#FFFFFF
con-block-row-lockup

Itodo ang impluwensya mo gamit ang Adobe para sa Mga Nonprofit.

Itaguyod ang misyon mo at bigyang-buhay ang mga kuwento mo gamit ang Adobe apps. Espesyal na presyo para sa mga kwalipikadong nonprofit.

I-explore ang mga plan Panoorin ang video

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/video/nonprofits/media_143f94288ac3907509a58ed71447e45dfbbc2aa64.mp4#_autoplay&end=replay

Madali lang magsimula.

Mga digital na dokumento. Nakaka-inspire na content.

Mula sa pangangasiwa ng mga PDF at e-signature hanggang sa paggawa ng content para sa fundraising, adbokasiya, at mga ugnayan sa donor, nasa Adobe ang mga tool at serbisyong kailangan mo.

E-signature sa tablet device

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/acrobat-pro-40.svg

Adobe Acrobat Pro para sa Mga Nonprofit

Gumawa, mag-edit, sumuri, at mag-share ng mga PDF ng material sa outreach, waiver, invoice, at taunang ulat. Maglagay kaagad ng mga e-signature sa mga kontrata at gumawa ng mga web form para sa mga sign-up sheet.

Alamin Pa Mag-apply ngayon

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/express-40.svg

Adobe Express para sa Mga Nonprofit

Gumawa ng mga kapansin-pansing social post, video, flyer, mailer, at presentation para sa mga fundraising campaign, event, pakikipag-ugnayan sa donor, at iba pa. Magdagdag ng musika, animation, at sound effects, at i-resize ang content mo para sa iba't ibang social channel.

Alamin Pa Mag-apply ngayon

Maraming flyer at creative asset na nag-a-advertise ng mga nonprofit na event para sa mga boluntaryo
Logo ng Creative Cloud na may babae, mga bulaklak, kotse, at windmill

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/creative-cloud-40.svg

Adobe Creative Cloud para sa Mga Nonprofit

Kumuha ng Acrobat at Adobe Express at creative apps tulad ng Adobe Photoshop, Illustrator, at {{premiere}} para sa mga de-kalidad na graphic design, image, at video.

Mag-apply ngayon

#f8f8f8

Tingnan kung paano nakakaimpluwensya ang mga nonprofit sa tulong ng Adobe.

“Nang may suporta ng Adobe, nagle-leverage ang World Education, isang sangay ng JSI, ng innovative na tech para pataasin ang literacy bilang suporta sa equity at well-being sa buong mundo.”

Jen Vanek
Director of Digital Learning and Research, World Education.

Panoorin ang video

“Simula noong 2018, binibigyang-kakayahan ng pangkalahatang suporta ng Adobe ang BRIDGEGOOD na magbigay ng kaalaman, inspirasyon at kasanayang nagpapabago sa career ng halos 15,000 diverse na creative.”

Shaun Tai
Co-Founder & Executive Director, BRIDGEGOOD

Panoorin ang video

“Tinulungan ng Adobe ang PATH na itaguyod ang aming misyong wakasan ang kawalan ng tirahan sa pamamagitan ng pagbibigay sa amin ng mga tool sa teknolohiya at pinansyal na suporta na kinakailangan para epektibong maalalayan ang aming mga kliyenteng walang tirahan.”

Jennifer Hark Dietz
CEO, PATH

Mga resource para makapagsimula nang mabilis.

Inilalagay ang image...

Magsimula.

Panoorin ang aming mga tutorial at sumali sa aming mga event sa komunidad.

Alamin pa

Inilalagay ang image...

Pahusayin ang mga kakayahan mo.

Matuto ng mga kasanayan sa malikhaing pakikipag-ugnayan gamit ang mabibilis at madadaling maintindihang lesson.

Alamin pa

Inilalagay ang image...

Makakuha ng dagdag na suporta.

Tuklasin ang lahat ng paraan ng pagsuporta ng Adobe sa mga organisasyon sa komunidad.

I-download ang gabay sa nonprofit

Mga bagay na kadalasang itinatanong

Anong mga organisasyon ang kwalipikado?

Para maging kwalipikado, kinikilala dapat ang isang organisasyon bilang mapagkawanggawa o nonprofit na organisasyon sa bansa kung saan ito nakarehistro. Halimbawa, sa United States, ang nonprofit ay dapat isang 501(c)(3) na nonprofit na organisasyon o pampublikong aklatan na kinikilala ng IRS. Ang mga pampublikong aklatan ay mayroon dapat valid na status na 501(c)(3) nonprofit o nakalista sa database ng Institute of Museum and Library Services (IMLS).

Ano ang mga available na offer ng produkto?

Puwedeng makakuha ang mga nonprofit ng isang taong subscription sa Adobe Acrobat Pro nang may malaking diskuwento at Adobe Express nang walang bayad. Puwede ring makakuha ang mga nonprofit ng indibidwal na isang taong membership sa Adobe Creative Cloud nang may diskuwento. Tingnan ang mga offer ng produkto para sa halaga ng bawat produkto.

Ang access sa Creative Cloud ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng aming program partner na TechSoup.

Lisensyang pang-indibidwal o pang-team ba ang mga ito?

Ang lahat ng offer ng Adobe para sa Mga Nonprofit na available dito ay para sa mga lisensyang pang-indibidwal. Kung kailangan ng organisasyon mo ng mas maraming lisensya o team-based na access, sinusuportahan din ng Adobe ang mga nonprofit sa pamamagitan ng mga Education Teams plan na may diskuwento na available sa aming VIP buying program. Para alamin pa, bisitahin ang Adobe Buying Programs.

Sinong mga taong affiliated sa nonprofit ang kwalipikado?

Kwalipikado ang mga kawani ng nonprofit na tumanggap ng mga offer ng produkto sa Adobe para sa Mga Nonprofit. Hindi kwalipikado ang mga benepisyaryo, miyembro, at donor ng nonprofit para sa membership ng Adobe para sa Mga Nonprofit.

Paano kami magiging kwalipikado?

Kailangang i-validate ng mga indibidwal ang nonprofit status nila para mahiling ang bawat produkto. Sa proseso ng pag-apply, hihilingin sa iyo na ibigay ang pangalan ng organisasyon, isang valid na email address ng organisasyon, at ilang detalye tungkol sa organisasyon mo. Inaabot nang isa hanggang tatlong araw ng negosyo ang pag-validate.

Kailangan ko bang maging kwalipikado para sa bawat offer ng produkto?

Oo, dapat mong kumpletuhin ang pag-validate para sa bawat offer ng produkto. Nagsisikap ang Adobe na i-streamline ang prosesong ito sa hinaharap.

Mayroon bang limitasyon sa bilang ng subscription na puwedeng hilingin ng organisasyon ko?

Kung kwalipikadong entity ang organisasyon mo, puwede mong i-access at sulitin ang mga sumusunod na offer:

  • Hanggang 50 lisensya ng Adobe Express Premium plan
  • Hanggang 10 lisensya ng Acrobat Pro
  • Walang limitasyong lisensya para sa {{cc-all-apps-plan}} ng Adobe sa presyong may diskuwento

Para sa Creative Cloud, tingnan ang detalyadong impormasyon sa TechSoup.