#000000

CREATIVE GENERATIVE AI

Mag-type at gumawa ng mga bagong image sa pamamagitan ng paggamit ng Firefly bilang isang AI art generator.

Minsan ay kailangan mo ng partikular na image na hindi mo makita sa pamamagitan ng mga karaniwang paraan, katulad ng isang Zen garden sa Mars. Gumawa ng anumang uri ng image nang mabilis sa tulong ng Text to Image sa Adobe Firefly.

Magsimulang gumawa

Firefly generated zen garden

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/firefly/sticky-banner/explore-firefly

Ilabas ang creativity mo gamit ang Adobe Firefly.

Magkaroon ng inspirasyon, makatipid ng oras, at gumawa ng anumang uri ng image sa iba't ibang style gamit ang Adobe Firefly.

Firefly image of vibrant colors and geometric shapes
Castle in the middle of the desert sunset rolling sands
Fish swimming in a coral reef

Pukawin ang creativity mo gamit ang AI-generated art.

Magkaroon ng inspirasyon, mag-eksperimento, at mabilis na gumawa ng mga kamangha-manghang image gamit ang AI-generated art. Pwede mong gamitin ang Firefly bilang isang AI art generator para tulungan kang gumawa ng kahit anong art na naiisip mo, lahat sa pamamagitan ng mga simpleng salita. Mga dolphin na naglalaro ng basketball? Maipapakita sa iyo ng Firefly kung ano ang hitsura noon.
Firefly inside empty warehouse, clouds of color smoke float in air

Makuha nang mabilis ang mga image na kailangan mo.

Mabilis na gumagana ang mga AI art generator. Kung kailangan mo kaagad ng isang image, magagawa mo ito gamit ang Firefly. Kung kailangan mo ng mga background asset para sa mas malaking proyekto o isang mabilisang illustration, makakatulong ang generative AI.

Gumawa ng kamangha-manghang art anuman ang experience mo.

Binibigyang-daan ng mga AI art generator ang kahit sinong kayang maglagay ng text na gumawa ng mga orihinal na image. Anuman ang antas ng kasanayan mo sa pag-sketch, pagpipinta, o pagguhit, pwede kang mag-type ng prompt para gumawa ng isang AI-generated image.

Firefly hand drawing a volcano
Firefly 4 image option showing different style options

Mag-eksperimento sa mga bagong form at ideya.

Pwedeng magandang paraan ang mabilis na paggawa ng iba't ibang uri ng mga image para umalis sa creative comfort zone mo. Gamit ang mga AI art generator, pwede mong paglaruan ang mga hitsura at style na hindi mo karaniwang ginagamit at magkaroon ng inspirasyong gumamit ng mga bagong paraan para gumawa.

Paano gamitin ang Firefly bilang isang AI art generator.

  • Mag-sign up o mag-log in sa Adobe Firefly.
    Para magsimula, mag-log in sa Firefly gamit ang Adobe account mo, o mag-sign up para sa isang Adobe account kung wala ka nito. Saglit lang ang pag-sign up para sa isang libreng account at magbibigay din ito sa iyo ng access sa iba pang app, gaya ng Adobe Express.
  • Mag-browse ng mga halimbawa at tingnan kung ano ang magagawa mo.
    Kapag nag-log in ka sa Firefly, makakakita ka ng iba't ibang halimbawang image. Kapag nag-hover ka sa mga ito, makikita mo rin ang mga prompt na na-type ng ibang mga user para magawa ang mga ito. Maglaan ng ilang sandali para tingnan ang mga halimbawa at i-click ang mga prompt. Kapag ginawa mo iyon, makikita mo ang apat na iba't ibang AI-generated na mga larawang ginawa ng prompt na iyon. Pagkatapos mong makuha kung paano nabubuo ang mga prompt at kung ano ang magagawa ng mga ito, mag-input ka ng sa iyo.
  • Mag-input ng gusto mong text o paglalarawan para gawin ang una mong AI-generated art.
    Pwede kang maglagay ng lahat ng uri ng mga bagay sa text prompt mo. Subukang ilarawan hindi lamang ang gusto mong makita, kundi kung ano ang magiging itsura nito. Maaari mo ring tukuyin ang estilo o medium ang iyong larawan. Kapag nag-type ka ng "larawan ng isang matandang lalaki na mukhang black-and-white na larawan," halimbawa, gagawa ang Firefly ng eksaktong ganoon.
  • I-customize ang na-generate na art sa pamamagitan ng pag-adjust sa mga setting.
    Kapag nakuha mo na ang AI-generated art mo, pwede mong baguhin ang hitsura nito sa pamamagitan ng paglalagay ng iba't ibang style at effect. Mayroon ding iba't ibang tool at menu ang Firefly kung saan ay pwede mong i-customize ang kulay, liwanag, at aspect ratio para sa iyong AI-generated art. At, pwede mo palaging baguhin ang text prompt at makakuha ng ilang mga bagong larawan.
  • I-save, i-export, at i-share ang AI generated artwork mo.
    Kapag nakuha mo na ang image mo, pwede mo itong i-save o kopyahin sa clipboard mo. O isumite ito sa Firefly gallery upang hangaan at pahalagahan ito. Tandaan na ang bawat piraso ng AI-generated art ay may kasamang maliit na tala na ginawa ito sa pamamagitan ng Firefly. (Kapag ginamit mo ang Firefly, makakakuha ka ng access sa isang set na numero ng mga generative credit. Alamin pa ang tungkol sa mga generative credit.)

{{questions-we-have-answers}}

Ano ang AI art generator?

Ang AI art generator ay isang uri ng teknolohiya na kayang gumawa ng mga digital image gamit ang generative artificial intelligence. Gumagamit ang Firefly ng mga text prompt upang gumawa ng mga artwork, na maaaring i-customize sa iba't ibang mga estilo. Maaaring magmukhang pop art, mga eskultura ng marmol, luwad na keramika, o mga watercolor painting ang mga larawan, ilan lamang sa mga ito.

Paano gumagana ang isang AI art generator?

Ang mga AI art generator ay isang uri ng generative artificial intelligence. Katulad ng iba pang uri ng artificial intelligence, umaasa ang generative AI sa malalaking dataset para makagawa ng gustong resulta, gaya ng isang digital artwork, na gumagawa ng ganap na bagong bagay — lahat ay nagawa sa pamamagitan ng isang text prompt. Sinanay ang kasalukuyang model ng generative AI ng Firefly sa isang dataset mula sa Adobe Stock, content na may open license, at content mula sa pampublikong domain kung saan nag-expire na ang copyright.

Paano ka makakagawa ng AI-generated art?

Isang mabilis at madaling paraan ang Adobe Firefly para gumawa ng AI-generated art sa iba't ibang style. Nagbibigay-daan ito sa iyong gumawa ng mga detalyado at magandang image gamit ang isang text prompt. Mabilis mong mako-customize ang mga image mo gamit ang iba pang tool ng Firefly, o mapapaganda mo pa lalo ang mga ito sa mga app ng Creative Cloud gaya ng Adobe Photoshop.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/firefly/aside-dream-bigger-with-firefly

Baka Magustuhan Mo Rin

Text to Image Generator

Alamin pa

AI Painting Generator

Alamin pa

Text Effects Generator

Alamin pa

Mga AI Art Prompt

Alamin pa