#1e1e1e

DESIGN

Magdagdag ng personalidad gamit ang mga hand-drawn na logo.

Pwedeng magmukhang mabilisang doodle o eleganteng calligraphy ang isang hand-drawn na logo. Narito ang dapat tandaan kapag gumagawa ng logo na mukhang handcrafted.

I-explore ang Illustrator

3D na design ng logo na mukhang titik "M"

Makakatulong ang isang hand-drawn nalogo para magmukhang mas nakakapanghikayat o madaling malapitan ang isang organisasyon. Gaya ng signature, pinagmumukha ng isang hand-drawn na logo na may isang tao sa kumpanya na naglaan ng oras para personal na sulatan ang isang produkto o merchandise. Ang mga produktong may hand-drawn na logo ay hindi lang nagtataglay ng palatandaan ng kumpanyang kinabibilangan ng mga ito; pwede ring magmukhang personal na isinulat ang mga ito. Gumamit ng hand-drawn na logo para magpakita ng down-to-earth, low-fi, o rustic na pagkakakilanlan ng brand, na nagmumungkahi ng mga makalumang paraan ng craftsmanship.

Kung minsan, talagang iginuguhit ang mga hand-drawn na logo, at kung minsan, pinagmumukha lang ng mga bihasang graphic designer na hand-drawn ang mga logo. Paano mo man ito gagawin, tandaan ang mga sumusunod para makagawa ng logo na nagpapakita ng personal na tatak.

Ang pinakamagandang paraan para pagmukhaing hand-drawn ang logo ay iguhit talaga ito, sa papel man o gamit ang digital na stylus. Kapag gumawa ng pekeng hand-drawn na logo gamit ang mga template ng logo o iba pang paraan, halos palagi itong nagreresulta sa logo na mukhang may mali o problema. Kung masasabi ng isang viewer na clip art lang talaga ang hand-drawn na logo, palpak ang logo na iyon.

Pinaglalaanan ng oras ang magandang hand-drawn na logo. Posibleng magmukhang doodle ang isang bagay na ginawa ng artist sa loob ng ilang segundo, pero kadalasan ay resulta ang doodle na iyon ng ilang pag-uulit at draft. Sumubok ng iba't ibang ideya para sa logo, ulitin ang mga ito sa iba't ibang paraan, at gamitin nang husto ang tracing paper. Mag-draft ng isang bagay at i-trace ito. I-trace ito nang paulit-ulit hanggang sa mapasimple mo sa isang doodle ang mga visual na element.

Taong gumuguhit ng iba't ibang design ng logo sa isang notebook
Taong gumuguhit ng mga design ng logo sa isang notebook

Kadalasang makikita sa mga hand-drawn na logo ang mga palatandaan ng mga tool ng designer. Ginagamit sa mga logo na ito ang texture at weight ng papel, ang kapal ng mga brush, ang viscosity ng tinta, at ang pagiging grainy ng mga lapis o charcoal. Kadalasang makikita sa hand-drawn na logo ang proseso ng paggawa nito o bersyon ng paggawang iyon. Ipinapakita ng mga logo na ito kung paano ginawa at saan gawa ang mga ito.

Para makuha ang hitsurang iyon, dapat gamitin ng logo maker ang mga tamang tool. “Napakahalaga ng textured paper,” sabi ng designer na si George Bokhua. “Nagiging mas kapansin-pansin ito dahil dito.” Kapag nagawa nang maayos, pwedeng tingnan ng viewer ang isang hand-drawn na logo o wordmark at kaagad niyang maiisip na sine-sketch ito ng designer. Para ganap na magamit ang mga katangian ng papel, pen, o ink, sisikapin ng isang designer na iwasan ang mga diretsong linya. “Hindi maganda ang matutulis na edge,” sabi ni Bokhua. “Hindi mo makukuha ang texture ng papel.”

Mga digital na tool, low-fi na hitsura.

Pwede kang gumawa ng mga logo gamit ang pisikal na media at pagkatapos ay i-scan ang gawa mo. Pwede ka ring gumamit ng mga app tulad ng Adobe Illustrator at Photoshop para gayahin ang mga pisikal na tool.

Nangangailangan ng oras at pag-iingat para makuha ang tamang histura mula sa mga digital na tool sa pag-design. “Mukhang hand-drawn ang ilang typeface,” sinabi ng designer na si Lenore Ooyevaar, “pero palagi mong mararamdaman na computer-generated ang mga ito. Huwag matakot na ikaw mismo ang magsulat ng mga salita.” Hasain ang sarili mong mga kasanayan sa calligraphy at typography dahil halos palagi mong gugustuhing iangkop o baguhin ang mga dati nang typeface kapag gumagawa ng logo. Kapaki-pakinabang din na ilagay ang buong pangalan ng kumpanya sa typeface na gusto mong gayahin at pagkatapos ay ikaw mismo ang mag-trace nito para magmukha itong hand-drawn.

Image ng pag-trace sa balyena sa Adobe Illustrator

Inirerekomenda rin ni Ooyevar ang paggamit sa mga tool sa Photoshop at Illustrator na kayang gumaya sa tracing paper. “Pag-eksperimentuhan ang Image Trace,” sinabi niya. Kung minsan, kailangan mo itong iguhit ulit, pero sa pamamagitan ng pagpapatong-patong ng mga image, makakagawa ka ng isang bagay na kalaunan ay ipapahayag ang pagkakakilanlan ng brand sa tamang paraan.

Ginawa ang ilang typeface para gayahin ang cursive o calligraphy. Kung magpapasya kang gamitin ang mga ito, gawin ito nang may pag-iingat. “Kung gagamit ka ng mukhang hand-drawn na typeface, kontrolin ito,” sabi ni Ooyevaar. “Kung mayroon kang dalawang magkaparehong titik sa isang salita, hindi mo gugustuhing maging magkamukha ang mga ito.” Kung masasabi ng viewer mo na gumamit ka ng premade na font, hindi maipaparating ng logo mo ang pagiging authentic. Kahit kapag gumamit ka ng mga digital na tool, tiyaking ipakita ang pagiging handmade ng mga hand-drawn na logo. Ilapat ang personal na style mo sa mga ito at gumawa ng logo na talagang sumasalamin sa mga kasanayan mo.

Taong gumuguhit ng mga design ng logo sa mesa

Tandaang kailangang gawin ng mga hand-drawn na logo ang lahat ng ginagawa ng isang functional na business logo. Scalable dapat ito: magandang tingnan kapag may kulay, grayscale, o black and white: at dapat itong umakma sa lahat mula sa mga materyal sa digital marketing, t-shirt, sticker, at hanggang sa mga business card. Kung minsan, ganap na kumakatawan ang logo sa pangalan ng negosyo, at agad dapat itong natutukoy. Kung nagplano ka nang mabuti, magagawa ng logo mo ang lahat ng iyon. Gayundin, ipapaalam nito sa mga viewer ang uri ng negosyong kinakatawan nito: isang lugar na nag-aalok ng personal na style at atensyon sa lahat ng gawa nito, hanggang sa logo.


Mga Contributor

Dylan Todd, Madeline DeCotes


https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade