DESIGN
Pag-unawa sa itim at puti bilang mga kulay.
I-explore ang kulay mula sa isang siyentipiko at artistic na perspective, tuklasin kung bakit naiiba ang itim at puti sa iba pang hue, at alamin ang tungkol sa paggamit sa mga pangunahing shade na ito sa digital na paraan at sa print.
Ano ang kulay?
Pagdating sa graphic design, mahalaga ang pag-unawa sa kulay at kung paano ito ginagamit kasabay ng shade. Sa siyentipikong paraan, ang kulay ay isang pagpapakita ng liwanag. Nag-a-absorb at nagre-reflect ang ilang partikular na materyal ng mga partikular na wavelength ng nakikitang liwanag, na nagreresulta sa pagkakaroon ng mga bagay ng partikular na kulay sa mata ng tao. Ang asul na bulaklak ay nagre-reflect at nagdi-disperse ng asul na liwanag pabalik sa atin habang ina-absorb nito ang lahat ng iba pang wavelength ng liwanag, kaya ang nakikita mo ay kulay asul. Kapag nire-reflect ang halos lahat ng liwanag, puti ang nakikita mo. Kapag walang nire-reflect na liwanag, itim ang nakikita mo.
Kulay ba ang itim? Kulay ba ang puti?
Gaya ng ipapakita ng anumang bahaghari, wala sa nakikitang spectrum ng kulay ang itim. Ang lahat ng iba pang kulay ay mga reflection ng liwanag, maliban sa itim. Ang itim ay ang kawalan ng liwanag. Hindi tulad ng puti at iba pang hue, pwedeng magkaroon ng purong itim sa kalikasan nang walang anumang liwanag.
Itinuturing ng ilan na kulay ang puti, dahil ang puting liwanag ay binubuo ng lahat ng hue sa visible light spectrum. At marami ang itinuturing na kulay ang itim, dahil pinagsasama mo ang iba pang pigment para magawa ito sa papel. Pero sa teknikal na kahulugan, hindi mga kulay ang itim at puti, mga shade ang mga ito. Pinapaganda ng mga ito ang mga kulay. “Gayunpaman, ginagamit ang mga ito na parang mga kulay. Pumupukaw ang mga ito ng mga damdamin. Pwedeng maging paboritong kulay ang mga ito ng isang bata,” sabi ng graphic designer na si Jimmy Presler.
Ang itim ba ay kawalan ng kulay?
Sa agham, ang itim ay ang kawalan ng liwanag. At ang kulay ay isang phenomenon ng liwanag. Pero ang isang itim na bagay o mga itim na image na naka-print sa puting papel ay gawa sa pigment, hindi sa liwanag. Kaya kailangang gamitin ng mga artist ang kanilang pinakamadilim na kulay ng pintura para halos makuha ang itim.
Bihira ang tunay na itim at tunay na puti.
Ang nakikita mo bilang pigment na may itim na kulay o liwanag na may puting kulay ay nagtataglay talaga ng iba't ibang liwanag o madilim na kulay. Walang pwedeng maging purong puti o purong itim, maliban sa hindi na-filter na sikat ng araw o kalaliman ng isang black hole.
Anong mga kulay ang bumubuo sa itim? Anong mga kulay ang bumubuo sa puti?
Ang paraan ng paggawa ng itim o puti ay depende sa kung gumagamit ka ng additive color model (light-based) o ng subtractive color model (ink-based).
Pinagsasama ang mga additive na kulay para gumawa ng puti.
Parehong gumagawa ng additive na kulay ang light at electromagnetic radiation. Sa model na ito ng color theory, ang kumbinasyon ng lahat ng kulay ay gumagawa ng perception ng puti. Maririnig mo ring tinatawag ang model na ito na RGB, dahil kapag gumagamit ka ng additive na kulay, gumagamit ka ng pula, berde, at asul bilang mga pangunahing kulay.
Additive ang digital na kulay.
Ginagamit ang additive na kulay sa digital design, dahil nagpapakita ang mga screen ng computer ng mga hue na mayroong liwanag na may kulay. Binubuo ang bawat pixel ng tatlong maliliit na butil ng phosphor, na naglalabas ng pula, berde, o asul na liwanag kapag tinamaan ng electron beam. Kapag digital na gumagamit ng kulay, tulad sa Adobe Photoshop o Illustrator, gumagamit ang iyong screen ng iba't ibang kumbinasyon ng mga liwanag na ito para gawin ang lahat ng kulay na nakikita mo. Ano ang itim sa isang screen? Walang nagliwanag na phosphor.
Pinagsasama ang mga subtractive na kulay para gumawa ng itim.
Subtractive ang kulay ng mga pigment at ink. Ang mga subtractive na kulay ay gawa sa liwanag na dumaan na sa materyal. Pwedeng pagsamahin ng mga painter ang ilang kulay para magawa ang mukhang itim na pintura. Gumagamit din ng mga subtractive na kulay ang pag-print; cyan (C), magenta (M), yellow (Y), at key o black (K) ang mga pangunahing ink na ginagamit. Ito ang dahilan kaya tinatawag na mga CMYK file ang mga napi-print na file.
Paano male-leverage ng mga designer ang itim at puti.
Posibleng puti at itim ang pinakamahahalagang “kulay” sa design, dahil mahalaga ang mga ito sa pagpapakita ng liwanag at shade. “Kung hindi ito magandang tingnan sa black and white, hindi ito magiging magandang tingnan nang may kulay,” sabi ng designer at illustrator na si Tammi Heneveld. Una, subukang gumawa sa grayscale (mga itim o puting shade lang) para makatuon ka sa shading at composition ng iyong obra. Pagkatapos ay subukang maglagay ng mga kulay sa Adobe InDesign o Photoshop o iwan na lang na black and white ang image mo.
“Ang itim at puti ay kasing epektibo sa pagpaparating ng mood o tone gaya ng iba pang kulay na iniisip ng mga tao na matingkad at makulay,” sabi ng illustrator na si Jon MacNair. “Pwedeng maging lubhang kapansin-pansin ang mga ito sa graphic na paraan.”
Mga tip para sa pag-print ng mga itim.
Para mag-print ng digital work, i-convert muna ang gawa mo sa CMYK file mula sa RGB file. Pagkatapos ay i-calibrate ang brightness ng screen mo para mas magaya ang naka-print na gawa. Mainam na gawing 75 porsyento ang brightness ng screen mo. O tanungin ang iyong print shop kung aling setting ang pinakamainam.
#000000 vs. Rich Black.
Kapag nag-convert ka ng file sa CMYK mula sa RGB sa InDesign, Photoshop, o Illustrator, awtomatiko nitong iko-convert ang purong RBG black (hex code #000000) sa rich black, isang kumbinasyon ng 60 porsyentong cyan, 40 porsyentong magenta, 40 porsyentong dilaw, at 100 porsyentong itim. Iyon ay dahil gumagawa ang tamang kumbinasyon ng CMYK ng itim na mas madilim tingnan kaysa sa 100 porsyentong itim na ink lang.
Iwasan ang tuksong itaas pa ang mga level sa CMYK. “Kapag nag-print ka nang nakataas sa 100 porsyento ang lahat ng kulay, magmumukha itong magulo. Mao-oversaturate nito ang papel mo,” paliwanag ni Presler. “At kung magpi-print ka ng 100 porsyentong itim lang, magmumukha itong malabo.”
Sa papel o digital na paraan, makakapagbukas ka ng mga bagong posibilidad sa design sa pamamagitan ng paggamit ng mas malalim na pag-unawa sa itim at puti at mga ugnayan ng mga ito sa iba pang kulay. Magagawang perpekto ng itim at puti lang ang shading at light sa gawa mo. Tingnan kung ano ang magagawa mo gamit ang dalawang shade lang.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-indesign-color-blade