Image-to-image AI: Baguhin ang umiiral nang mga larawan gamit ang AI.
Mag-generate ng mga AI image mula sa mga larawan at gawing nakakamanghang artwork. Sa Firefly image-to-image AI generator, mas madali nang magproseso ng image, gamit ang mga tool para sa pag-analyze at pag-visualize. I-upload ang mga image mo para gumawa ng mga natatanging artistic variation nang walang kahirap-hirap.
Ano ang image-to-image AI?
Ang image-to-image AI ay isang generative AI technique na ginagawang ibang image ang isang image, gaya ng pag-cover sa gabi ng isang eksena sa umaga. Gumagamit ito ng mga machine learning model na sinanay sa malalaking dataset ng image para tumukoy ng mga pattern, style, at visual context. Puwedeng gumawa ang mga user ng AI image mula sa mga larawan, drawing, digital art, at iba pa sa pamamagitan ng pag-upload ng image at pagpili ng mga modification, na nagpapadali sa pag-generate ng mga bagong variation at malikhaing pag-explore.
Ilabas ang pagkamalikhain mula sa bawat image.
Mag-generate ng mga natatanging variation ng umiiral nang mga larawan, na naglalabas ng mga bagong ideya at nagbibigay-inspirasyon. Sa isang image lang, tulad ng product shot, pop art illustration, o digital sketch, puwede mong gawing ibang image ang isang image at puwede kang mag-explore ng walang hanggang visual direction. Gamitin ang AI image generator para mabilis na maulit ang proseso, mag-eksperimento nang malaya, at mag-unlock ng mga bagong creative possibility.
I-reimagine ang mga larawan sa mga bagong artistic style.
Gamitin ang AI art generator para mag-eksperimento sa mga style tulad ng pop art, vintage, surrealism, o 3D illustration para bigyan ng bagong hitsura ang mga larawan mo. Pagandahin ang workflow mo gamit ang iba pang Firefly tool — tulad ng Generative Fill o Text to Image — at bisitahin ang gallery para makakuha ng inspirasyon mula sa komunidad. Nire-reimagine mo man ang mga product shot o nagdidisenyo ka ng storyboard, pinapadali ng mga libreng tool para sa AI image-to-image ang pag-explore ng mga bagong style.
I-export kaagad ang mga image-to-image na disenyo.
Kapag nagawa mo na ang mga variation mo, mabilis at walang hirap ang pag-export. I-download ang mga high-resolution na resulta mula sa AI image generator sa mga format tulad ng JPEG o PNG — perpekto para i-share, i-edit, o idagdag sa susunod mong proyekto.
Baguhin ang isang image gamit ang AI sa ilang click lang.
Ang image-to-image AI generator ay madaling gamitin ng mga taong may iba't ibang kasanayan. Baguhan ka man o sanay nang designer, makakagawa ka ng mga visual na mukhang propesyonal nang hindi nangangailangan ng malawak na karanasan sa pagdisenyo. Gamitin ang mga smart tool sa Firefly para bumuo ng ideya, mag-generate, at mag-transform ng mga larawan gamit ang AI nang mabilisan at madalian.
Lumikha nang walang katapusan gamit ang image-to-image AI.
Baguhin ang mga photo style nang mabilisan gamit ang image-to-image AI. Nagdidisenyo ka man para sa trabaho o lumilikha bilang katuwaan, pinapadali ng AI image generator ang paggawa ng mga bagong visual mula sa umiiral nang mga image tulad ng mga larawan, digital art, sketch, at iba pa. Gamitin ang image-to-image AI para mag-explore ng mga artistic style, bumuo ng malilikhaing ideya, o bigyan ng bagong buhay ang umiiral nang mga asset.
Narito ang ilang paraan kung paano tina-transform ng mga creator at propesyonal ang mga image gamit ang AI:
- Gawing pulidong digital asset ang guhit-kamay na graphic design concept o layout.
- Lumikha ng mga karakter o eksena ng librong pambata para suportahan ang pagbuo ng naratibo.
- I-develop ang mga rough comic panel o character sketch sa mga stylized at tapos nang illustration.
- I-refresh ang mga larawan sa social media o lifestyle para umakma sa iba't ibang theme, mood, o campaign.
- Sumubok ng iba't ibang artistic style sa pamamagitan ng pag-upload ng larawan o painting at tingnan kung paano ito magbabago.
- I-reimagine ang hitsura at pakiramdam ng mga product image nang hindi na kailangan pang mag-reshoot.
Gamit ang image-to-image AI, makakagawa ka ng mga custom na visual mula sa umiiral nang mga larawan — gaano man karami ang karanasan mo o anuman ang creative goal mo.
Paano gumawa ng AI image mula sa anumang umiiral nang larawan.
Gamit ang image-to-image AI, madali lang gawing bagay na talagang bago ang isang larawan, sketch, o disenyo. Balak mo mang pagandahin ang larawan ng isang produkto, ulitin ang isang guhit-kamay na karakter, o bigyan ng bagong twist ang digital art, simple at flexible ang AI image generator. Makakapag-generate ka ng AI image mula sa mga larawan sa pamamagitan ng pag-upload ng image mo, pagpili kung paano mo ito gustong i-transform, at ipaubaya na sa AI ang lahat ng iba pa.
- Para magsimula sa image-to-image AI, pumunta sa Adobe Firefly web app.
- Mag-scroll pababa at piliin ang Text to Image, at maglagay ng prompt para makapunta sa proseso ng pag-edit ng image.
TIP: Para direktang pumunta sa image editor, mag-type lang ng kahit anong prompt sa text prompt box at i-click ang Generate. - Maglagay ng text prompt o, sa seksyon ng General Settings sa kaliwa, pumunta sa Structure at mag-upload ng larawan mo o iba pang image.
- Sa General Settings, gamitin ang Strength slider para piliin ang gusto mong outline at depth.
- Mag-enjoy sa Styles para pumili ng mga opsyon sa Visual intensity, Effects, Color at Tone, Lighting, at Camera Angle.
Tumuklas pa ng mas maraming feature.
AI drawing generator AI cartoon generator AI image generator Image style transfer AI character generator Sketch to image AI art generator