Mag-click. Mag-capture. Gumawa.
Gawing mga building block sa paglikha para sa lahat ng design mo ang mga image sa iyong mobile device gamit ang aming mahusay na vector converter

Mag-capture nang live.
Gamitin ang iyong mobile device bilang vector converter para gawing mga tema ng kulay, pattern, uri, materyal, brush, at hugis ang mga larawan. Pagkatapos ay dalhin ang mga asset na iyon sa mga paborito mong desktop at mobile app — kabilang ang Adobe Photoshop, Illustrator, Dimension, XD, at Photoshop Sketch — para gamitin sa lahat ng iyong proyekto sa paglikha.

Looks
Mag-capture ng kulay at ilaw mula sa mundo sa paligid mo, mula sa iyong camera roll, o kahit mula sa Adobe Creative Cloud account mo. Pagkatapos ay gamitin ang mga natatanging Look na iyon para pagandahin ang iyong mga proyektong video.

Mga Filter
Sumubok ng iba't ibang filter para baguhin ang iyong mga asset sa Capture sa magaganda at nakakasorpresang paraan.
Mga Materyal
Bumuo ng mga makatotohanang materyal at texture ng PBR mula sa anumang image sa iyong mobile device, at ilapat ang mga ito sa mga 3D object mo sa Dimension.
Uri
Kumuha ng larawan ng isang font at gagamitin ng Capture ang teknolohiya ng Adobe Sensei para tukuyin ang mga hugis at magmungkahi ng mga katulad na font. I-save ang mga ito bilang mga istilo ng character na gagamitin sa Photoshop, InDesign, Illustrator, o XD.
Mga Brush
Gumawa ng mga de-kalidad na custom brush sa iba't ibang istilo, at gamitin ang mga ito para mag-paint sa Animate, Dreamweaver, Photoshop, o Photoshop Sketch.
Mga Pattern
Gumawa ng mga geometric na pattern nang real time gamit ang mga preset ng Capture, at i-send ang iyong mga pattern sa Photoshop o Illustrator na pipinuhin at gagamitin bilang mga fill.
Mga Hugis
Mula sa mga guhit-kamay na hugis hanggang sa mga high-contrast na larawan, puwede mong gawing malinis na vector na hugis ang anumang image para gamitin sa iba't ibang Creative Cloud app.
Mga Kulay
Mag-capture at mag-edit ng mga tema ng kulay at gawing mga nako-customize na palette ang mga ito para gamitin sa kahit anong Creative Cloud app.
Nakakonekta sa Creative Cloud.
I-save sa Mga Library sa Adobe Creative Cloud ang mga asset na gagawin mo sa Capture para ma-access ang mga ito sa iba pang desktop at mobile app ng Adobe. Puwede mo ring ibahagi ang iyong mga library sa iyong team nang direkta mula sa Capture.
Mga nauugnay na app