Ikaw ang bahala, ang taong gumagamit ng generative AI tool — gaya ng text to image generator ng Adobe Firefly o Generative Fill — na magsulat ng isang prompt na humihiling ditong gumawa ng isang partikular na uri ng background na larawan, tulad ng pink na marble countertop o abalang kalsada sa isang lungsod. Kapag naisulat at naisumite na ang prompt sa generator, tatanggapin nito ang lahat ng salita at titimbangin ang mga ito ayon sa kahalagahan, pagkatapos ay gagamitin ang mga ito para kunin ang naaangkop na data para bumuo ng image na ipinapakita ang paglalarawan. Mabilis na ginagawa ng tech ang lahat ng behind-the-scene na trabaho, na binibigyan ka ng mga nauugnay na image na posibleng maging bagong background ng larawan ng produkto mo.
Pwedeng maging kamangha-mangha ang mga resulta — minsan, makakatanggap ka ng output na halos kahawig ng naisip mo. Minsan, malayo ang hitsura nito sa inaasahan mo — na hindi naman masama. Isa sa mga kapaki-pakinabang sa AI ay kung paano ito nakakatulong na maumpisahan ang creative na proseso sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kawili-wiling halimbawa na iba sa kung paano mo posibleng gawin ang mga ito at nagbibigay-inspirasyon sa iyo na mag-explore ng bagong direksyon.
Tulad ng patuloy na pinapahusay ng generative AI ang mga kakayahan nito na gumawa ng mga image na naaayon sa prompt, dapat mo ring patuloy na paglaruan at pagandahin ang paraan ng pagsusulat mo ng mga paglalarawan. Halimbawa, kung gusto mong mag-generate ng isang “atmospheric na smoke effect,” subukan din ang mga salitang tulad ng hamog at ambon. Alamin pa ang tungkol sa kung paano magsulat ng mga AI art prompt.
Kapag nasanay ka na sa mga AI tool at photography ng produkto, hindi ka lang bibigyang-daan ng mga itong i-explore at paglaruan ang paggamit ng iba't ibang style sa mga larawan ng produkto mo pero bibigyang-daan ka rin ng mga itong mabilis na gumawa ng bagong content para sa mga social feed, flyer ng event, at iba pa.
Isipin ang generative AI bilang creative assistant na tumutulong sa iyong magawa ang mga pang-administratibong bahagi ng photography ng produkto para makatuon ka sa paggawa ng custom na artwork na nagpapaigting sa brand mo.