DESIGN
Pagpili ng tamang font: Serif vs. sans serif.
May libo-libong typeface na mapagpipilian ang mga designer, at ang unang hakbang ay ang pagpili sa pagitan ng mga font na may mga serif at mga font na wala. I-explore kung paano may malaking epekto ang stylistic na desisyong ito.
Ang pagpili sa pagitan ng mga serif o sans serif font.
“Ang typography ay word art,” sabi ng designer na si Dylan Todd. “Kapag nagde-design ka gamit ang type, naglalahad ng kuwento ang typeface na pinipili mo.”
Maraming ipinapahayag sa iyo ang mga typeface tungkol sa tinitingnan mo. Halimbawa, ang type sa isang logo ay pwedeng magbigay sa iyo ng impormasyon tungkol sa kasaysayan ng isang kumpanya at sa saloobing sinusubukan nitong iparating. Pwedeng bahagyang ipahiwatig ng type sa mga advertisement ang uri ng audience na sinusubukang abutin ng isang ad, at pwedeng ipahiwatig ng type sa mga cover ng libro at poster ng pelikula ang genre. Hindi madaling maghanap ng tamang font para sa isang partikular na proyekto, pero ang isang paraan para simulan ang proseso ay ang magpasya kung serif o sans serif na typeface ang mas naaangkop.
Ano ang mga serif?
Ang mga serif ay ang maliliit na linyang nakakabit sa mga titik. Misteryo ang pinagmulan ng mga ito; iminumungkahi ng isang teorya na lumitaw ang mga ito noong ang mga eskribang gumagamit ng mga brush o quill ay nag-iwan ng maliliit na marka gamit ang panulat habang tinatapos nila ang bawat stroke. Nagbago ito at naging sadyang pagdaragdag ng mas maliliit na stroke sa mga mas regular at artful na paraan, at ang mga pangdekorasyong stroke na iyon ay naging inaasahang bahagi ng mga titik.
Alamin pa ang tungkol sa mga font.
Naghahanap ng crash course? Pag-aralan ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa type gamit ang gabay na ito sa pag-unawa at paggamit ng mga font.
Kailan dapat gumamit ng mga serif font.
Ang mga serif font ay pwedeng magmukhang maawtoridad, propesyonal, at nagpapahiwatig ng bigat ng kasaysayan o experience. Ang mga serif typeface gaya ng Times New Roman ay nagpapahiwatig ng lumang style ng mga typewriter — ginagamit pa rin ng The New York Times at iba pang respetadong institusyon na mahigit isang siglo nang umiiral ang font na ito. “Medyo mas makaluma ang dating ng mga ito,” sabi ng designer na si Madeline DeCotes.
“Pwedeng magkaroon ng mas payak at institusyonal na hitsura ang mga serif font,” sabi ni Todd, na gumagamit ng mga serif font para maiparamdam ang mga mas naunang panahon. Kapag gumagawa ng design ng libro para sa isang kuwentong panahon ng World War II ang setting, gumagamit si Todd ng mga serif font para bigyan ang mga mambabasa ng pakiramdam na nasa mundo sila na umiral bago ang mga modernong pamamaraan ng design.
Pero hindi lang aesthetic ang mga serif. Mayroon ding tunay na praktikal na halaga ang mga ito bilang body copy. “Ang mga serif ay madalas na nagdaragdag ng higit pang legibility sa mas maliliit na scale,” sabi ni DeCotes. “Kapag nagbabasa ka ng 9.5 na font sa isang naka-print na libro, natutulungan ka ng mga serif na matukoy ang mga letterform at makagawa ng flow habang nagbabasa ka.”
I-explore ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa kerning.
Hindi lang ang mga titik na ginagamit mo ang mahalaga. Mahalaga rin kung paano mo nilalagyan ng space ang mga ito. Alamin ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa kerning gamit ang gabay na ito sa Adobe Illustrator.
Kailan dapat gumamit ng mga sans serif font.
Bagama't walang serif ang ilang mas lumang pagsulat, gaya ng mga Norse rune, ang mga sans serif font ay kadalasang nauugnay sa mga modernong typeface. Noong 1928, naging isa sa mga unang sikat na sans serif font ang Futura at hindi nagtagal ay sumunod ang iba pang typeface gaya ng Helvetica.
Kontrobersyal ang mga sans serif typeface noong unang lumabas ang mga ito at kung minsan ay tinatawag ang mga ito na mga “grotesque” na typeface. Pero nang tanggapin ng mga modernist na designer gaya ng Bauhaus movement ang mga sans serif typeface, naugnay ang mga ito sa makabagong design, commerce, at pagtatangka ng modernism na makawala sa nakaraan.
Naaangkop pa rin ang pagkakaugnay na iyon; halimbawa, gumagamit si Todd ng sans serif para sa isang comic book na ang setting ay makabago, cosmopolitan, at nakatuon sa fashion na Los Angeles. Gayunpaman, pwede ring maipakita ng mga sans serif typeface ang sulat-kamay sa kasalukuyan, na walang mga dagdag na stroke na resulta ng brush o quill. “Ang nakasanayang kaalaman ay ginagaya dapat ng mga sans serif font ang sulat-kamay, na may higit na flow,” sabi ni Todd.
Mainam din ang mga sans serif font kapag napakaliit ng espasyo para sa copy. Karaniwang sans serif ang mga karatula, text sa mga app, at mga pangalan sa mga mapa. (May mga exception, syempre. Ang ilang grupo ng sans serif font, gaya ng Arial, ay ginawa para maging body copy — text na nagpapatuloy nang mahigit sa isa o dalawang pangungusap.)
“Kung bumubuo ka ng app o nagde-design ng site, karaniwang mga sans serif ang dapat gamitin,” sabi ni DeCotes, dahil isang alalahanin ang legibility sa mga screen na maliliit o may mas mabababang resolution. Idinagdag niyang, “Ang mga sans serif ay para sa mga wayfinding o signage application.” Ang isa sa mga pinakakilalang font sa United States, ang Clearview, ay isang sans serif font. Partikular itong idinisenyo para sa mga karatula sa highway. Kailangang magbasa ang mga driver ng kaunting type mula sa malayong distansya at, sa sitwasyong iyon, naaangkop ang sans serif.
Matutong mag-mix at mag-match ng mga font.
Alamin kung paano gumamit ng mga combo ng font sa mga design na sinusulit ang iba't ibang font at grupo ng font sa tulong ng artikulong ito mula sa Adobe Create magazine.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/creativity-for-all-blade