https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/substance-64.svg | Substance 3D Adobe Substance 3D
I-explore ang mga feature ng Substance 3D.
Alamin ang mga tool at technique na pwede mong gamitin para gumawa mga 3D asset at imagery.
- Mag-texture ng Mga Model
- Mag-capture ng Mga Object at Material
- Mag-render ng Mga Scene
- Mag-author ng Mga Material
- Mag-sculpt ng Mga Model
- Mag-download ng Mga Asset
Substance 3D Painter
Gawing digital canvas ang kahit anong asset. Mag-paint ng detalyadong texture nang direkta sa surface nito gamit ang mga parametric na brush at smart material.

Mag-paint ng mga texture nang real time.
Mula sa mga smart material bilang base, hanggang sa mga ganap na nako-customize na gawa ng texture, binibigyan ka ng Painter ng ganap na kontrol sa pag-paint ng texture.

I-access ang libo-libong na-prebuild na material at asset.
Mag-texture nang mas mahusay at mas mabilis gamit ang mga material tulad ng mga plastic, tela, kahoy, metal, at marami pa.

Mag-texture gamit ang mga smart material at mask.
I-mask ang mga seksyon ng isang object para i-layer ang iba't ibang material, decal, at effects sa surface ng isang model nang may katumpakan.

Mga non-destructive at procedural na workflow
Binibigyang-daan ka ng layer-based na painting UI ng Painter na mag-ulit, mag-edit, at gumawa ng mga pagbabago nang walang kahirap-hirap. Gumawa ng mga natatanging texture nang mas mabilis, o i-explore ang mga creative na opsyon.

Maglagay ng mga detalye sa mga spline-based na path.
Magdagdag ng mga detalye sa mga texture tulad ng mga stitch, seam, at weld line na may pixel-perfect na katumpakan.

Magdagdag ng detalye gamit ang mga decal na nagwa-warp sa mga surface.
Mag-stamp ng image sa mesh. Magdagdag ng text o mga maliit at murang surface element tulad ng mga stain at crack.

I-manage ang scale gamit ang physical size property.
Tukuyin ang sukat ng material para tumpak na maitugma ang hitsura at mga proportion nito sa mga 3D surface.

I-access ang mga tool para sa suporta sa VFX.
Sinusuportahan ng Painter ang multi-tile painting (mga UDIM), Python scripting, at sumusunod ito sa VFX Reference Platform.

Awtomatikong UV unwrapping kapag kailangan mo ito.
Awtomatikong mag-generate mga UV island kapag nag-import ka ng mga model sa Painter, kahit wala pang nagawang UV sa object.

Pahusayin ang mga advanced na effect gamit ang baking mode.
Ihanda ang model para sa pagte-texture nang walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng pag-bake ng mga mesh map sa intuitive at naka-built in na interface.

Bumuo ng mga texture gamit ang mga material ng physically-based rendering (PBR).
Gawing mas makatotohanan ang mga texture mo gamit ang mga detalyado at seamless na material.

I-manage ang mga pag-convert ng kulay nang may katumpakan.
Mula sa pag-import ng mga resource hanggang sa pagpapakita ng mga kulay sa screen para sa mga na-export na texture, tiyaking hindi magbabago ang hitsura sa mga third-party na application gamit ang OpenColorIO, ang pamantayan sa pelikula at animation.
Substance 3D Sampler
Gawing mga 3D model, material, at light ang mga makatotohanang larawan, at pagkatapos ay mag-mix at mag-blend ng mga asset para gumawa ng mga mas advanced na surface.

I-convert sa mga material ang mga larawan.
Gamitin ang Image to Material ng Sampler para gawing mga detalyadong material ang mga larawan o scan ng surface sa totoong mundo.

Gumawa ng mga 3D object mula sa mga image sa totoong mundo.
Gamit ang naka-built in na photogrammetry, kumuha ng mga larawan ng isang bagay at pagkatapos ay hayaan ang Sampler na mag-generate ng 3D model nito para sa iyo gamit ang 3D capture.

Gumawa ng mga pattern at texture gamit ang generative AI.
Mag-generate ng mga pattern at texture mula sa mga text prompt na pinapagana ng Adobe Firefly.

I-access ang libo-libong na-prebuild na material at asset.
Naglalaman ang library ng mga 3D Asset ng mga world-class na asset para sa iba't ibang industriya, kabilang ang mga model, material, at light, at regular na nagdaragdag dito ng mga bagong koleksyon.

Gumawa ng mga additive na pagbabago sa mga material gamit ang mga filter at generator.
Pagsamahin ang weathering at mga natural na effect tulad ng nyebe o lumot, o i-blend ang tela, mga pattern, at na-scan na materyal sa anupamang naroon na.

I-manage ang scale gamit ang physical size property.
Tukuyin ang sukat ng material para tumpak na maitugma ang hitsura at mga proportion nito sa mga 3D surface.
Substance 3D Stager
Mag-assemble at mag-render ng mga photorealistic na scene. Gumamit ng mga premade na template na binuo ng mga world-class na photographer para sa mga kamangha-manghang resulta sa loob ng ilang minuto.

Gumawa ng mga background gamit ang generative AI.
Mag-generate ng mga background para sa mga scene mo mula sa mga text prompt na pinapagana ng Adobe Firefly.

I-composite ang scene mo sa isang background gamit ang Match Image.
Gamitin ang Match Image para awtomatikong ma-detect ang perspective at lighting ng background image at i-update ang scene mo para bumagay rito.

Mag-import ng mga CAD model.
Sinusuportahan ng Stager ang maraming uri ng CAD file. Baguhin ang CAD import gamit ang mga setting tulad ng tesselation, pag-generate ng UV, at marami pa.

Magdagdag ng turntable animation sa mga visualization ng produkto.
Gumawa ng video animation na nagpapakita ng produkto mula sa bawat anggulo. Idagdag lang ang preset ng turntable animation sa isang object, at pagkatapos ay i-render ang scene.

I-access ang libo-libong na-prebuild na material at asset.
Naglalaman ang library ng mga 3D Asset ng mga world-class na asset para sa iba't ibang industriya, kabilang ang mga model, material, at light, at regular na nagdaragdag dito ng mga bagong koleksyon.

Isaayos ang mga object nang may mga makatotohanang collision.
Kontrolin kung aling mga object ang mag-i-interact gamit ang kamalayan sa physical-based na collision sa pagpoposisyon at pag-transform.
Substance 3D Designer
Mag-author ng mga seamless na material, pattern, filter ng image, at light gamit ang app na nanalo ng Academy Award at node-based na workflow.

Software na nanalo ng Academy Award.
Kinilala ng Academy of Motion Picture Arts and Sciences ang apat sa mga creator ng Designer, na ginamit para gumawa ng mga visual effect sa daan-daang pelikula at palabas sa telebisyon, sa pamamagitan ng Scientific and Technical Award.

Mag-design ng mga material gamit ang node-based na workflow.
Gumawa ng mga natatanging material gamit ang flexible na node-based na workflow ng Designer. Pwedeng i-adjust at baguhin ang bawat hakbang sa ibang pagkakataon para sa walang hanggang mga posibilidad.

Gumawa ng mga parametric na material.
I-access ang mga parametric na filter para i-blend at baguhin ang maraming texture at material nang magkasama para gumawa ng ganap na bagong bagay.

Mag-save at mag-load ng mga preset ng parameter.
Mag-store at maglipat ng maraming na-preconfigure na value para sa isang hanay ng mga parameter sa pamamagitan ng paggawa ng mga preset ng parameter.

Impormasyon ng bake model.
Ihanda ang model para sa pagte-texture nang walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng pag-bake ng mga mesh map sa intuitive at naka-built in na interface.

Suporta sa pag-manage sa dynamic na kulay.
I-configure ang Designer para i-manage ang kulay gamit ang OpenColorIO (OCIO) o Adobe Color Engine (ACE) para sa consistent na kulay sa maraming application.
Substance 3D Modeler
Alisin ang mga teknikal na hadlang sa pag-model gamit ang voxel-based sculpting, na nagtatampok ng mga interface ng VR at desktop.

Maglipat-lipat sa VR at desktop mode.
Seamless na magpalipat-lipat ng mode para umangkop sa mga preference mo, o para matugunan ang mga pangangailangan ng isang partikular na proyekto sa 3D modeling.

Organic sculpting.
Bumuo, mag-smooth, at mag-shape sa organic na paraan gamit ang mga 3D tool sa pag-sculpt na hango sa clay sa totoong buhay.

Hard surface sculpting.
Gumawa ng malinaw at tiyak na form gamit ang mga parametric na hugis. Magdagdag at mag-cut ng mga primitive nang walang kahirap-hirap para bumuo ng mga kumplikadong modelo.

I-export ang mga gawa mo.
Sinusuportahan ng Modeler mahusay na pag-export sa mga standard na format ng 3D file. Pabilisin ang workflow mo gamit ang mga preset sa pag-export.

Mag-sculpt gamit ang mga tool sa symmetry at repetition.
Gumawa nang mahusay at tumpak gamit ang mga built-in na tool para mag-assemble ng mga kumplikadong object o gumawa nang may kamangha-manghang detalye.

Mga camera, lighting, raytracing
I-preview ang model mo sa HD gamit ang mga camera, naa-adjust na lighting, at real-time na raytracing.
Substance 3D Assets
I-access ang 20,000+ 3D asset na ginawa ng mga world-class na artist para sa iba't ibang industriya, kabilang ang mga model, material, at light.

I-access ang libo-libong ready-to use na asset.
Kasama sa library ng mga 3D Asset ang mga model, material, at IBL light na idinisenyo ng mga world-class na artist.

Parametric at mga preset
Maraming material at model ang may mga na-preconfigure na preset, na nagbibigay-daan para sa mas marami pang variation at pag-customize.

Mag-send ng mga asset nang direkta sa mga Substance 3D app.
Sa isang click, direktang i-send ang kahit anong asset na gusto mo mula sa library ng Mga Asset sa Substance 3D app na gusto mo.

I-access ang mga integration sa 3rd party.
Gumamit ng mga asset kahit saan mo kailangan ang mga ito, kabilang ang Cinema4D, Maya, Blender, at marami pa.

Consistency na nakabatay sa pamantayan sa buong library.
Mag-stage, magpares, at mag-kitbash ng mga asset mula sa library nang may kumpiyansa. Nakakatugon ang bawat asset sa pinakamataas na pamantayan sa kalidad ng Adobe.

I-explore ang mga thematic na koleksyon.
Nakaayos ang library ng Mga Asset sa mahigit 40 iba't ibang koleksyon, na pinagsama-sama ayon sa tema at industriya, at regular na nagdaragdag dito ng mga bagong koleksyon.
Ano ang pwede mong gawin sa Substance 3D?
Alamin kung paano gamitin ang mga tool at feature sa Substance 3D — pagkatapos ay subukan ang mga ito sa sarili mo.