Ang image-to-video AI ay tool na tumutulong para gawing maikling animated na video clip ang mga still image gamit ang generative AI para magdagdag ng motion, camera effects, at cinematic styling.
Para gawing video ang isang image, puwedeng mag-upload ng larawan o graphic sa Adobe Firefly, piliin ang motion at framing settings, at mag-export ng video sa ilang hakbang lang.
Ginagamit ng Adobe Firefly Image to Video feature ang generative AI para i‑analyze ang still image at hulaan kung paano natural na kikilos ang depth, lighting, at motion sa loob ng scene. Pagkatapos, naglalagay ang Firefly ng realistic camera movement, motion styles, at lighting effects para gumawa ng smooth MP4 video clip. I‑upload lang ang JPG o AI image mo, ilarawan ang vision mo, i‑preview ang video clip, at i‑export ang MP4 kapag satisfied ka na sa resulta.
Ginagamit ang mga generative credit para makagawa ng content gamit ang mga Adobe Firefly AI tool, kasama na ang Image to video AI generator, at nakakatulong din ito sa pag-manage ng access at paggamit sa buong account mo.
Puwede kang mag-generate ng mga video hanggang 4K resolution para sa professional-level na quality. Nag-iiba ang mga resolution setting depende sa AI model.
Nag-iiba ang video generation speed sa Adobe Firefly batay sa model at complexity ng prompt mo, pero karaniwan kang makakakita ng mga resulta sa loob ng dalawang minuto mula upload hanggang preview.
Puwedeng i-download ang mga generated video mula sa Adobe Firefly sa MP4 format hanggang 4K resolution na may duration na higit-kumulang limang segundo (depende sa AI model na ginamit). Kung nag-generate ka ng clip gamit ang text-to-video o image-to-video features, makikita mo ang Download button sa taas na kanan ng result window. Pagkatapos i-download, puwede mong i-reencode, i-reformat, o i-integrate ang clip sa ibang Adobe app depende sa pangangailangan mo.
Magagamit mo ang mga AI-generated video para sa B-roll, cutaways, concept visuals, marketing content, social media, at kahit saan na kailangan ng motion para sa visual impact. Magagaling din ang mga AI-generated video mula sa still images para sa product demos, explainer videos, presentations, ad campaigns, at background visuals para sa mga website at events.
Ginagawa ng Adobe Firefly na mabilis at madaling gawing high-quality, AI generated videos ang mga nakasulat na prompt—walang kailangang dating karanasan. Gamit ang Image to Video, makakagawa ang mga creators mula sa mga ideya hanggang sa polished, shareable content sa loob lang ng ilang minuto. Puwede ring gamitin ang ibang popular tool—tulad ng Luma AI—bilang partner models nang direkta sa loob ng Adobe Firefly, kaya mapapalawak mo ang creative options mo nang hindi naaantala ang workflow mo.
Nakakatanggap ang mga free user ng libreng daily generations, kaya puwede mong subukan ang Adobe Firefly image-to-video generator. May karagdagang access kapag bumili ka ng
Adobe Firefly subscription.
Na-train lang ang Adobe Firefly models sa licensed at public domain content, kaya commercially safe gamitin ang mga AI-generated video mo.
Hindi naman. Ginawa ang Image to video generator na simple at madaling gamitin para sa lahat ng skill levels, mula sa beginners hanggang sa creative pros.
Puwedeng i-export ang video mo nang direkta sa Adobe Premiere para sa karagdagang pag-edit o gamitin sa ibang Adobe Creative Cloud project.
Basta hindi lumalabag sa copyright, trademark, privacy, publicity, o ibang rights ang image na in-upload mo, commercially safe gamitin ang mga video na na-generate mo mula sa image gamit ang mga Adobe Firefly model para sa mga campaign, client work, presentation, at marami pang iba.
Puwedeng gamitin ang mga AI-generated image bilang panimula para gumawa ng video gamit ang mga tool tulad ng Image to Video sa Adobe Firefly.
Gumagawa ang mga
Text-to-video model ng buong scene mula sa nakasulat na prompt. Nagsisimula ang Image-to-video models sa existing picture mo at nakatuon sa pagdagdag ng motion o camera movement. Sa Adobe Firefly, mahusay ang Text to Video para sa paggawa ng mga scene mula sa simula, habang ideal naman ang Image to Video kapag mayroon ka nang malakakas na visual at gusto mo itong isabuhay.
Nag-integrate ang Adobe Firefly ng iba’t ibang trusted
partner model para sa video generation at editing. Kasama dito ang video models mula sa Google, Runway, luma, at OpenAI. Puwede ring piliin ng mga user ang Adobe Firefly Video Model para mag-generate ng commercially safe content para sa kanilang project. Sama-sama, naghahatid ang mga model na ito ng advanced creative power at mga professional-quality na resulta sa Adobe Firefly.