Isang Acrobat PDF icon na may image ng arrow na nakaturo sa isang na-crop na PDF file kung saan na-crop ang image area

Paano mag-crop ng PDF online

Matuto kung paano mag-crop ng PDF document online:

I-click ang button na Pumili ng file sa itaas o mag-drag at mag-drop ng PDF sa drop zone.

Piliin ang PDF file na gusto mong i-crop.

Pagkatapos i-upload ng Acrobat ang PDF, mag-sign in para mag-crop ng mga page sa iyong file.

Awtomatikong ina-outline ng Acrobat ang unang PDF page gamit ang isang rectangular cropping border. I-drag ang mga border handle para i-resize ang page ayon sa gusto mo.

Piliin ang I-crop para i-save ang na-crop mong file.

Mag-crop ng mga PDF online nang walang kahirap-hirap

Gamit ang Acrobat, makakapag-crop ka ng PDF sa loob ng ilang segundo. Puwede ka ring magdagdag ng mga komento sa mga PDF, magsagot at mag-sign ng mga form, at marami pang iba.

Makagawa ng mas marami sa mga PDF

Binibigyang-daan ka ng Adobe Acrobat na mag-rotate, mag-reorder, mag-delete, o magdagdag ng mga page sa iyong na-crop na PDF. Puwede mo ring i-convert ang iyong file sa ibang format.

Gamitin ang pinakamagandang tools mula sa Adobe

Bakit hindi mo subukan ang tools na ginawa ng imbentor ng PDF? Mag-sign in para magawa ang pinakamagandang gawa mo sa Adobe.