#FFFFFF
con-block-row-lockup(m-lockup)
https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/acrobat-pro-40.svg Adobe Acrobat

Ang mahalagang document solution para sa mga nonprofit.

Maging mas produktibo gamit ang Adobe Acrobat Pro, na available na ngayon sa mga kwalipikadong nonprofit sa espesyal na presyo — PRICE - PUF - Adobe Acrobat Pro{{small-tax-incl-label}}. Mag-apply ulit taon-taon para mapanatili ang diskuwento mo. Tingnan ang mga tuntunin.

Mag-apply na | Mag-apply na sa Adobe Acrobat Panoorin ang video | Panoorin ang video ng Acrobat para sa mga nonprofit

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/video/nonprofits/media_1e475935fa0c8c97137589f7d2a952e8dafe30a3b.mp4#_autoplay&end=replay
#FAFAFA

Maglaan ng mas kaunting oras sa mga papeles at mas maraming oras

sa paggawa ng pagbabago.

Ihanda ang organisasyon mo para sa tagumpay at gumawa ng mas maraming bagay gamit ang mga nangungunang PDF at e-signature tool.

Dalawang boluntaryong nagko-collaborate sa laptop

Gumawa at mag-share ng mga taunang ulat.

I-outline ang mga nakamit, pasalamatan ang mga donor, at isulong ang misyon ng nonprofit mo gamit ang mga tool na nagpapadali sa paggawa ng mga dokumento mula sa maraming uri ng file.

Pabilisin ang takbo ng negosyo.

Makatipid ng oras sa paggawa ng mga kontrata, invoice, at waiver gamit ang mga naka-integrate na e-signature tool at reusable na web form.

Form ng boluntaryo para sa paglilinis sa hardin ng komunidad
Screen ng laptop na nagpapakita ng PDF file sa Adobe Acrobat

Gawing propesyonal ang material mo sa outreach.

Mag-edit, magsama, at magsaayos ng mga de-kalidad na dokumentong nanghihikayat ng mga donor, boluntaryo, at partner na organisasyon.

Madali lang magsimula.

Tuklasin kung paano ginagamit ng ibang nonprofit ang Acrobat Pro.

#000000
Maraming flyer at creative asset na nag-a-advertise ng mga nonprofit na event para sa mga boluntaryo

https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/cc-express.svg | Logo ng Adobe Express Adobe Express

Gumawa ng kapansin-pansing content gamit ang Adobe Express para sa Mga Nonprofit.

Gumawa ng mga social post, video, flyer, mailer, at presentation para sa mga fundraising campaign, event, pakikipag-ugnayan sa donor, at iba pa. Lahat sa isang app lang, na available sa web at mobile.

Alamin Pa

Mga bagay na kadalasang itinatanong

Anong mga organisasyon ang kwalipikado?
Para maging kwalipikado, kinikilala dapat ang isang organisasyon bilang mapagkawanggawa o nonprofit na organisasyon sa bansa kung saan ito nakarehistro. Halimbawa, sa United States, ang nonprofit ay dapat isang 501(c)(3) na nonprofit na organisasyon o pampublikong aklatan na kinikilala ng IRS. Ang mga pampublikong aklatan ay mayroon dapat valid na status na 501(c)(3) nonprofit o nakalista sa database ng Institute of Museum and Library Services (IMLS).
Ano ang mga available na offer ng produkto?

Puwedeng makakuha ang mga nonprofit ng isang taong subscription sa Adobe Acrobat Pro nang may malaking diskuwento at Adobe Express nang walang bayad. Puwede ring makakuha ang mga nonprofit ng indibidwal na isang taong membership sa Adobe Creative Cloud nang may diskuwento. Tingnan ang mga offer ng produkto para sa halaga ng bawat produkto.

Ang access sa Adobe Creative Cloud ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng aming program partner na TechSoup.

Sinong mga taong affiliated sa nonprofit ang kwalipikado?
Kwalipikado ang mga kawani ng nonprofit na tumanggap ng mga offer ng produkto sa Adobe para sa Mga Nonprofit. Hindi kwalipikado ang mga benepisyaryo, miyembro, at donor ng nonprofit para sa membership ng Adobe para sa Mga Nonprofit.
Paano kami magiging kwalipikado?
Kailangang i-validate ng mga indibidwal ang nonprofit status nila para mahiling ang bawat produkto. Sa proseso ng pag-apply, hihilingin sa iyo na ibigay ang pangalan ng organisasyon, isang valid na email address ng organisasyon, at ilang detalye tungkol sa organisasyon mo. Inaabot nang isa hanggang tatlong araw ng negosyo ang pag-validate.
Kailangan ko bang maging kwalipikado para sa bawat offer ng produkto?
Oo, dapat mong kumpletuhin ang pag-validate para sa bawat offer ng produkto. Nagsisikap ang Adobe na i-streamline ang prosesong ito sa hinaharap.
Mayroon bang limitasyon sa bilang ng subscription na puwedeng hilingin ng organisasyon ko?

Kung kwalipikadong entity ang organisasyon mo, puwede mong i-access at sulitin ang mga sumusunod na offer:

  • Hanggang 50 lisensya ng Adobe Express Premium plan
  • Hanggang 10 lisensya ng Acrobat Pro
  • Walang limitasyong lisensya para sa {{cc-all-apps-plan}} ng Adobe sa presyong may diskuwento

Para sa Creative Cloud, tingnan ang detalyadong impormasyon sa TechSoup.