https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/fragments/merch/products/firefly/sticky-banner/get-firefly-free

Isalin ang video gamit ang AI para maging pandaigdigan ito at magtunog lokal.

Ihatid ang mensahe mo sa mas marami pang tao sa pamamagitan ng pagsasalin ng mga video mo sa iba't ibang wika gamit ang module ng Isalin ang Video, na available na ngayon sa Firefly, ang pinakamahusay na AI na solusyon sa creative. Mag-generate ng mabilis at de-kalidad na pagsasalin ng video nang walang production team o eksperto sa lokalisasyon.

Ginagawa ng Firefly ang lahat mula sa pagtutugma ng boses hanggang sa pag-lip sync, para maging natural at fluent ang dating ng mga video mo sa bawat wika. Gumagawa ka man ng mga pandaigdigang asset sa marketing o pinapalawak mo ang abot mo sa social media, matutulungan ka ng AI-powered na pagsasalin ng video na makakonekta sa mga audience sa buong mundo.

Video still ng babae sa opisina na gumagamit ng mga AI video translation tool at overlay ng timeline editing interface

Isalin ang isang video sa iba't ibang wika.

Irekord at isalin ang mensahe mo mula sa 20+ available na wika, kabilang na ang English, Spanish, German, Japanese, Korean, at iba pa. Isalin ang isang video nang walang kahirap-hirap para maalis ang mga language barrier at maging accessible ang content mo sa mga audience sa buong mundo.

Still ng lalaki sa pulang background at panel ng pagpili ng wika na may opsyong French, Italian, Japanese para sa AI video translation

Umabot ng mas malawak na audience.

Gumagawa ka man ng mga reel sa social media o nagsasalin ka ng video sa pagsasanay, mabilis mong mare-render ang content mo sa alinman sa mga available na wika at mashe-share mo ang mga ito sa mga audience buong mundo. Mula sa mga tutorial at anunsyo hanggang sa creative na pagkukuwento, mas madali nang magsalin ng video at makakonekta sa mga border.

Gumawa ng mas authentic na pagsasalin ng video.

Panatilihin ang parehong boses, tono, pananalita, at mga acoustic na gaya sa orihinal na video para maging native speaker ang tunog mo sa maraming wika. Sa pamamagitan ng AI video translator, mas magiging natural ang mensahe mo at mas maraming makakaunawa rito, na makakatulong sa pagbuo mo ng tiwala at paghikayat mo ng engagement sa mga lokal na audience.

Video frame ng lalaki sa gubat na may overlay ng mga kontrol sa voice syncing at timeline sa AI translate video app
Image mula sa training video na may dalawang katrabaho na gumagamit ng AI video translator at overlay para sa mga opsyon sa pagsasalin ng wika sa gilid

Paano magsalin ng video gamit ang Firefly.

Mas madali at mas mabilis na ngayon ang pagsasalin ng mga video file mo sa mga tool sa pagsasalin ng video gamit ang AI ng Firefly. Isa ka mang marketer, tagapagturo, o creator ng content, mabilis at tumpak kang makakapagsalin ng mga video para maging fluent ang tunog mo sa maraming wika.

  • Mag-upload ng video file para sa pagsasalin.
    Buksan ang module ng Isalin ang Video ng Firefely. I-drag at i-drop ang video file na nakarekord sa isa sa mga available na wika. Dapat maglaman ang file mo ng hindi bababa sa limang sunod-sunod na segundo ng pagsasalita at hindi hihigit sa limang minuto.
  • Pumili ng wika.
    Kapag natapos na ang pag-upload sa file mo, awtomatikong matutukoy ng Firefly ang source language para sa pagsasalin ng video. Mula roon, makakapili ka ng hanggang limang target na wika mula sa listahan ng mga suportadong wika, kabilang na ang English, Spanish, Korean, Japanese, German, at iba pa. Kung ikaw ay enterprise user, may opsyon ka ring i-enable ang lip sync, na tumutulong sa pagtugma ng translated speech sa galaw ng bibig ng orihinal na nagsasalita para sa mas natural na experience.
  • Isalin ang video gamit ang AI.
    I-click ang I-generate para simulan ang AI video translation. Mabilis na makakapagsalin ang Firefly ng video sa maraming wika. Puwede mong tingnan ang status ng video mo sa progress bar.
  • I-download at i-share.
    Kapag tapos na, lalabas ang bago mong isinaling audio file sa pila mo, kung saan puwede mo itong i-download at i-share.

Tuklasin ang mga nakakamanghang generative AI video na may remixable na prompt sa Adobe Firefly.

Mga FAQ sa video translator.

Ano ang AI dubbing?
Gamit ang AI dubbing, puwede mong isalin ang anumang uri ng diyalogo. Kailangan mo mang i-localize ang isang clip, isalin ang isang bagay para sa isang kaibigan, o gawing mas accessible ang mga pelikula mo sa mas malawak na audience, pinapadali ng AI na i-share ang mga video mo.
Ano ang pinagkaiba ng voiceover at dubbing?
Ang voiceover ay isang pagsasalaysay na ipapatong sa ibabaw ng isang eksenang kadalasang nagbibigay ng karagdagang komentaryo. Puwede kang magdagdag ng pananaw sa emosyon ng isang karakter, ipaliwanag kung paano gumagana ang isang bagay para sa isang video ng pagsasanay, o magturo sa mga manonood sa isang dokumentaryo. Sa kabilang banda, ang dubbing ay kapag isinasalin ang orihinal na diyalogo ng isang pelikula o video clip sa ibang wika.
Ano ang mga pakinabang ng AI video dubbing?
Sa AI video dubbing, puwede kang gumawa ng pagsasaling mas natural ang tunog para sa mga video file mo para maabot ang mas malawak na audience sa buong mundo sa mas maikling panahon.
Paano ko maisasalin ang isang video sa English?
Oo, puwede mong isalin ang isang video pabalik sa orihinal na wika nito. Gayunman, mahalagang tandaan na posibleng hindi perpektong tumugma sa orihinal ang pagsasalin pabalik dahil sa mga posibleng nawalang nuance sa unang pagsasalin. Para sa mga pinakatumpak na resulta, inirerekomendang panatilihin ang orihinal na bersyon para magkaroon ng batayan.
Magkano ang gastos sa pagsasalin ng video gamit ang AI?
Available ang feature na pagsasalin ng video gamit ang AI ng Adobe Firefly sa pamamagitan ng mga subscription sa Adobe Creative Cloud at plano ng Firefly. Nakadepende ang gastos sa partikular mong plan. Puwedeng gumamit ng generative credit ang ilang feature ng Firefly.
Anong mga feature sa pagsasalin ng video ang kasama sa Adobe Firefly?

Nag-aalok ang Adobe Firefly ng ilang feature sa pagsasalin ng video, tulad ng:

  • Automatic na pagtukoy ng wika.
  • Pagsasalin sa maraming wika.
  • Pagpapanatili ng boses.
  • Pag-lip sync.
  • Kredensyal ng content.