ADOBE ACROBAT SIGN

Ano ang electronic signature?

Ang e-signature o electronic signature ay isang mahusay at legal na paraan para malagdaan ang mga electronic na dokumento nang mabilis. Secure at pinagkakatiwalaan sa buong mundo, pwedeng pumalit ang mga e-signature sa sulat-kamay na signature sa maraming proseso. Magsimula sa mga e-signature mula sa Adobe.

Ano ang mga benepisyo ng mga e-signature?

Pinagkakatiwalaan.

Ang mga e-signature ay legal, pinagkakatiwalaan, at tinatanggap sa buong mundo. Ang Acrobat Sign ay isang napakahusay na solution para sa mga e-signature sa mga bansa sa buong mundo.

Mahusay.

Pabilisin ang proseso ng paglagda mo sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa mga recipient na maglagay ng e-sign sa mga dokumento. Makatipid ka ng 1.5 oras kada paggamit kada transaksyon gamit ang Acrobat Sign.*

Sulit.

Makakatipid ka ng pera at makakapag-streamline ng mga workflow ng negosyo kapag gumamit ka ng mga e-signature. Sa Acrobat Sign, makakatipid ka ng $6 kada transaksyon sa pamamagitan ng pagbabawas sa dami ng papel na ginagamit.*

* ”The Total Economic Impact™ of Adobe Acrobat Sign,” isang kinomisyong pag-aaral na isinagawa ng Forrester Consulting sa ngalan ng Adobe, Enero 2022.

Saan ginagamit ang mga electronic signature?

Tingnan kung paano naghahatid ang mga e-signature ng kahusayan sa kahit anong departamento — at sa kahit anong industriya.

Huwag nang ipagawa sa team mo ang mga manual, paulit-ulit, at pampamamahalang gawain para mapagtuunan nila ang pagbebenta.

Secure na kumuha at mag-share ng sensitibong impormasyon sa pamamagitan ng maaayos at paperless na experience na inaasahan ng mga customer ngayon.

HR

Pataasin ang productivity ng empleyado at pasayahin ang mga aplikante sa trabaho sa pamamagitan ng pagbibigay-daan sa kanilang i-access at lagyan ng e-sign ang mga dokumento kahit saan nang walang kahirap-hirap.

Baguhin at i-automate ang workflow mo ng dokumento at e-signing para sa mas higit na kahusayan habang pinoprotektahan ang privacy ng pasyente.

IT

Bigyang-daan ang ganap na digital at naka-automate na workflow ng e-sign at pag-apruba para sa mga team at departamento sa buong organisasyon mo.

Ang Acrobat Sign ay pinapahintulutan ng FedRAMP Moderate, kaya magagawa mong pasimplehin ang mga proseso habang pinapanatiling secure ang sensitibong data.

Kailangan ng mas secure na uri ng e-signature?

Ang mga digital signature, tulad ng mga cloud signature namin, ay itinuturing na pinaka-secure na uri ng e-signature sa buong mundo. Kapag kailangan mo ng pinakamataas na antas ng assurance para tukuyin ang isang signer, protektahan ang transaksyon mo, o sumunod sa mga lokal na batas, pumili ng digital signature na gumagamit ng digital identity na na-verify ng pinagkakatiwalaang third party.

Ano ang magagawa mo sa Acrobat Sign?

Mag-send nang walang kahirap-hirap, parang email lang.

Mag-send para lagyan ng electronic signature sa 3 madaling hakbang. I-upload ang dokumento mo, i-type ang email address ng signer, at pindutin ang i-send. Iyon na 'yon.

Lumagda nang mabilis.

Pwedeng mag-click lang ng link ang mga signer at doon mismo maglagay ng e-sign mula sa browser, sa computer o sa anumang mobile device nila — hindi kailangang mag-download o mag-sign up.

Subaybayan at i-manage ang pag-usad.

Manatiling updated sa mga nilagdaang dokumento mo. Alamin ang status ng bawat signature, magpadala ng mga paalala, magkansela ng mga kahilingan, at tumingin ng detalyadong audit trail para sa lahat ng electronic na transaksyon mo.

Gamitin ang Microsoft at iba pang tool na ginagamit mo.

Bilang pinipiling e-signature solution ng Microsoft, maayos na nai-integrate ang Acrobat Sign sa mga Microsoft application. Pwede kang gumawa, mag-edit, at lumagda ng mga dokumento sa maraming format ng dokumento nang hindi umaalis sa Microsoft 365. Pwede mong i-access ang mga integration sa marami pang ibang business tool, kabilang ang Salesforce at Workday.

Marami ka pa bang gustong malaman?

Kailangan mo man ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa mga electronic signature solution namin o gusto mo ng naka-customize na quote para sa mga natatangi mong pangangailangan sa negosyo, narito kami para matulungan kang masagot ang mga tanong mo.

FAQ tungkol sa electronic signature ng Acrobat Sign

Ang digital signature ay mas secure na electronic signature na nabubuo gamit ang isang digital certificate at cryptographic na naka-bind sa dokumento gamit ang public key infrastructure (PKI). Ang digital certificate ay natatangi sa signer at kinuha sa pinagkakatiwalaang 3rd party tulad ng trust service provider (TSP) o certificate authority (CA) pagkatapos ng pag-verify ng pagkakakilanlan ng signer.

Oo. Ang electronic signature ay isang malawak na termino para sa anumang electronic na proseso na nagsasaad ng pagtanggap sa kasunduan o record. Ang digital signature ay tumutukoy sa mas secure na electronic signature na nabubuo gamit ang isang digital certificate at cryptographic na naka-bind sa dokumento gamit ang public key infrastructure (PKI).

Ang cloud signature ay digital signature kung saan mina-manage ang digital certificate ng signer ng trust service provider (TSP) sa cloud. Umaasa ang mga cloud signature sa pandaigdigang open standard na ginawa ng Cloud Signature Consortium (CSC). Kumpara sa tradisyonal na digital signature na ginamit sa tulong ng pisikal na smart card o USB token, pinapadali ng cloud signature ang paggamit ng pinagkakatiwalaang digital signature nang direkta mula sa mobile device o Web browser. Para sa higit pang impormasyon, pakitingnan ang page ng mga digital identity solution provider sa Adobe Trust Center

Ang electronic seal o e-seal ay ginagamit ng legal na entity tulad ng negosyo o organisasyon para i-certify ang origin, authenticity, at integridad ng mga dokumento. Ang mga electronic seal ay posibleng magbigay ng matibay na legal na ebidensya na hindi nabago ang dokumento at nagmula sa entity na tinukoy ng digital sealing certificate.

Oo. Ang mga e-signature ay legal sa maraming bansa sa buong mundo. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagiging legal ng e-signature, pakitingnan ang mga page namin ng Mga pandaigdigang batas sa e-signature mula sa Adobe Trust Center.

Ang pangkalahatang-ideya ng seguridad ng Adobe Acrobat Sign ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa seguridad para sa Adobe Acrobat Sign Solutions. Para alamin pa kung paano pinoprotektahan ng Adobe ang mga dokumento, data, at personal na impormasyon mo, pakibisita ang Adobe Sign Trust Center.

Para sa impormasyon tungkol sa pagsunod ng Adobe Acrobat Sign, pakitingnan ang listahan ng mga Certification, Pamantayan, at Regulasyon ng Adobe Compliance sa Adobe Trust Center