Gamitin ang Acrobat Sign sa paglagda ng mga online na kontrata.
Magruta ng mga electronic na kontrata at mangolekta ng mga e-signature gamit ang Acrobat Sign. Ito ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para mabilis na mailipat-lipat ang mga dokumento sa mga workflow mo.
Tingnan kung ano'ng kasama. Tingnan ang mga plan at presyo.
Mayroon nang Acrobat Sign account? Mag-sign in dito
Gawing online ang mga kontrata mo at i-enjoy ang mga benepisyo.
Kaginhawahan
Higit na mas epektibo ang paglilipat sa proseso ng kontrata mo sa pagiging online na serbisyo kumpara sa mano-manong pagruruta at paghahatid sa pamamagitan ng mail. Magagawa ng mga recipient na lumagda ng mga dokumento at ibalik sa iyo ang mga ito sa loob ng ilang minuto — hindi ilang araw.
Kadalian
Pinasimple ang paglagda sa kontrata, hindi na kailangan ng mga signer mo na mag-download o mag-install. Iki-click lang nila ang link na ise-send mo sa kanila, na magdadala sa kanila sa online na kasunduang nangangailangan ngelectronic signature o digital signature nila.
Flexibility
Kahit saan ay makakapag-send ka ng mga dokumento na lalagdaan, at matatanggap ang mga ito kahit saan. Hindi kailangang maging abala ang mga electronic na kontrata dahil lang on the go ka o ang signer.
Pagsubaybay
Nire-record ang bawat hakbang, mula sa oras na mag-send ka ng mga kontrata hanggang sa kapag natanggap mo na ang mga nilagdaang dokumento mo. Makakatanggap ka kaagad ng notification kapag tiningnan o nilagdaan ang isang electronic form.
Integration
Binuo ang Acrobat Sign para maayos na mag-integrate sa mga application na ginagamit mo na. Gamitin ang Acrobat Sign para lumagda ng mga kontrata sa Microsoft Office, Salesforce, Workday, Dropbox, ServiceNow at marami pa.
FAQ tungkol sa Electronic na Kontrata ng Acrobat Sign
1. Pumunta sa tab na at i-click ang button na “Humingi ng Mga Signature” button.
2. Tukuyin ang recipient mo sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sumusunod (mula sa kaliwa pakanan):
- Role ng recipient (Signer ang default)
- Email address ng recipient
- Pumili ng paraan ng second-factor authentication (opsyonal).
- Personal na mensahe (opsyonal)
3. Pumili ng Pangalan ng Kasunduan at magdagdag ng mensahe para sa paunang email sa recipient mo.
4. I-drag at i-drop, i-attach, o piliin ang dokumentong gusto mong i-send.
- Pwede kang mag-attach ng maraming dokumento kung kinakailangan. Ihahatid ang mga ito bilang iisang madaling dokumento.
5. Magdagdag ng mga field kung kinakailangan sa pamamagitan ng pagpili sa “I-preview at Magdagdag ng mga Field ng Signature”. Pagkatapos ay i-click ang “Susunod.”
6. I-drag lang ang mga field mula sa mga tab sa kanang bahagi ng screen at i-drop ang mga ito sa kung saan mo gustong ilagay sa dokumento mo.
7. Kapag tapos ka na, i-click ang “I-send.”
8. Magpapadala ng email sa recipient na may kasamang link sa dokumento na susuriin at lalagdaan nila.
Sa Acrobat Sign, palaging libre at madali ang paglagda sa online na kontrata - hindi kailangang mag-download o mag-sign up. I-click lang ang link sa email para buksan ang kontrata sa kahit anong device. Gagabayan ka ng mga prompt sa buong proseso. Para lumagda, pwede kang mag-type ng pangalan mo sa box para sa signature, mag-upload ng image ng signature mo, o lumagda gamit ang mouse, daliri, o stylus. I-click ang “Ilapat” at “Tapos na:” Iyon na 'yon. Tumingin pa ng impormasyon tungkol sa kung paano lumagda gamit ang electronic signature.
Pwede mong gamitin ang Acrobat Sign para palitan ang anumang papel na dokumento o kontrata, para sa kahit ano mula sa pagkumpleto ng mga deal hanggang sa pag-hire ng mga empleyado. Pwedeng lagdaan online ang mga kontrata ng sales, consulting agreement, non-disclosure agreement (NDA), digital na enrollment form, at marami pang iba.
Sa Acrobat Sign, pwede kang humiling ng mga signature o bumuo ng mga reusable na template para sa iba't ibang uri ng dokumento, kabilang ang:
Adobe PDF (.pdf)
Microsoft Word (.doc at .docx)
Microsoft Excel (.xis at .xlsx)
Microsoft PowerPoint (.ppt at .pptx)
WordPerfect (.wp)
Text (.txt)
Rich Text (.rtf)
Graphics (.tif, .jpg, .jpeg, .gif, .bmp, at .png)
Web (.htm o html)