{{photoshop-lightroom-features}}
Mga propesyonal na preset sa {{lightroom}}.
Mula sa black-and-white hanggang sa mga retro na dating, magdagdag ng propesyonal na detalye gamit ang pinakamagagandang preset para sa pag-edit ng photography. Alamin kung paano maglapat at maghanap ng mga preset na bagay sa workflow mo.
Mga tool na parehong para sa mga baguhan at propesyonal na photographer.
Nagbibigay ang Lightroom ng mahuhusay na photo editing tool sa desktop, web, at mobile mo, anuman ang uri ng photography na ginagawa mo. Ang maganda sa mga preset, na gumagana na parang mga naa-adjust na filter sa Lightroom, ay kapaki-pakinabang ang mga ito para sa mga matagal nang photographer pati sa mga baguhan sa photography — mga tool ang mga ito na naghahatid ng professionalism at polish sa gawa ng kahit sino.
Mag-edit na parang one-click pro.
I-access ang isang madaling gamiting interface na hindi nagsasakripisyo ng mga opsyon, para makagamit ka ng mahuhusay na editing tool para sa mga simple at kumplikadong edit.
Pabilisin ang proseso mo.
Mag-edit ng batch, para mabilis na makuha ng dose-dosenang larawan ang mga parehong adjustment, o mag-import ng mga larawan para sa mabilis na pag-export sa kahit anong format na kailangan mo.
Madaling matutunan at mayaman sa feature.
Pwede mong simulang gamitin ang Lightroom sa loob ng ilang segundo, at ang pag-customize ng preset ay kasindali lang ng pag-iiba sa mga slider. Pag-retouch, pag-edit ng mga RAW na larawan, o paghahanap ng pack ng preset na bagay sa gawa mo — magagawa mo ang lahat.
Pinadaling pag-edit sa mobile.
Nagbibigay ang Lightroom para sa mobile ng maraming feature ng Lightroom sa isang accessible na package na magagamit mo kahit saan mo man dalhin ang mobile device mo. Standard na kasama ang mga preset sa Lightroom.
Ang pinakamagagandang preset sa Lightroom para i-highlight ang gawa mo.
May dose-dosenang preset ang Lightroom na babagay sa hitsurang gusto mo para sa photography mo, pati na mga naka-automate na suhestyon mula sa komunidad ng Lightroom. Nasa ilalim ng tab na Premium ang mga preset na ito.
Istilo: Vintage
Dalhin sa nakaraan ang mga larawan mo, o bigyan ng lumang hitsura ang mga ito gamit ang preset na ito. Maganda para sa mga larawan na may maraming natural na ilaw o para sa mga gusto mong bigyan ng fine art na effect.
Mga Portrait
Ang Lightroom ay may mga preset sa kulay ng balat para mabilis na itugma ang isang image sa partikular na hitsura o subject matter. Nagtatampok ang Lightroom ng mga pack ng preset para sa mga taong may Deep, Medium, at Light Skin.
Subject: Travel
Akma para sa mga travelogue, nagbibigay sa iyo ang mga preset na ito ng maraming opsyon sa pagpapaganda ng outdoor photography o landscape photography.
Subject: Lifestyle
Tumutugma ang mga preset na ito sa mga trend at filter sa social media, at nagbibigay ang mga ito ng mga stylized na opsyon.
Paano gumawa ng mga sarili mong preset.
Gumawa ng de-kalidad na preset sa loob lang ng apat na hakbang.
- Piliin ito:
Kapag pinili na ang larawan mo sa Lightroom, I-click ang icon ng I-edit at i-click ang Mga Preset sa itaas ng hanay. - I-preset ito:
Piliin ang wastong preset para sa larawan mo — makakakita ka ng preview kapag nag-hover ka sa bawat isa. - I-slide ito:
Kapag nakapili ka na ng preset, mako-customize mo ang mga slider para baguhin ang effects ng preset para maging iyo ito. - I-save ito:
I-save ang larawan mo, o kung gusto mo itong ibalik sa orihinal nitong estado, piliin ang command na I-revert sa Orihinal.
Maging mas mahusay sa tulong ng mga tutorial na ito.
May dose-dosenang available na tutorial ng Lightroom na makakatulong sa iyong magsimulang gumawa ng mga nakakamanghang edit sa lalong madaling panahon.
Gumawa ng mga custom na preset.
Gusto mo bang gumawa ng mga sarili mong de-kalidad na preset? Ipapakita namin sa iyo kung paano.
Ipamalas ang vibrancy.
Gawing magaan at presko ang mga kulay mo sa pamamagitan ng pagsubok sa hue at saturation gamit ang gabay na ito.
Alisin ang mga hindi gustong kulay.
Nalulungkot ka ba sa hindi magandang color cast? Alisin ito sa ilang hakbang sa post-processing ng Lightroom.
Gumawa ng profile mo ng larawan.
Nagsisimula ang propesyonal na pag-edit sa Lightroom sa paggawa ng kung paano lalabas ang mga larawan mo sa screen sa simula.