Nangungunang 3 tip para sa pagsusulat ng mga architecture prompt.
-
Alamin kung saan sa proseso mo babagay ang generative AI bago ka magsimula para maiangkop mo ang prompt mo sa mga partikular mong pangangailangan.
-
Maging partikular at detalyado sa prompt mo hangga't posible, pero panatilihing bukas ang isipan kung makakatanggap ka ng mga hindi inaasahang resulta.
-
Gumawa ng formula para sa pagsusulat ng prompt na naaangkop para sa iyo para makatulong na mag-explore ng mga ideya nang mas mabilis at matukoy ang mga detalye.
Bonus tip: Sanayin ang pagsusulat mo ng prompt sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga kasalukuyang image gamit ang karaniwang salita.
I-design ang prompt mo, i-design ang environment mo.
Kung nakagamit ka na ng AI art generator, alam mo nang makakagawa ka ng mga detalyado at magandang image sa ilang salita lang. Pero nangangailangan ng partikular na level ng experience para magamit sa environmental design ang mga generative AI prompt mo na dating ginagamit sa masasayang pag-explore (isipin ang mga unicorn sa mga ring ng saturn o mga Renaissance-style na painting ng mga alagang hayop).
Para sa mga architect, nagiging kasing halaga na rin ng iba pang digital na kasanayan, gaya ng 2D design at paggawa ng 3D model, ang pagkakaroon ng kaalaman sa generative AI. Pero hindi tulad ng mga kasanayan sa visual design, umaasa ang generative AI sa verbal na expression para makagawa ng mga kanais-nais na resulta.
Gamit ang kaunting kaalaman sa proseso at kaunting pagsasanay, makakapag-design ang mga architect ng mga prompt nang may pag-iingat at detalye na kapareho ng inilalagay nila sa visual design — at higit nilang mapapaganda ang mga resulta.
Na-generate gamit ang Adobe Firefly, Text to Image module
Prompt: interior ng isang eleganteng urban loft sa gitna ng isang metropolitan city
Mga pangunahing kaalaman tungkol sa architecture prompt ng generative AI.
1 Gumamit ng tatlo o higit pang salita.
2 Maging partikular.
3 Gumamit ng mga karaniwang salita.
4 Isaalang-alang ang audience mo.
5 Idagdag ang sarili mong style.
Na-generate gamit ang Adobe Firefly, Text to Image module
Prompt: architectural sketch ng isang moderno at minimal style na bahay na gawa sa semento at salamin; hand rendering gamit ang ink
Alamin kung kailan aasa sa generative AI at kung kailan hindi.
Isa ka mang nagtatrabahong architect, estudyante ng arkitektura, o isang may nauugnay na propesyon, posibleng may karaniwan kang prosesong ginagamit sa mga proyekto mo. Kapag handa ka nang magsimulang i-integrate ang generative AI sa workflow mo, tiyaking mayroon kang mga makatotohanang inaasahan.
Kabilang sa ilang paraan para makapagsimula kang gamitin ang generative AI sa mga gawain mo sa arkitektura ang:
Paggawa ng Konsepto.
Subukang magsulat ng mga prompt para sa mga pinakakakaibang ideya mo para makita ang posibleng hitsura ng mga ito sa totoong buhay bago maglaan ng maraming oras sa isang direksyon ng design.
Schematic design.
Tingnan kung gaano mo pa mapapaganda ang mga floor plan, site plan, at building elevation mo, at marami pa gamit ang mga prompt — posibleng mahanap mo ang susunod mong magandang ideya habang ginagawa ito.
Pag-edit ng image.
Sa halip na magsimula sa umpisa, gumamit ng mga generative AI prompt para baguhin ang mga bahagi ng mga kasalukuyang image, tulad ng pagpapalit sa langit, pagdaragdag ng mga element sa landscape, at marami pa.
Mga formula para sa matagumpay na pagsusulat ng prompt.
Mga halimbawa ng formula ng architecture prompt.
1 Formula para sa paggawa ng konsepto
Uri ng content + style ng arkitektura + uri ng istruktura + mga namumukod-tanging feature + mga kulay o materyal + lokasyon
Halimbawa: High-resolution na litrato ng neo-futurist na dormitoryo ng kolehiyo na may atrium, wood construction, at rainforest
2 Formula para sa schematic design
Uri ng content + architectural output + mga detalye ng arkitektura + style ng arkitektura + style ng image
Halimbawa: Line drawing ng elevation ng gusali para sa indoor pool sa Art Nouveau style, dramatiko
3 Formula para sa pag-edit ng image
Background + mga element sa landscape + lighting + mga environmental detail + mga contextual element
Halimbawa: Kalangitan sa disyerto, hardin ng cactus, paglubog ng araw, stone pathway, water tower
(Tandaang sa pag-edit ng image, posibleng kailangan mong pagtuunan ng pansin ang isa o higit pang element ng formula mo nang hiwalay para makuha ang pinakamagagandang resulta.)
Na-generate gamit ang Adobe Firefly, Text to Image module
Prompt: High-resolution na litrato ng neo-futurist na dormitoryo ng kolehiyo na may atrium, wood construction, at rainforest
Subukang gamitin ang ilan sa mga sumusunod na ideya at gumawa ng sarili mong formula para sa mga AI architecture prompt.
- Uri ng content: litrato, line drawing, oil painting, pencil sketch, watercolor
- Style ng arkitektura: contemporary, neoclassical, Beaux-Arts, Bauhaus, post-modern
- Uri ng mga istruktura: bahay, museo, skyscraper, opisina, apartment complex, mall
- Mga detalye ng arkitektura: tsimeneya, turret, archway, hagdanan sa labas, porch, marquee
- Style ng image: dramatiko, tahimik, futuristic, retro, minimalist, rugged, bold, malinis, geometric
- Mga element sa landscape: mga sapa, hedge, puno, hardin, bush, bakuran, water feature
- Lighting: liwanag ng buwan, paglubog ng araw, maliwanag, golden hour, diffuse, natural na liwanag, backlighting
- Mga environmental detail: mga pathway, bench, gate, pabilyon, patio, firepit
- Mga contextual element: cityscape, bulubundukin, sakahan, mga powerline, commercial setting
- Lokasyon: urban, rural, kagubatan, suburb, tabing-dagat, disyerto, tundra, snow, playa, mga wetland, canyon
Ang formula mo ay pwedeng at dapat magbago sa paglipas ng panahon habang mas nagiging gamay mo ang AI generator mo at inaalam mo kung ano ang pinakanaaangkop sa mga pangangailangan mo. Huwag matakot na pag-eksperimentuhan ang mga konsepto na wala sa formula mo — baka makadiskubre ka ng isang bagay na mas maganda kaysa sa naiisip mo.
Handa ka na bang malaman ang iba pang detalye? Mag-explore ng mas marami pang tip sa pagsusulat ng prompt.
Na-generate gamit ang Adobe Firefly, Text to Image module
Prompt: isang modernong tirahan na may courtyard na may mga curved na pader, malagong landscape, at isang tranquil pool
Ang susi sa pagsusulat ng pinakamagagandang AI prompt para sa arkitektura.
Para makagawa ng mga kamangha-manghang AI prompt para sa arkitektura, hindi mo kailangang maging isang manunulat, isang generative AI whiz, o isang mahilig sa digital art. Para masulit ang teknolohiya ng generative AI, kailangan lang gamitin ang sarili mong creativity — isang bagay na alam na alam na ng lahat ng architect. Karagdagang tool lang ang generative AI na magagamit mo para maiparating ang mga natatangi mong ideya at pananaw sa mundo.
Kaya mag-eksperimento, magsanay, pagandahin ang mga formula ng prompt mo, at patuloy na pinuhin ang mga ito sa paglipas ng panahon. Matutulungan ka ng generative AI na magkaroon ng napakaraming ideya — at gamit ang mga tamang salita, masisimulan mo nang bigyang-buhay ang mga ito.