Mga banepisyo ng generative AI sa isang sulyap.
- Mas mapapadali ng generative AI na gumawa.
- Matutulungan ng generative AI ang kahit sino na sumubok ng mga bagong ideya at gumawa nang mas mabilis.
- Para sa pinakamahuhusay na resulta, gumamit ng mga etikal na model ng generative AI at gamitin ang mga ito nang responsable.
Generative AI 101.
Ang generative AI ay isang uri ng artificial intelligence na gumagawa ng bagong content — gaya ng text, mga image, video, audio, at computer code — batay sa mga pattern na natututunan nito mula sa kasalukuyang data.
Bagama't may ganito nang teknolohiya sa loob ng ilang dekada sa mga chatbot, sa pamamagitan ng pag-develop ng mga neural network, o large language model, napahusay nang husto ang kalidad ng AI-generated na materyal. Gamit ang mga dataset na binubuo ng daan-daang milyong halimbawa, magagawa ng mga model na ito na tumukoy ng mga pattern at gumawa ng mga hula na makakatulong sa mga itong mag-generate ng bagong text, mga image, at marami pa.
Alamin kung paano gumagana ang generative AI
Isa ka mang designer, marketer, developer, o isang tao lang na mahilig gumawa ng mga bagay, makukuha mo ang mga benepisyo ng generative AI at magagawa mo itong bahagi ng artistic na proseso mo. Nagsisimula pa lang nating maunawaan ang epekto ng generative AI sa creative work, at makita kung paano mapapahusay — hindi mapapalitan —ng teknolohiyang ito ang creativity.
Paano mapapahusay ng generative AI ang creative work mo.
Prompt: Asong nagmamaneho ng pink na convertible sa mga ulap
Malampasan ang mga blocker at kinaugaliang pamamaraan sa paglikha.
Kapag nahihirapan kang gumawa, pwede mong gamitin ang generative AI para simulan ang creativity mo, mag-explore ng mga bagong posibilidad, o mag-sketch ng mga panimulang konsepto. Halimbawa, pwede mong simulan ang pag-brainstorm mo sa tulong ng generative AI — kailangan lang ng simpleng text prompt. Pwede itong maging kasingbilis at dali ng paglalarawan ng isang ideya, gaya ng “Asong nagmamaneho ng pink na convertible sa mga ulap,” at pag-click ng Mag-generate.
Mula roon, pwede kang magdagdag ng kaibigan para sa aso o gawing higanteng agila ang convertible. Walang limitasyon sa pwede mong gawin, at ang kalayaang iyon ay pwedeng magbukas ng mga bagong posibilidad.
Gumawa nang mas mabilis.
Bukod pa sa pagiging mahusay na tool para sa pag-iisip ng mga bagong ideya, matutulungan ka ng generative AI na buuin ang mga ideyang iyon nang mas mabilis. Gamit ang mga tool na gaya ng Generative Fill sa Photoshop at Adobe Firefly web app, isang simpleng text prompt lang ang kailangan mo para makapagdagdag ng mga bagong element sa isang image.
Halimbawa, mabibigyan mo ang asong iyon sa lumilipad na kotse ng pares ng sunglasses o baseball cap. Siguro ay gumagawa ka ng poster na nag-a-advertise ng sale para sa isang tindahan ng mga pet supply. Kapag masaya ka na sa image na na-generate mo, pwede kang magdagdag ng text tungkol sa sale sa Adobe Photoshop o Adobe Express, at magpatuloy sa susunod na proyekto.
Prompt: Mabalahibong asong nagsu-surf
Mag-customize, mag-eksperimento, at mag-iterate.
Pwedeng maging kapaki-pakinabang na collaborator ang generative AI. Pwede kang maglagay ng text prompt mula sa mga pinakamalikhaing pangarap mo — at pagkatapos ay patuloy itong gawin ulit, pagandahin ang prompt mo, at mag-generate ulit para sa mga mas partikular na resulta. Gamit ang tamang AI generator, mako-customize mo ang image mo hanggang sa sakto na ito.
Kung hindi ka sigurado kung ano ang gusto mong gawin — baka sobra ang pink na convertible — simulan lang na mag-type at tingnan ang mga mungkahing prompt. O magsimula sa pangkalahatang prompt, tulad ng “mabalahibong aso,” at pagkatapos ay tingnan kung ano ang bubuuin ng generative AI. Pagkatapos ay patuloy na paglaruan o baguhin ang prompt mo habang nagsisimulang dumaloy ang mga ideya.
Makakatulong din sa iyo ang generative AI na mabilis na mag-explore ng mga variation ng kulay. Kung gumagamit ka ng vector graphics pero hindi ka sigurado kung tama ang color palette, makakapag-explore ka kaagad ng mga bagong color palette gamit ang Generative Recolor sa Adobe Illustrator.
Mga bagay na dapat isaalang-alang kapag gumagawa ng generative AI na artwork.
Bagama't makakatulong ang generative AI na mapahusay ang creativity at productivity mo, may ilang salik na dapat tandaan bago ka magsimulang gumawa.
Hindi pare-pareho ang pagkakagawa sa lahat ng AI art generator. Ang isang model ng AI ay kasinghusay lang ng data kung saan ito sinanay, kaya mahalaga ang laki at kalidad ng dataset. Palaging alalahanin ang bias ng tao.
Sa Adobe Firefly, palagi naming internal na sinusubukan ang aming mga model para sa kaligtasan at bias, at may mga mechanism para sa feedback ang mga AI feature namin para maiulat ng mga user ang anumang alalahanin at makapagsagawa kami ng mga hakbang para tugunan ang mga iyon. Pwede kang magbasa pa tungkol sa pamamaraan at pangako ng Adobe sa responsableng pag-develop ng AI.
Prompt: pop, soda na kulay lime na may bula
Magsimula gamit ang generative AI ng Adobe Firefly.
Magsimulang makinabang sa generative AI gamit ang Firefly web app. Mag-imbento ng mga larawan at illustration mula sa simula gamit ang Text to Image, at subukan ang iba pang feature ng Firefly, gaya ng Mga Text Effect at Generative Fill, para makita kung gaano kabilis at kadali kang makakagawa ng bagong bagay.
At tingnan ang mga feature na ito ng Firefly na naka-embed sa iba pang Adobe Creative Cloud app:
- Palawakin ang mga image mo gamit ang Generative Expand sa Adobe Photoshop.
- Gumawa ng vector graphic gamit ang isang text prompt sa Adobe Illustrator.
- Mag-generate ng template gamit ang isang text prompt sa Adobe Express.
Gamit ang mga iyon at iba pang feature na darating, lalaki lang nang lalaki ang creative toolkit mo, at patuloy na dadali at magiging mas masaya ang pinakamagandang creative work mo.