate ng video gamit ang Firefly?

Mag-log in sa Firefly at piliin ang Text to Video o Image to Video. Magsulat ng text prompt na mayroon ng lahat ng detalye tulad ng style, angle, mga effect, at mga subject, o mag-upload ng image at magdagdag ng prompt para bigyang-buhay ito. I-click ang I-generate para gawin ang video mo, pagkatapos ay pinuhin ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga setting gaya ng aspect ratio, angle ng camera, o motion. Kapag ayos na ito sa iyo, i-download o i-share ang MP4 mo sa ilang click lang. Alamin pa ang tungkol sa pag-generate ng mga video.

Aling {{Creative-Cloud-apps}} ang may Firefly?

Sinisikap naming dalhin ang Adobe Firefly sa mga Creative Cloud app. Mga feature na pinapagana ng Firefly ay kasalukuyang makikita sa {{Photoshop}}, {{Illustrator}}, {{Adobe-Express}}, {{Substance-3D}}, {{InDesign}}, {{lightroom}} at {{Adobe-Stock}}.

Ano ang mga generative credit?

Ang iyong subscription sa Creative Cloud, Adobe Express, Firefly, o Adobe Stock ay may kasama nang buwanang generative credits na nagbibigay sa iyo ng access sa mga content creation na mga feature na pinapalakas ng Firefly. Alamin pa ang tungkol sa mga generative credit.

Anong mga wika ang sinusuportahan ng Firefly?

Inihahatid ng Firefly ang kakayahan ng generative AI sa mga audience sa buong mundo sa pamamagitan ng pagsuporta sa mahigit 100 wika para sa mga input ng text prompt. Para sa pagsasalin ng audio at video, sinusuportahan ng Firefly ang higit 20 wika.

Ano ang pagkakaiba ng mga Firefly Image model?

Ang mas bagong henerasyon ng mga image generation model sa Firefly ay gumagawa ng mga image na mas mataas ang kalidad, mas mahusay ang interpretasyon ng mga prompt, at mas tumpak ang text sa mga image.

Saan kinukuha ng Firefly ang data nito?

Bilang bahagi ng aming trabaho na idisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, sinanay namin ang aming unang model ng Firefly sa content na may lisensya mula sa Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.

Binibigyan din namin ang mga customer namin ng kakayahang sanayin ang sarili nilang Mga Custom Model para madali silang makapag-generate ng content na mayroon ng sarili nilang style, subject at/o brand language.

Sinasanay ba ng Adobe ang Firefly gamit ang editorial content ng Adobe Stock?

Hindi. Hindi ginagamit ang editorial content ng Adobe Stock para sanayin ang mga modelo ng generative AI ng Adobe Firefly.

Bilang customer ng Adobe, awtomatiko bang gagamitin ang content ko para sanayin ang Firefly?

Hindi. Hindi kami nagsasanay sa personal na content ng sinumang subscriber ng Creative Cloud. Para sa mga contributor ng Adobe Stock, bahagi ang content ng dataset sa pagsasanay ng Firefly, alinsunod sa mga kasunduan sa lisensya ng Stock Contributor.

Ano ang pananaw ng Adobe sa ethics sa generative AI?

Nag-develop at nag-deploy kami ng generative AI sa Adobe alinsunod sa mga prinsipyo namin ng pananagutan, responsibilidad, at transparency ng ethics ng AI. Basahin ang ethics ng AI sa Adobe para alamin pa ang tungkol sa pamamaraan at pangako namin na mag-develop ng generative AI sa paraang gumagalang sa mga customer namin at naaangkop sa mga pinapahalagahan ng kompanya namin.

Anong mga hakbang ang ginagawa ng Adobe para tiyaking ligtas sa komersyal na paggamit ang Firefly?

Bilang bahagi ng pagsisikap ng Adobe na idisenyo ang Firefly para maging ligtas para sa komersyal na paggamit, sinasanay namin ang aming paunang komersyal na model ng Firefly sa content na may lisensya, gaya ng Adobe Stock, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.

Magagamit ko ba sa mga komersyal na proyekto ang mga output na na-generate ng Firefly?

Pwedeng gamitin ang mga output mula sa mga feature ng generative AI na walang beta label sa komersyal na paraan. Pwedeng gamitin ang mga output mula sa mga beta feature ng generative AI sa komersyal na paraan maliban kung iba ang nakasaad sa produkto o sa iba pang lugar, pero hindi kwalipikado sa indemnification ang mga output na ito habang nasa beta.

Ano ang Adobe GenStudio? Paano ito nauugnay sa Firefly?

Ang Adobe Firefly ay isang mahalagang bahagi ng Adobe GenStudio — isang generative AI-first offering para mabilisang magplano, gumawa, mamahala, mag-activate, at magsukat ng on-brand na content ang mga marketer. Native na ini-integrate ng Adobe GenStudio ang Adobe Experience Cloud at mga application ng Creative Cloud tulad ng Frame.io, Adobe Express, at mga Serbisyo ng Firefly para i-automate ang paggawa ng content nang malawakan.

Ano ang mga Serbisyo ng Firefly?

Ang mga Serbisyo ng Firefly ay isang komprehensibong hanay ng mga generative AI at creative na API, tool at serbisyo para sa paggagawa, pag-edit, at pag-assemble ng content, na nagbibigay-kapangyarihan sa mga organisasyon na i-automate ang produksyon ng content habang pinapanatili ang kalidad at kontrol. Ang mga bagong kakayahan ng generative AI na ito na pinapagana ng Adobe Firefly ay tumutulong sa mga organisasyon na i-automate ang paggawa ng content at iangkop ito sa kanilang brand. Matuto pa rito|Rito tungkol sa Ano ang mga Serbisyo ng Firefly.

Adobe Firefly. Ang AI-powered creative space mo.