Mas bibilis ang takbo ng negosyo mo gamit ang Adobe Acrobat Sign.

Baguhin at pabilisin ang mga workflow mo gamit ang Acrobat Sign — ang gustong e-signature solution ng Microsoft at ang tanging tool sa pag-e-sign na may kasama ring kakayahan ng Adobe Acrobat sa isang package.

Logo ng Leader Summer 2021
Logo ng Users Love Us

Dahil sa naiproseso nitong 8 bilyong e‑signature, ang Acrobat Sign tinawag na panalo sa mga e‑signature ng G2 Reviews

Tingnan kung paano mapapabilis ng Acrobat Sign ang negosyo mo.

Mas mabilis na lumagda ng mga dokumento at mangolekta ng mga signature.

  • I-access ang mga PDF na dokumento sa Acrobat at lumagda ng mga dokumento kahit saan, sa mobile o desktop.
  • Pwedeng lumagda ang mga recipient mo nang mabilis — hindi kailangang mag-download o mag-sign up.
  • Mag-scan at mag-upload ng mga PDF nang walang kahirap-hirap gamit ang libreng Adobe Scan mobile app sa device mo.

Sumubaybay at mag-manage ng mga signature.

  • Mag-send ng mga dokumentong lalagdaan nang mabilis at walang kahirap-hirap mula sa Acrobat, Microsoft Word, at iba pang app.
  • Makakuha ng real-time na visibility para sa bawat dokumentong papalagdaan.
  • Makatanggap ng mga notification kapag nalagdaan ang mga dokumento.
  • Gumawa at mag-manage ng mga reusable na template para sa mga madalas gamiting form.

Mag-send sa maraming recipient nang walang kahirap-hirap.

  • Mag-send ng dokumento sa maraming tao sa isang click.
  • Makakakuha ang bawat recipient ng sarili nilang naka-personalize na form na handang lagdaan.
  • Subaybayan ang buong proseso nang real time.

Mag-integrate at magkonekta ng mga e-signature sa mga tool at application na ginagamit mo na.

  • Paigtingin ang pagiging epektibo ng HR gamit ang mga integration para sa Workday, ServiceNow, SAP SuccessFactors, at marami pa.
  • Kumumpleto ng mas maraming deal sa pamamagitan ng mga integration sa Salesforce, Zoho CRM, at Microsoft Dynamics 365.
  • Magagamit sa Agiloft, Icertis, Nintex, at SAP Ariba para mas mapahusay ang CRM at supply chain mo.
  • Bawasan ang legal na panganib habang humihikayat ng mas magandang mga partner at patient experience gamit ang mga integration para sa Notarize, Veeva, Box, at marami pa.

Mag-customize ng mga kahilingan sa signature gamit ang sarili mong branding.

  • Gawing propesyonal ang mga experience mo sa paglagda.
  • Idagdag ang logo, tagline, at mensahe ng pagbati mo sa mga email na humihingi ng mga signature.
  • I-customize ang page mo ng pagkumpirma gamit ang sarili mong branding.

Mas maraming magagawa — at mas mabilis itong magagawa — gamit ang mahuhusay na PDF tool mula sa Acrobat.

  • Tuloy-tuloy na gumawa, mag-edit, lumagda, at mag-collaborate sa mga PDF.
  • Mag-manage ng mga signature at gawin ang mga PDF — lahat sa iisang platform.
  • Mag-send at lumagda ng mga PDF nang hindi umaalis sa Microsoft Word, Teams, Salesforce, Workday, o iba pang app kung saan kasalukuyan ka nang gumagawa.

Mahigit 300,000 kumpanya ang nagtitiwala sa Adobe para mapaigting ang bilis at pagiging epektibo.

28 beses

na mas mabilis ang cycle sa tulong ng Acrobat Sign.*

$600,000 ang natipid

sa mga transaksyon sa signature sa loob ng tatlong taon.*

125 oras

ang natipid sa bawat empleyado sa loob ng tatlong taon.*

*Ang kabuuang tagal ng oras na natipid sa ika-3 taon mula sa paggamit ng Acrobat Sign. Forrester TEI Total Economy Impact Study, Agosto 2019.

Mga PDF tool ng Acrobat

Ipamalas ang productivity gamit ang mahuhusay na kakayahan sa PDF at e-signature.

Sumali sa 300,000 customer na nagpapaganda sa customer experience gamit ang kakayahan ng mga e-signature at PDF feature ng Acrobat. Pinapadali ng Adobe para sa iyo na gumawa, mag-edit, mag-collaborate, lumagda, at mag-share ng mga PDF, sa anumang device. Pumili mula sa hanay ng mga scalable na solution para matugunan ang mga natatanging pangangailangan mo sa negosyo — mayroon man o walang PDF feature.

Mga Integration

Gumagana sa Microsoft, Salesforce, Workday, at iba pang app.

Bilang gustong e-signature solution ng Microsoft, nai-integrate ang Acrobat Sign sa pinakakomprehensibong suite ng mga Microsoft app, para magawa mong mag-send at lumagda ng mga PDF nang hindi umaalis sa app kung saan ka gumagawa. At, pwede kang mag-access ng mga smart na integration para sa Salesforce, Workday, at marami pang app na ginagamit mo araw-araw.

Pagsunod

Pamantayan ang pagsunod at seguridad.

Binabawasan ng enterprise-level na seguridad namin ang posibilidad na malagay ka sa panganib at tutulungan ka nitong makasunod — anuman ang industriya mo o saan ka man nagnenegosyo. Pwede ring i-configure ang Acrobat Sign Solutions para matugunan ang mga regulasyong partikular sa industriya sa buong mundo, kasama ang HIPAA, FERPA, GLBA, at FDA 21 CFR part 11. Ang bottom line? Sa Adobe, wala kang dapat ipag-alala.


Ang e-signature solution na pinagkakatiwalaan ng maliliit na negosyo at pandaigdigang enterprise ng lahat ng industriya.

Microsoft Logo
Hitachi Solutions Logo
Golden State Warriors Logo
NetApp Logo
HSBC Logo
AstraZeneca Logo
Groupon Logo
Tesla Logo

Ang kaibahan ng Adobe.

Ang Adobe ay pandaigdigang brand na mapagkakatiwalaan mo.

Bilang nangunguna sa mga digital experience na pinagkakatiwalaan ng mga kumpanya sa Fortune 500 sa buong mundo, nag-imbento ang Adobe ng mga kinikilala sa buong mundong solution mula sa Acrobat hanggang sa Creative Cloud na nagpapabago ng negosyo.

Kasama mong lumalago ang mga solution ng Adobe.

Nagbibigay ang Adobe ng malawak na hanay ng mga solution na binuo para umayon sa mga pangangailangan mo, gaano man kalaki ang negosyo mo. I-access ang kumpletong portfolio namin ng mga digital na solution, mula sa Adobe Document Cloud hanggang sa Experience Cloud, sa ilalim ng pinag-isang platform.

All-inclusive na ang presyo ng Adobe.

Palaging all-inclusive ang presyo namin, walang nakatagong bayarin o dagdag na singil para sa mga integration.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga solution namin, o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.