https://www.adobe.com/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/firefly-appicon-64-new.svg | Firefly {{Adobe Firefly}}
Isalin ang English sa Spanish para sa naka-localize na content.
Isalin ang audio na English sa Spanish gamit ang pagsasalin ng wika ng generative AI na natural pakinggan. Mag-localize ng mga audio at video clip para sa mga Spanish na audience gamit ang sarili mong boses at ritmo.
Paano magsalin ng English sa Spanish.
Mag-upload ng file sa English.
Magsimula sa pamamagitan ng pag-upload ng English na audio o video file mo sa MP3, WAV, o MP4 format.
Piliin ang wikang Spanish.
Piliin ang Spanish bilang target na wika mo.
Suriin at i-export ang file mo.
I-preview ang isinalin mong audio, gumawa ng mga pinal na edit, at i-export ang project mo kapag handa ka na.
Isalin ang English sa Spanish gamit ang generative AI.
Ginagawang mabilis at intuitive ng Firefly ang pagsasalin ng English sa Spanish gamit ang generative AI. Partikular na idinisenyo para sa audio at video content, tinutulungan ka ng AI audio at video translator na gumawa ng mga bersyon sa Spanish ng mga project mo na matatas at natural pakinggan sa loob lang ng ilang click. Isa itong madaling paraan para palawakin ang naaabot mo at kumonekta sa mga audience na nagsasalita ng Spanish sa buong mundo.
Natural na pag-dub gamit ang boses at ritmo mo.
Gumagamit ang Firefly ng AI dubbing para magsalin mula English patungong Spanish habang pinapanatili ang tunog ng boses mo. Itinutugma ng output ang orihinal na ritmo, tono, at acoustics mo, para magtunog authentic ang audio mong isinalin ng AI. Gamit ang Firefly, makakagawa ka ng de-kalidad na audio content sa Spanish nang hindi nawawala ang personal na detalye na nagpapabukod-tangi sa mensahe mo.
Isalin ang audio na English sa Spanish sa pamamagitan ng isang hakbang.
Madaling isalin ang audio na English sa Spanish sa loob lang ng ilang minuto. I-upload English na recording mo at hayaan ang AI na isalin ang audio sa Spanish na matatas at natural pakinggan. Mabilis at maaasahang paraan ito para mag-localize ng mga podcast, narration, voiceover, at iba pang audio-driven na project para sa mga audience sa buong mundo.
Mga pagsasalin ng subtitle na madaling i-edit.
Pinapasimple ng Firefly na magsalin mula English patungong Spanish at mag-generate ng mga tumpak na subtitle para sa mga audio o video na project mo. Nagbibigay ang built-in na video translator ng mga nae-edit na subtitle na may convenient na side-by-side na view, para masuri at mapulido mo ang mga pagsasalin mo bago mag-export at mag-share. Mabilis itong paraan para gumawa ng mga pulidong subtitle sa Spanish na saktong tumutugma sa content mo.
Mas mabilis na maabot ang mga audience na nagsasalita ng Spanish.
Spanish ang pangunahin o opisyal na wika sa mahigit 20 bansa. Mabilis at walang hirap na magsalin ng Spanish na content, at baguhin ang mga audio at video file mula English patungong Spanish na natural pakinggan sa loob lang ng ilang hakbang. Gamit ang AI audio translator, hindi mo kailangan ng malaking team sa produksyon o mga kumplikadong workflow para magsimulang bumuo ng mga koneksyon sa mga audience na nagsasalita ng Spanish sa buong mundo.
Isalin ang English sa Spanish sa natural na paraan para sa kahit anong project.
Pinapadali ng AI na tool sa pagsasalin ng Firefly ang pag-adapt ng content mo para sa mga audience na nagsasalita ng Spanish, gumagawa ka man ng pangmabilisang post sa social o pangmalakihang produksyon. Pwede kang magsalin mula English patungong Spanish para gumawa ng matatas at natural na audio para sa anumang laki ng project, habang itinutugma ang tono at ritmo ng boses mo. At kung kailangan mong magsalin mula Spanish patungong English, magagawa mo rin ito.
Gamitin ang pagsasalin ng AI ng English sa Spanish para sa:
- Mga clip sa social media.
Mabilis na magsalin ng maiikling video o audio snippet para sa mga audience na nagsasalita ng Spanish sa iba't ibang platform. - Mga video para sa pagsasanay.
Mag-localize ng content para sa pagtuturo para i-engage ang mga empleyado o mag-aaral sa maraming rehiyon. - Mga demo ng produkto.
Tulungan ang mga potensyal na customer na maunawaan ang produkto mo sa pamamagitan ng pagbibigay ng audio o mga subtitle sa Spanish. - Mga material na pang-edukasyon.
Gumawa ng mga aralin, lektura, o content ng kurso na accessible sa mga estudyanteng nagsasalita ng Spanish. - Paggawa ng content sa maraming wika.
Palawakin ang naaabot mo sa pamamagitan ng pagbubuo ng content sa parehong English at Spanish nang walang magastos na proseso sa produksyon.
Paano magsalin ng audio na English sa Spanish.
Sa loob lang ng ilang simpleng hakbang, makakapag-generate ang AI translator ng Firefly ng mga pagsasalin sa Spanish na natural pakinggan nang hindi binabago ang orihinal mong tono at style. Narito kung paano:
- Mag-upload ng file sa English.
Magsimula sa pamamagitan ng pag-upload ng English na audio o video file mo sa AI translator ng Adobe Firefly. Pwede kang gumamit ng mga karaniwang format tulad ng MP3, WAV, o MP4, basta may kasamang hindi bababa sa limang segundo ng audio ng pananalita ang file mo. Voiceover, podcast, o na-record na presentation man ito, pinapadali ng Firefly ang paghahanda ng content mo para maisalin ito mula English patungong Spanish. - Piliin ang wikang Spanish.
Kapag na-upload na ang file mo, piliin ang Spanish mula sa listahan ng mga available na wika. Gumagamit ang Firefly ng generative AI para isalin ang content sa wikang English sa Spanish habang pinapanatili ang tono, ritmo, at personalidad ng boses mo. - Piliin ang uri ng pagsasalin mo.
Magpasya kung gusto mong mag-generate ng mga Spanish na subtitle, pag-dub sa audio, o pareho. Madali kang makakapagpalit ng format batay sa mga pangangailangan ng project mo. Madali itong paraan para gumawa ng cross-platform na content sa wikang Spanish para sa mga audience sa buong mundo nang hindi kailangan ng dagdag na oras sa studio o pag-record ulit. - I-customize ang boses o mga subtitle mo.
Pinuhin ang mga resulta mo sa pamamagitan ng pag-adjust sa style ng boses, tono, o mga preference sa subtitle. Binibigyan ka ng Firefly ng kontrol sa pinal na hitsura at dating, para tumugma ang isinaling content sa creative na vision mo. - Suriin at i-export ang file mo.
Kapag handa na ang pagsasalin mo sa Spanish, maglaan ng sandali para suriin ang audio at tiyaking kagaya ito ng eksaktong tunog na gusto mo. Madali mong magagawang makipag-collaborate sa iba, makakuha ng feedback, at gumawa ng mga adjustment bago mag-finalize. Kapag handa ka na, i-export ang isinalin mong audio bilang MP3 o WAV file — sakto para sa pag-share, pag-publish, o pagdaragdag sa susunod mong audio na project.
Tumuklas pa ng mas maraming feature.
Magsalin ng video Magsalin ng audio Isalin ang Spanish Isalin ang English sa French Isalin ang French sa English AI dubbing AI anime generator AI video generator