https://main--cc--adobecom.aem.live/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/premiere-pro-40.svg Premiere
Libreng video editing na ngayon mo pa lang mararanasan.
Gumawa ng mga social video na hindi kapani-paniwalang libre gamit ang Adobe Premiere sa mobile. Madaling mapabuti ang audio, mag-edit sa isang super smooth na timeline, at mag-share ng content na sa sobrang ganda ay aakalain nilang may buong team ka.
I-scan ang QR code para makuha ang libreng app.
Gumawa ng content para i-share.
Idinisenyo ang Premiere sa mobile para sa social media. May one-tap background removal, libreng walang limitasyong caption, at marami pang iba. Mag-edit para sa Instagram Reels, TikTok, YouTube Shorts, at kahit saan mo gustong mag-post.
Tuluy-tuloy na pag-edit. Mula simula hanggang katapusan.
Manatili sa iyong creative flow nang walang nakakaabala na watermark o pop-up ad. Mag-trim, mag-reorder, at mag-layer ng mga clip sa timeline na nagpapakita ng lahat sa iisang view. Libre ang mga export at feature — magbayad lang kapag gusto mong gamitin ang mga tool na pinapagana ng Generative AI.
Napakaraming paraan para lumikha sa sarili mong paraan.
Mag-share ng mga kamangha-manghang video. Pumili mula sa libo-libong image, video, sticker, font, at marami pang iba para gawing kapansin-pansin ang mga video mo—o mag-explore ng mga bagong ideya gamit ang generative AI na nasa mga kamay mo lang.
Kahanga-hangang tunog sa ilang segundo.
Walang sound studio? Walang problema. Madaling i-smooth ang dialogue at alisin ang background noise gamit ang Enhance Audio. Hanapin ang mga trending track mismo sa loob ng app, at gamitin ang sarili mong boses para gumawa ng perfectly-timed na sound effect.