Adobe Photoshop
Baguhin ang iyong mga image gamit ang AI na pang-edit ng larawan sa Adobe Photoshop.
Magdagdag ng mga element, mag-alis ng mga distraction, magpalit ng mga background, at iba pa nang walang kahirap-hirap gamit ang AI.
Simulan ang free trial Tingnan ang mga plan at presyo
Sa paggamit ng Photoshop Preview, sumasang-ayon ka sa Mga Tuntunin ng Adobe sa paggamit at Patakaran sa Privacy.

- https://main--unity--adobecom.hlx.page/unity/assets/product-icons/photoshop.svg | Icon ng produkto ng Photoshop https://main--unity--adobecom.hlx.page/unity/assets/icon-picker/startover.svg
- https://main--unity--adobecom.hlx.page/unity/assets/icon-picker/removebg.svg Alisin ang Background
- https://main--unity--adobecom.hlx.page/unity/assets/icon-picker/changebg.svg Ibahin ang Background
-
- https://main--unity--adobecom.hlx.page/unity/assets/icon-picker/huesat.svg I-edit ang Hue/Sat
- Kulay
- Saturation
- https://main--unity--adobecom.hlx.page/unity/assets/icon-picker/upload.svg Mag-upload ng Image
- https://main--unity--adobecom.hlx.page/unity/assets/product-icons/photoshop.svg Magpatuloy Sa App
- Higit sa 40MB ang laki ng file
- Hindi maiproseso ang kahilingan
- Humihingi kami ng paumanhin, ang larawang na-upload mo ay hindi sumusunod sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit. Mangyaring subukan ulit.
- Hindi namin maproseso ang uri ng file na ito. Mangyaring subukan ulit.
Magdagdag, mag-alis, at magpalit ng content ng larawan nang walang sagabal.
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga feature gaya ng Text to Image, Generative Expand, at Generative Fill na mabilis na magdagdag, mag-alis, at magpalit ng mga element, palawakin ang iyong mga larawan nang lampas sa mga orihinal na hangganan ng mga ito kapag nag-edit ka ng mga larawan gamit ang AI sa Photoshop.

Makakuha ng propesyonal at de-kalidad na mga resulta gamit ang Generative Fill.
Gumagamit ang Generative Fill ng AI para mahusay na magdagdag o mag-alis ng content sa iyong mga larawan sa pamamagitan ng pag-generate ng mga bagong pixel para punan ang mga piniling bahagi. Maayos na nagbe-blend ang mga edit sa orihinal na image, na ginagawa itong mukhang hindi ginalaw.
Pwede mong gamitin ang Generative Fill para gawin ang mga bagay tulad ng magdagdag ng maraming halaman sa isang tuyong background o isang larawan ng bonfire sa beach. Kung may hindi gustong object o tao sa iyong shot, pwede mong alisin ang mga ito, at pupunan ng AI ang space para tumugma nang perpekto.
Magdagdag ng bagong background sa iyong larawan sa loob ng ilang segundo.
Sa pamamagitan ng paggamit ng AI para sa pag-edit ng larawan, pwede mong baguhin ang mga background ng larawan nang walang hirap. Piliin ang iyong kasalukuyang background, mag-type ng texk prompt, at mapalitan kaagad ang mood ng larawan mo ng bagong scenery.
Magamit ang mas mabilis at mas simple pang feature na "Generate Background." Maglagay lang ng paglalarawan para palitan ang background mo ng bagong background na talagang tumutugma sa lighting, mga shadow, at perspective ng subject mo.


Palawakin ang hangganan ng mga larawan mo gamit ang Generative Expand.
Nagbibigay-daan sa iyo ang AI na pag-edit ng larawan na i-expand ang mga larawan mo para palawakin ang mga na-crop o close na shot at gumawa ng mga kahanga-hangang panoramic na larawan nang hindi nadi-distort ang orihinal na image.
Dinaragdagan ng Generative Expand ang laki sa canvas ng iyong larawan at gumagamit ito ng AI para mag-generate ng bagong content na natural na nagbe-blend sa orihinal na image. Gumagawa ito ng mas malawak na view, na nagbibigay sa iyong larawan ng mas malawak at immersive na dating, pinakanaaangkop para sa landscape photography. Makakatulong din sa iyo ang Generative Expand na pinuhin ang mga larawan ng grupo sa pamamagitan ng pamamagitan ng pagkumpleto ng mga na-cut off na subject at pagpuno sa mga nawawalang element sa background.
Gawing mga edit ang mga text prompt gamit ang Text to Image.
Nagbibigay-daan sa iyo ang paggamit ng AI para mag-edit ng mga larawan na bigyang-buhay ang iyong mga creative na ideya nang walang hirap. Gamit ang Text to Image, mabilis kang makakapag-brainstorm at makakagawa ng mga bagong asset gamit ang mga text prompt. Gumawa ng futuristic na background para sa isang page ng produkto, bumuo ng concept art, o magdagdag ng fantasy sa mga larawan ng pamilya gamit ang isang storybook castle. Kung kaya mo itong isipin, kaya itong gawin ng AI na pang-edit ng larawan sa Photoshop.
Gumawa ng content na may partikular na style gamit ang setting ng Reference Image. Mag-upload ng reference photo at gagawa ang AI ng bagong content na itutugma, na tinutulugang kang mapanatili ang isang consistent na histura sa buong gawa mo.

Paano mag-edit ng mga larawan gamit ang AI sa Photoshop.
Gamitin ang mga feature sa pag-edit ng larawan ng generative AI para gumawa ng kamangha-manghang image nang mas mabilis ngayon kaysa dati.
1. Buksan o i-download ang Photoshop.
Kung may Photoshop ka na, buksan ang app. Tiyakin na ito ang pinakabagong bersyon, para makuha mo ang mga pinakabagong feature ng generative AI. Kung wala kang Creative Cloud plan na may Photoshop, simulan ang isang trial at i-download ang buong bersyon ng Photoshop para subukan ito nang libre sa loob ng pitong araw.
2. Mag-import ng image.
Pumunta sa File > Buksan para hanapin at piliin ang file na gusto mong i-import o pumili ng Bagong file mula sa Home screen ng Photoshop para magbukas ng bagong workspace at i-click ang I-import ang image sa Contextual Task Bar.

3. Magdagdag o mag-alis ng content.
Gamitin ang Text to Image para gumamit ng mga ideya at gumawa ng mga bagong asset mula sa isang descriptive prompt. Piliin ang Mag-generate ng Image mula sa toolbar ng Contextual Task Bar, o pumunta sa Mag-edit > Mag-generate ng Image. Mag-type ng detalyadong paglalarawan sa field ng prompt at pumili ng uri ng content. Gamitin ang setting ng Reference Image para mag-upload ng sample na image at makakuha ng mga resultang mas malapit sa style na hinahanap mo. Pwede ka ring magtakda ng mga style effect para mas ma-customize pa ang mga resulta.


4. Gumawa ng bagong background.
Palitan ang scenery ng iyong subject ng isang bagong background sa pamamagitan ng pagpili ng subject, at pagkatapos ay i-reverse ang selection sa Contextual Task Bar. Mag-type ng prompt ng kung ano ang gusto mong ipalit sa dating background at pinduntin ang Mag-generate para makita ang mga opsyon.

5. Mag-extend ng image.
Gamitin ang Generative Expand para palakihin ang image mo at magdagdag ng bagong content. Piliin ang Crop tool sa toolbar at i-click at i-drag ang mga kanto o gilid na handle para i-resize ang image mo, at pagkatapos ay i-click ang Mag-generate sa Contextual Task Bar para punan ang blangkong space ng bagong content na nagbe-blend sa dati nang image. O maglagay ng prompt bago i-click ang Mag-generate para iakma ang mga resulta mo.
6. I-download at i-share.
Kapag nasiyahan ka na sa iyong image, pumunta sa File > Export > Export As at pumili ng file type at laki ng image. Puwede ka ring magdagdag ng opsyonal na impormasyon katulad ng metadata. Kapag naitakda mo na ang mga kagustuhan mo, i-click ang Export, piliin kung saan mo gustong i-save ang image mo, at i-click ang I-save. Handa nang ibahagi ang image mo sa social at higit pa. Kailangang i-reformat ang image mo para umakma sa iba't ibang pangangailangan? Gamitin ang Generative Expand para mabilis na ma-adjust ang laki at punan ang complementary content kung saan mo kailangan ito.