Try Photoshop with a 7-day free trial.
Create gorgeous photos, rich graphics, and incredible art on desktop and iPad.
Kasama sa free trial ang kumpletong bersyon ng Photoshop
Hindi ka sisingilin hanggang sa matapos ang free trial mo
Drawing at painting.
Gumawa ng mga brush at baguhin ang mga ito para sa bawat gustong effect, pati na rin paggawa ng mga pattern gamit ang pattern maker. Bigyang-buhay ang gawa mo gamit ang mga texture at gradient.
Baguhin ang photography mo.
Bigyang-buhay ang photography mo gamit ang mga adjustment slider at filter tool. Awtomatikong nagsi-sync ang mga file sa Photoshop at Lightroom, na nagbibigay sa iyo ng higit pang flexibility sa workflow mo sa pag-edit. Napakadali nang makakuha ng mga propesyonal na resulta.
I-optimize para sa mga social network mo.
Sa pag-subscribe sa Photoshop, awtomatiko kang magkakaroon ng access sa Adobe Express na nagbibigay-daan sa iyong gumawa ng mga custom-branded na graphics, web page, at video story sa loob lang ng ilang minuto gamit ang mga asset na ginawa mo sa Photoshop.
Mabilis na pag-aayos na photography.
Mag-retouch, mag-restore at mag-repair ng mga larawan sa isang click, pati na ang pagwawasto ng ingay at distortion, para matiyak na laging maganda ang mga image na ginagamit mo sa mga presentation.
Video at animation.
Magtrabaho sa loob ng timeline para gumawa ng mga gif at animation gamit ang mga image sequence. Pwede mong idagdag ang sarili mong mga effect gamit ang mga brush tool para mag-paint ng ilang partikular na frame sa mga layer ng video.
Magsimula sa Photoshop. Susunod ang kamangha-mangha.
Mula sa mga social post hanggang sa pag-retouch ng larawan, mga banner hanggang sa magagandang website, mga pag-edit ng pang-araw-araw na image hanggang sa mga ganap na pagbabago — anuman ang gagawin mo, mapapaganda mo ito gamit ang Photoshop.
Narito kung paano makakuha ng 7 araw na free trial ng Photoshop.
- I-click ang button na Simulan ang Free Trial.
- Mag-sign in sa o i-set up ang Adobe ID mo at i-download ang free trial mo.
- Pagkatapos ng 7 araw mong free trial, magpapatuloy ang membership mo sa Adobe Creative Cloud, maliban kung kakanselahin ito bago matapos ang free trial.
Ano ang magagawa mo sa Photoshop?
Hindi lang graphic design at image editing software ang Photoshop — ito ang tumutulong sa iyong bigyang-buhay ang mga ideya mo. Narito ang ilang feature sa pag-edit ng larawan na magagamit mo para gumawa ng kamangha-manghang bagay sa Photoshop.
Gawing mga cartoon ang mga larawan.
Pagandahin pa ang mga larawan mo gamit ang pinakamahusay na software sa pag-edit ng larawan para sa web, desktop, at mobile; baguhan ka man o pro na photographer.
Alamin pa
Magpalit ng mga mukha.
Dalhin sa cloud ang workflow mo mula sa Desktop. Gumawa ng mga advanced na pag-adjust sa larawan, magmanipula ng kulay, at mag-ayos ng mga perspective nasaan ka man.
Alamin pa
Mag-invert ng mga kulay.
Gumawa ng mga kahanga-hangang video para sa pag-share sa social, TV, at pelikula gamit ang mga nangunguna sa industriyang app sa pag-edit ng video para sa desktop at mobile.
Alamin pa
Mag-convert ng mga uri ng file.
Gumuhit, mag-paint, mag-compose at mag-blend gamit ang graphic design software ng Adobe. Gumawa ng kapansin-pansing artwork at graphics gamit ang mga app na nangunguna sa industriya.
Mga madalas itanong tungkol sa free trial mo.
Oo, pwede kang mag-download ng 7 araw na free trial ng Photoshop. Ang free trial ang opisyal at kumpletong bersyon ng app. Kasama rito ang lahat ng feature at update sa pinakabagong bersyon ng Photoshop. Awtomatikong mako-convert sa may bayad na membership sa Creative Cloud ang trial mo pagkatapos ng 7 araw, maliban kung magkakansela ka bago ito mangyari.
Para sa mabilis, madali, at libreng online na pang-edit ng larawan, subukan ang Adobe Express. Kasama sa free plan ng Adobe Express ang magagandang template, font, at image na magagamit mo kasama ng sarili mong mga larawan para sa social graphics, mga flyer, mga animation, mga collage, pag-composite, at marami pa.
Pwedeng mag-download ang mga user ng MacOs ng 7 araw na free trial ng Photoshop. Kapag natapos ang free trial mo, awtomatiko itong mako-convert sa may bayad na membership plan sa Creative Cloud, maliban kung magkakansela ka bago ito mangyari. Alamin pa ang tungkol sa pag-install ng free trial ng Photoshop sa Mac.
Para sa mga tool sa pag-edit on the go, ang Photoshop Express ay libreng photo app para sa mga iOS mobile device kasama ang iPad at iPhone, pati na rin ang mga Android device.
Pwede kang mag-download ng 7 araw na free trial ng Photoshop para sa mga operating system ng Windows 10. Kapag natapos ang free trial mo, awtomatiko itong mako-convert sa may bayad na membership plan sa Creative Cloud, maliban kung magkakansela ka bago ito mangyari. Alamin pa ang tungkol sa pag-install ng free trial ng Photoshop sa Windows 10.
Para kanselahin ang free trial ng Photoshop mo, mag-navigate sa page ng Adobe account mo sa loob ng 7 araw mula nang simulan ang trial. Hanapin ang pangalan ng plan mo at i-click ang I-manage ang Mga Plan. At pagkatapos ay i-click ang Kanselahin ang Plan. Isaad ang dahilan mo sa pagkansela, at pagkatapos ay i-click ang magpatuloy. Sundin ang mga tagubilin sa screen para tapusin ang pagkansela mo. Makakuha ng mga step-by-step na tagubilin sa pagkansela.
Pwedeng magsimula ang mga bagong customer ng 7 araw na free trial ng Photoshop anumang oras.
- I-click ang Simulan ang Free Trial at piliin ang Para sa Mga Indibidwal, Para sa Mga Estudyante at Guro, o Para sa Mga Team at Negosyo.
- Piliin ang plan mo at kung paano mo gustong masingil. Magkakaroon ka ng opsyong idagdag ang Adobe Stock.
- Gumawa ng account mo sa pamamagitan ng paglalagay ng email address mo at impormasyon mo sa pagsingil. Awtomatikong mako-convert sa may bayad na membership plan sa Creative Cloud ang free trial mo pagkatapos ng 7 araw, maliban kung magkakansela ka bago ito mangyari.
- Pumili ng password, at pagkatapos ay hanapin ang Photoshop at i-click ang I-download para simulan ang 7 araw na free trial mo.
Hindi, hindi libre ang Photoshop para sa mga estudyante, pero kwalipikado ang mga estudyante para sa 7 araw na free trial at diskwentong mahigit 60% sa Photoshop bilang bahagi ng Creative Cloud All Apps plan. Alamin pa ang tungkol sa mga plan namin para sa estudyante.
Magsisimula ang free trial mo ng Photoshop pagka-check out mo at tatagal ito nang pitong araw. Awtomatikong mako-convert sa may bayad na membership sa Creative Cloud ang trial sa Photoshop pagkatapos ng 7 araw, maliban kung magkakansela ka bago ito mangyari.
Isang 7 araw na free trial ng Photoshop lang ang available kada tao. Kapag natapos ang free trial mo, awtomatiko itong mako-convert sa may bayad na membership plan sa Creative Cloud, maliban kung magkakansela ka bago ito mangyari. Para sa libreng software sa pag-edit ng larawan at mga creative app, tingnan ang Adobe Express at Photoshop Express.
Mas marami ka pang magagawa sa membership mo sa Creative Cloud.
Mga step-by-step na tutorial.
Mag-browse ng daan-daang video tutorial para sa bawat antas ng kasanayan, baguhan hanggang pro. Mag-explore ng mga tutorial sa Photoshop
Madadaling update.
Kasama sa membership mo ang mga bagong feature at update, at palaging makukuha ang mga ito sa isang click lang.
Napakaraming dagdag.
Makakuha ng 100GB na cloud storage, mga libreng mobile app, mga plugin, mga feature sa pag-share ng file, at marami pa.
Subukan ang Photoshop.
7 araw na free trial, pagkatapos ay ₱1,046.00/buwan