Ang kakayahan ng AI image style transfer.
Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng reference image sa word prompt mo, mabibigyan mo ang logo mo ng tamang watercolor effect o makakapagdagdag ka ng magandang lighting sa portrait na gusto mong i-generate. Gamit ang Generative Match sa Firefly, pwede mong gamitin ang image style transfer para magkaroon ng higit na creative control sa pag-generate ng image mo.
Mag-upload ng sarili mong image para mag-generate ng mga image sa natatanging style mo. O mag-apply ng style reference mula sa na-curate na gallery, na kinabibilangan ng dose-dosenang opsyon sa ilang kategorya, kasama ang Watercolor, Pencil, 3D, Neon, mga Landscape, Texture, at marami pa.
Gumawa ng content na bagay na bagay.
Mag-generate ng mga asset para sa mga artikulo, blog, at post sa social media gamit ang mga reference image para naaangkop sa kabuuan ng content mo ang anumang gagawin mo.
Mas mabilis na pumunta sa mga tamang image.
Baguhin ang mga design mo nang kasing bilis ng pagbabago ng isip mo, o kung kinakailangan para makasabay sa mga pinakabagong trend. Gumawa ng mabibilis na pag-update sa kulay, style, at texture nang hindi nagsisimula sa umpisa.
Gabayan ang gawa mo nang may katumpakan.
I-upload ang sarili mong image bilang reference at pagkatapos ay gumawa ng AI art, mga illustration, mga konsepto ng produkto, mga logo, mga advertisement, o iba pang materyal na naaangkop sa vision mo at tumutugma sa brand mo.
Paano gamitin ang Generative Match sa Firefly.
Gamitin ang Generative Match para patnubayan ang mga generative AI creation mo sa tamang direksyon. Sundin ang mga hakbang na ito para mag-apply ng style transfer sa mga AI-generated image mo.
- Buksan ang Firefly.
Pumunta sa Text to Image module sa Firefly web app. (Kung hindi ka naka-sign in, mag-sign sa Adobe account mo o gumawa ng account nang libre.) Mag-hover sa anumang image sa gallery at piliin ang Tingnan ang Mga Sample. - Pumili ng reference image.
Sa control panel sa kanang bahagi ng mga resulta ng image, tiyaking Firefly Image 2 model ang pinili. Sa mismong panel na iyon, mag-scroll pababa sa seksyong Match. I-click ang Reference Gallery para makapag-scroll sa mga image hanggang makakita ka ng isang image na gusto mong subukan.
Para gamitin ang sarili mong image, i-drag at i-drop ito sa control panel o i-click ang Mag-upload ng Sarili Mong Image at piliin ito mula sa pop-up menu. (May karapatan ka dapat sa anumang third-party na image na ia-upload mo.) - I-click ang Mag-generate.
Tingnan ang mga resulta. - Pinuhin.
Galawin ang slider ng Style Strength sa control panel para i-adjust ang epekto ng reference image sa style ng image mo. Pwede ka ring gumawa ng iba pang pag-adjust sa kulay at tone, lighting, at composition. I-click ang button na I-edit sa kaliwang bahagi sa itaas ng isang image para dalhin ito sa workspace ng Generative Fill. - I-save ang gawa mo.
I-click ang puso sa kanang bahagi sa itaas para i-save ang image sa Mga Paborito mo, o i-click ang button na Mas Marami pang Opsyon para i-download ito bilang PNG o i-save ito sa mga library mo.
Mga variation ng generative recolor ng vector artwork mo.