https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/firefly/sticky-banner/get-firefly-free

Bigyang-buhay ang mga sketch mo.

Gamitin ang kakayahan ng AI generator ng Adobe Firefly para gawing mga pulidong digital na masterpiece ang mga sketch mo. Sa tulong ng tool na generative AI, walang hirap mong mako-convert ang mga simpleng sketch sa mga image na pulido at may pampropesyonal na kalidad.

Isang itim at puting sketch ng giraffe na ginawang image ng makulay na giraffe na binuo ng AI, na nagtatampok sa teknolohiyang Sketch to image.

Gawing mga digital na masterpiece ang mga sketch.

Walang hirap na i-convert ang mga simpleng sketch sa nakakamanghang digital artwork at mga image gamit ang AI sketch-to-image. Pagandahin ang mga design mo sa pamamagitan ng mga pulido at mataas na kalidad na resulta sa pinakamabilis na panahon.

Mag-explore at gumawa nang walang kahirap-hirap.

Nagbibigay-daan sa iyo ang AI sketch-to-image na tuklasin pa ang creative process mo nang walang hirap. Mag-explore ng mga ideya, umulit ng mga konsepto, at bigyang-buhay ang imahinasyon mo nang walang limitasyon — gumagamit ka man ng mga rough na drawing, detalyadong sketch, o line art.

Makulay na artwork ng magkaparehang tumatalon, na may sketch reference sa kanang sulok sa itaas na bahagi, na nagtatampok ng mga kakayahan sa sketch-to-image.

Gumawa ng bagong image mula sa kahit anong dati nang sketch.

Sundin ang mga simpleng hakbang na ito para gawing mga nakakaakit na image ang mga sketch mo gamit ang madaling gamiting AI sketch-to-image generator ng Firefly.

  • Para magsimula, pumunta sa Adobe Firefly web app.
  • Tapos, mag-scroll pababa at piliin ang Text to Image.

    TIP: Para pumunta agad sa image editor, i-type lang ang kahit anong prompt sa box ng text prompt at i-click ang Mag-generate.
  • Sunod, maglagay ng text prompt o, sa seksyon ng Pangkalahatang Settings sa kaliwa, pumunta sa Istruktura at i-upload ang sketch mo.
  • Pagkatapos, sa Pangkalahatang Settings pa rin, gamitin ang slider ng Strength para piliin ang gusto mong outline at lalim.
  • Ngayon, paglaruan ang Mga Style para pumili ng mga opsyon sa Visual intensity, Effects, Kulay at tono, Lighting, at Anggulo ng camera.
  • Panghuli, piliin ang Mag-generate, tapos i-save at i-share.
TIP: Kung may kulang pa sa image mo, pwede mong baguhin ang mga detalye sa box ng text prompt para mapalapit pa sa gusto mong hitsura.

{{questions-we-have-answers}}

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/firefly/firefly-sketch-to-image-four-cards-up