https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/firefly/sticky-banner/explore-firefly

#F5F5F5

Sa nakalipas na taon, nakuha ng generative artificial intelligence ang imahinasyon ng mundo. Ang malakas na uri ng artificial intelligence (AI) na ito ay may kakayahan na lumikha ng bagong nilalaman batay sa mga pattern na natutunan nito mula sa umiiral na datos. Ang mga datos ay iba-iba ngunit maaaring maglaman ng mga larawan, kanta, pagsusulat, at iba pang nilalaman. Kaya ng generative AI na gumawa ng mga pambihirang image, sumulat ng tula o code, at kahit gumawa ng isang rap track na katunog ng totoong gawa.

Malapit nang maging sentro ng buhay natin ang generative AI kagaya ng smart phone. Pero sa marami, isang misteryo ang Generative AI. Tingnan natin kung ano at hindi ano ang generative AI, at kung paano nito pwedeng baguhin ang buhay natin sa trabaho at sa bahay.

Pag-unawa sa generative AI.

Pagtukoy sa generative AI.

highly detailed little bird on a cobble street with palm trees

Prompt: isang labis na detalyadong munting ibon sa isang kalsadang bato na may mga puno ng niyog

AI vs. generative AI.

Bakit napakahusay ng generative intelligence.

three labradoodle puppies run on the grass

Prompt: tatlong labradoodle na tuta na tumatakbo sa damuhan

Mga paggamit sa generative AI.

Mga korporasyon at generative AI.

Mga indibidwal at generative AI.

interior Design, a perspective of of a living room and a kitchen with an island, large windows with natural light, Light colors, vegetation, modern furniture, skylight, modern minimalistic design

Prompt: Design ng interior, isang perspektiba ng isang sala at isang kusina na may island, malalaking bintana na may natural na liwanag, Mapupusyaw na kulay, halaman, modernong kagamitan, skylight, modernong minimalistic design

Mga benepisyo at advantage ng generative AI.

Naiintindihan ng Generative AI ang malalaking halaga ng komplikadong data nang mas mabilis kaysa sa mga tao. Ito ang dahilan ng dalawang pangunahing potensyal na benepisyo ng generative AI:

  1. Mas mataas na productivity
  2. Pinaigting na kahusayan
    Isipin mo na nagtatrabaho ka sa isang kumpanya na sino-store ang pagmamay-ari nitong impormasyon sa mga nakasulat na ulat, spreadsheet, relational database, at maging sa graphical chart. Maaari mong gamitin ang generative AI upang suriin ang lahat ng mga source na iyon, magbukas ng mga koneksyon sa kanila, at sagutin ang iyong mga tanong. Ang AI ay maaari ring magbahagi ng mga rekomendasyon batay sa kanyang pag-aaral.

    Posible ang mga pagbuti sa productivity at kahusayan sa maraming industriya. Kung ikaw ay isang marketing manager sa isang maliit na negosyo, maaring makatulong sa iyo ang generative AI na maagap na baguhin ang sukat ng isang online na ad upang tugma ito sa mga teknikal na pamantayan ng mga lugar kung saan ito lilitaw. Pagkatapos ay maaari kang makipagtulungan sa generative AI upang mag-ulat tungkol sa performance ng asset, makita ang mga trend at oportunidad na maaari mong ilunsad sa susunod na wave ng marketing.

    May pangatlong pangunahing potensyal na benepisyo ang generative AI:
  3. Pinahusay na creativity
    Syempre, may kakayahan ang mga taong magkaroon ng malawak na creativity. Pero kahit ang pinakamagagaling sa atin ay pwedeng hindi makawala sa kinaugaliang pamamaraan. Halimbawa, pwedeng gamitin ng Graphic designers ang AI bilang isang brainstorming partner. Makakagawa ito ng mga bagong ideya na magdadala sa iyo sa iba't ibang direksyon, tulad ng isang kaleidoscope na ginagawang bago ang isang pamilyar na tanawin. Sa mga sitwasyong ito, mas creative copilot mo ang AI kaysa virtual expert.

Mga limitasyon at hamon ng generative AI.

Sobrang nakakabilib ang mga kakayahan ng generative AI na madaling makalimutan ang mga limitasyon nito. Narito ang ilang hamo na dapat malampasan.

Hindi palaging tama ang AI.

Gaya ng tinalakay namin sa seksyong “Mga Paggamit ng Generative AI,” hindi palaging tama ang mga generative AI tool gaya ng ChatGPT. Posibleng dumating ang panahon na ang mga pinahusay na dataset at algorithm ay mababawasan ang panganib, pero sa ngayon, tayong mga tao ay dapat maging mapanuring consumer ng mga binabasa natin. Kumpirmahin ang impormasyon sa pamamagitan ng paghahambing nito sa isang mapagkakatiwalaang source.

May bias kahit saan.

Madali lang sumuri ng katotohanan. Ang pag-block ng mga bias sa lipunan, tulad ng mga tungkol sa kasarian o lahi, mula sa mga resulta ng generative AI ay mas mahirap. Ngunit iyon din ay kinakailangan. Para maiwasang lumabas sa mga resulta ng generative AI ang mga bias sa lipunan, ang mga taong responsable para sa AI ay dapat tukuyin at bawasan ang bias mula sa design hanggang sa pag-develop at pag-deploy, at dapat silang tumuon sa tuloy-tuloy na pagsubaybay.

Bilang mga user, makakatulong din tayong alisin ang bias. Sabihin nating inilagay mo ang text prompt na "scientist na may suot na lab coat na may hawak na test tube" sa isang AI art generator. Ang mga resulta ba ay nagpapakita lamang ng isang uri ng tao, kahit gaano karaming beses mo i-click ang "generate" button? Pwede kang magpadala ng mensahe sa mga gumawa ng generator tungkol sa blind spot, at pagkatapos ay pagandahin ang text prompt mo para makagawa ng mas magkakaibang resulta.

scientist in a lab coat holding a test tube

Prompt: scientist na may suot na lab coat na may hawak na test tube

Pwedeng gumamit ng maraming enerhiya ang generative AI.

Dapat ding malaman ng mga kumpanyang nagde-develop ng mga generative AI tool ang tungkol sa enerhiyang kinakailangan sa ngayon para sanayin at panatilihin ang mga tool na ito. Nagkakamalay na ang industriya sa pangangailangang bawasan ang carbon footprint nito, pero marami pang kailangang gawin.

Ang mga karapatan sa intellectual property ay isang isyu.

Ang mga propesyonal na creator ay may tamang alalahanin tungkol sa paglabag sa copyright. Sa kasalukuyan, ang mga alalahanin na ito ay kinikilala ng mga hukuman. Ang Adobe ay isang halimbawa ng isang kumpanya na nagtatrabaho upang tumulong sa mga creator. Bukod pa sa responsableng pag-develop sa generative AI ng Firefly, tumutulong din ang Adobe na gumawa ng mga pamantayan sa industriya sa pamamagitan ng Content Authenticity Initiative (CAI) at nagsisikap itong gumawa ng pangkalahatang tag na “Huwag Isama sa Pagsasanay” na magbibigay-daan sa mga creator na kontrolin kung papayagan ang mga AI model na magsanay sa kanilang gawa.

Pag-integrate ng generative AI sa workflow mo.

Harapin ang hinaharap ng design gamit ang generative AI ng Adobe Firefly.

a Japanese tea garden

Prompt: isang Japanese tea garden

{{questions-we-have-answers}}

Ano ang generative AI at paano ito gumagana?
Ang generative artificial intelligence ay isang sangay ng AI na nakatuon sa paglikha o produksyon ng mga bagong nilalaman, tulad ng mga imahe, musika, o text sa pamamagitan ng mga algoritmo at mga modelo ng machine learning. Karaniwang nangangailangan ang generative AI ng input mula sa user, tulad ng isang text o prompt, upang makalikha ng katumbas na output, kabilang ang text, imahe, musika, o video.
Ano ang mga praktikal na paggamit sa generative AI?
Maraming praktikal na paggamit sa generative AI, kabilang ang pagsusulat ng computer code, paggawa ng imagery at video, pagbubuod ng mga ulat, pagsusuri ng data ng mga benta, at paglilingkod sa mga customer.
Paano naiiba ang generative AI sa iba pang uri ng AI?
Ang artificial intelligence ay pangkalahatang tinutukoy bilang mga makina na sumusunod sa kamalayan ng tao upang magawa ang mga gawain. Ang generative AI ay nakatuon sa paglikha o pag-produce ng mga bagong nilalaman, tulad ng mga imahe, musika, o text, sa pamamagitan ng mga algoritmo at mga modelo ng machine learning. Karaniwang nangangailangan ang generative AI ng input mula sa user upang makalikha ng kaugnay na output.
Ano ang mga benepisyo at limitasyon ng generative AI?
Mga potensyal na pangunahing benepisyo ng artificial intelligence ay kinabibilangan ng pinabuting kahusayan, mas mataas na productivity, at pinalawak na pagiging malikhain. Kabilang sa mga limitasyon ay hindi tumpak na impormasyon, pag-promote ng bias, paglabag sa karapatan sa pag-aari, at pagkonsumo ng enerhiya.
Paano mai-integrate ng mga negosyo at indibidwal ang generative AI sa mga proseso nila?
Ang mga negosyo at indibidwal ay maaaring maghanap ng mga bahagi sa kanilang mga gawain kung saan sila ay maaaring makakuha ng karagdagang kahusayan, produktibidad, o pagkamalikhain. Ang mga negosyo na nag-integrate ng generative AI ay dapat suriin ang mga likhang resulta para sa katumpakan, bias, at paglabag sa karapatan sa pag-aari, samantalang pinapayagan ang mga empleyado na mamahala ng mga konsepto at estratehiya. Maaaring gamitin ng mga indibidwal ang mga tool ng generative AI para sa trabaho at palaro nang may pag-iingat sa kanilang personal na impormasyon.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/firefly/aside-dream-bigger-with-firefly

{{you-may-also-like}}

AI Art para sa mga Developer ng Laro

Alamin pa

Paano binabago ng generative AI ang creative work

Alamin pa

Mga Ideya para sa AI Art Prompt

Alamin pa

Firefly vs Stable Diffusion

Alamin pa