CREATIVE GENERATIVE AI
Paano magsulat ng mga AI art prompt na makakakuha ng mga resulta.
Hindi palaging obvious ang pinakamagandang mga prompt para sa AI. Matutulungan ka ng mga tip na ito upang makarating sa patutunguhan mo nang mabilis.
Ano ang nagpamangha sa iyo sa 1903? Ang pinakaunang pagpapalipad ng Wright Brother ng eroplano — na tumagal lamang ng 12 segundo. Ang katumbas nito sa 2023? Paggawa ng art gamit ang text prompt sa unang pagkakataon.
Katulad ng Wright brothers, malamang na magkakaroon ka ng inspirasyon na patuloy na paunlarin ang sarili hanggang sa tunay na sumikat ang AI. Isipin ang mga sumusunod na tip bilang hangin sa ilalim ng iyong mga pakpak.
Dalhin ang iyong prompt ng AI art mula biplane patungong spaceship.
Nangangailangan ng dalawang bagay ang paggawa ng AI art: isang teknolohiyang tinatawag na generative artificial intelligence (AI) at isang tao na nagsasabi sa teknolohiya kung anong image ang gagawin. Ang pinakakaraniwang paraan para mautusan ng mga tao ang mga AI art generator ay sa pamamagitan ng mga nakasulat na paglalarawan na kilala bilang mga text prompt.
Bagama't pwedeng maikli ang mga prompt — iniaasa ang karamihan ng mga pagpipilian sa AI — mas masayang gawing pulido at ilarawan ang gusto mo nang detalyado. May AI image generator ang Adobe Firefly na magbibigay-daan sa iyong magsulat ng mga prompt gamit lang ang pang-araw-araw na wika.
Halimbawa ay sinabi mo sa Firefly na gumawa ng image ng “kabilugan ng buwan” at makakakuha ka ng katulad nito.
Prompt: kabilugan ng buwan
Prompt: kabilugan ng buwan sa kalangitan na may rocket na papunta sa buwan
Prompt: kabilugan ng buwan sa kalangitan na may rocket na papunta sa buwan, cartoon art
Prompt: kabilugan ng buwan sa kalangitan na may rocket na papunta sa buwan, sa style ng Golden Age Dutch Master oil painting
Kung gusto mo man ng isang direktang eksena, abstract art, disenyo ng character, o iba pa, pabilisin ang mga AI art prompt mo gamit ang mga panglarawan gaya ng mga sumusunod:
- Mga art movement (Cubism, Pop Art, Impressionism)
- Mga kulay (mga partikular na hue man o konsepto gaya ng matingkad o malamlam)
- Composition (malapitan, malawak na anggulo, kuha mula sa itaas)
- Mga emosyon (masaya, malungkot, galit)
- Lighting (back lighting, lighting sa studio, golden hour)
- Mga materyal (larawan, yarn, origami)
- Mga style (hyper realistic, steampunk, collage)
Kung gagamitin mo ang Firefly para mag-generate ng AI art, makakakita ka ng maraming panglarawan na nakalista na sa interface, na mas lalong nagpapadali na subukan ang mga bagong ideya para sa AI art prompt. Pwede mo ring tukuyin ang aspect ratio ng image sa interface ng Firefly. Kasama sa mga opsyon ang square (1:1), landscape (4:3), portrait (3:4), at widescreen (16:9).
Subukan ang mga alternatibong flight path
Pinagsamang kalikasan at teknolohiya
Prompt: origami, pinagsamang vibrant na kalikasan at teknolohiya, sa style ng Magritte
Surreal dreamscape
Prompt: flamingo na cartoon character sa isang surreal dreamscape, mga neon na kulay, na kinuhanan ng larawan mula sa itaas
Abstract na geometric pattern
Prompt: mga abstract na geometric pattern, vintage na surfer, mainit na kulay
Portrait sa monochrome
Prompt: masasayang portrait sa monochrome, gawa sa yarn, graphic, bioluminescent
Mga tip ng eksperto para sa pinakamagagandang AI art prompt (sa ngayon).
Nasa unang yugto pa lang ang AI art generation, at ang mga paraan ng ating pakikipag-ugnayan sa teknolohiya ay malamang na mag-evolve pa nang higit sa mga text prompt. Sa ngayon, narito ang ilang diskarte na makakatulong sa ilang sitwasyon.
Pagsamahin ang mga kumplikadong konsepto gamit ang mga tandang panipi.
Kapag nahihirapan ang AI na ibukod ang mga bahagi ng prompt, subukang magdagdag ng mga panipi sa paligid ng mga element na gusto mong ituring nito bilang isang grupo; halimbawa, “mga matingkad na berdeng vector na hugis na umiikot-ikot na nasa kalangitan” “pulang Martian rover sa lupa,” photorealistic.
Isaad ang mga element na iiwasan.
Magdagdag ng [avoid = lila] sa dulo ng isang text prompt sa Firefly para ilayo ang AI sa konseptong nasa loob ng mga panaklong.
Tukuyin ang strength ng isang style.
Dagdagan o bawasan ang impluwensya ng isang style ng Firefly sa isang image sa pamamagitan ng pagdaragdag ng [stylize = 90,10] sa dulo ng text prompt mo. Dapat na katumbas ng 100 ang mga numerong nasa loob ng mga panaklong, at kapag mas mataas ang pangalawang numero, mas lalapit ang Firefly sa style na nasa prompt mo.
Timbangin ang kahalagahan ng prompt.
Bigyan ng kalayaan ang AI na magtuon ng mas kaunting atensyon sa isang prompt sa pamamagitan ng pagdaragdag ng [guidance = 25] sa dulo ng prompt. Ang mga numero ay maaaring nasa pagitan ng 0 at 25. Mas mababa ang numero, mas hindi papansinin ng AI ang prompt.
Pagulungin ang dice.
Para sa mga resulta na nakakabigla pero malayo sa prompt mo, idagdag ang [raw-style = True].
Maglagay ng AI art prompt sa isang bahagi lang ng image.
Gaano ka man kagaling sa pagsusulat ng mga text prompt, tiyak na makakapag-generate ka ng isang image na perpekto — kung mababago mo lang ang isang bagay nang hindi naaapektuhan ang iba pa. Iyon ang oras para sa Generative Fill, na magbibigay-daan sa iyong magdagdag o mag-alis ng content sa mga image mo gamit ang mga simpleng text prompt.
Sa Firefly, gagamit ka ng ilang simpleng kontrol para pumili ng bahagi ng image, at pagkatapos ay ilalarawan mo gamit ang isang bagong text prompt kung ano ang dapat gawin ng AI sa loob ng seleksyon. Pwede mo ring gamitin ang Generative Fill sa mga image na hindi AI art, sa Firefly man o sa mga Adobe Photoshop desktop at web app.
Pwede ring maging mga likhang sining ang mga salita.
Kaya rin gumamit ng Firefly ng AI text effects. Muli, uutusan mo ang AI gamit ang mga text prompt, at pipiliin mo ang mga letra, ang font, at kung gaano kalayo lalagpas sa outline ng letra kakalat ang AI art.
Ang mga default na pagkalat ay Tight, Medium, at Loose. Pwede mong idagdag ang [outline-strength = 10] sa dulo ng prompt mo para ibahin ang pagkalat ayon sa mga antas maliban sa tatlong default. Kapag mas mababa ang numerong nasa loob ng mga panaklong, mas malawak ang pagkalat.
Nasa upuan ka ng piloto.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga text prompt nang lampas sa mga basic, makakapag-generate ka ng AI art na kasing natatangi ng mga imahinasyon mo. Magsimula lamang at pagkatapos ay mag-layer sa mga estilo, mood, at iba pang mga gumagawa na descriptor. Subukan ang Generative Fill para pagandahin ang mga lugar sa iyong AI art. At huwag matakot na maging kakaiba sa iyong mga text prompt — minsan ang mga hindi inaasahang destinasyon ang pinakahindi malilimutan. Pagdating sa mga ideya para sa AI art prompt, walang limitasyon. Magsimula sa pamamagitan ng pagsunod sa aming step-by-step na gabay sa kung paano gumawa ng AI-generated art.
Tingnan kung ano ang ginagawa ng iba.
Gamitin ang komunidad ng Firefly para mag-remix ng mga image ng iba pang creator, mag-share ng sarili mong image, at maghanap ng inspirasyon.