DESIGN
Gumawa ng mga bagong mundo gamit ang mga matte painting.
Isa sa mga pinakalumang visual effect sa pelikula, nagbibigay ang mga matte painting ng mga kamangha-manghang landscape at backdrop para sa mga pelikula, TV, at mga video game.
Ano ang matte painting?
Sa pamamagitan ng mga pelikula at TV, nakarating na tayo sa malalayong sulok ng mundo sa Indiana Jones, nakipaglaban na tayo sa mga dinosaur sa Skull Island sa King Kong, at nakakita na tayo ng isang napakalayong galaxy sa Star Wars. Sa lahat ng sitwasyong ito, gumawa ang mga filmmaker ng mga fantasy at sci-fi na landscape at cityscape sa pamamagitan ng mga matte painting.
Hindi lang limitado sa fantasy at sci-fi ang mga matte painting. Ang mga ito ay pwedeng mga gusali, cityscape, at maging Titanic sa buong masaklap na rangal nito. Hindi nga mukhang mga painting ang pinakamagagandang matte painting. “Napakagaling ni Alfred Hitchcock sa mga matte painting hanggang sa puntong hindi mo masasabing painting ito maliban kung talagang hahanapin mo ito,” sabi ng illustrator na si Jonathan Case. “Kumukuha sila ng napakahuhusay na oil painter para gumawa ng higanteng painting na ilalagay nila sa background.” Parang nasa isang malaking aklatan o nasa labas ang mga character pero ang totoo ay nakatayo sila sa harap ng isang two-dimensional na image.
Magtrabaho bilang matte painter.
Ang mga pelikula, TV, at mga video game ay resulta ng pinagsama-samang pagsisikap ng daan-daang tao, at kailangang isama ng mga matte painter ang mga vision ng direktor, manunulat, at artistic director kahit na habang ipinapahayag nila ang mga sarili nilang ideya. “Kung nasa Hamlet ako, hindi ako magsisimulang mag-improvise ng mga linya,” sabi ng matte painter na si Paul Topolos. “Para itong cake. Ginagawa ko ang icing, pero nagawa na ang cake.”
Bago magsimulang magtrabaho ang isang matte painter, makikipagkita siya sa mga creative lead ng proyekto para malaman pa ang tungkol sa assignment. “Karaniwan, magkakaroon ka ng tinatawag na kickoff, kung kailan malalaman mo kung tungkol saan ang shot at kung nasaan ito sa kuwento,” sabi ni Topolos.
Posibleng kasama sa kickoff na pagpupulong na iyon ang mga storyboard o concept art para sa eksena, o mga tagubilin tungkol sa hitsura at dating ng shot. “Kung nakikipagtulungan ka sa isang art director, bibigyan ka niya ng mga tala tungkol sa color temperature, camera depth, mga value, at mood ng eksena,” sabi ni Case. “Gagawa ka mula sa mga tala na iyon at bubuo ka ng isang bagay.”
Anuman ang eksena, kailangang malaman ng mga matte painter kung paano ipoposisyon ang mga artista, VFX, o iba pang visual element kaugnay ng matte painting. “Kailangan mong mag-iwan ng puwang para sa pangkalahatang composition na pinagsusumikapan ng direktor,” sabi ni Case. Ang mga matte painting ay hindi talaga mga likhang-sining nang mga ito lang. Palaging umiiral ang mga ito kaugnay ng iba pang element sa isang pelikula, palabas sa TV, o video game.
Mga matte painting at realism.
Bagama't pwedeng magpakita ng anumang background ang mga matte painting, pinakamadalas na tumatayong kapalit ang mga ito ng mga cityscape at likas na tanawin. Kailangang malaman ng mga matte painter kung paano pagmukhaing totoo ang mga tanawin sa labas, kahit na may mga pambihirang element ang mga tanawin nila. Nangangahulugan iyon ng pag-alam tungkol sa perspective at kung paano binabago ng liwanag ang kulay sa mga bagay. “Ang gilid ng bundok ay pwedeng magkaroon ng lokal na kulay na berde dahil sa mga puno, pero habang nawawala ito sa atmosphere, nakukuha nito ang tint ng atmosphere na iyon,” sabi ni Case.
Kung mukhang medyo hindi tama ang kulay o kung bahagyang hindi tumpak ang perspective, malalaman ng audience na may mali kahit na hindi nila alam kung bakit may mali. Kahit ang mga bahagyang visual error ay pwedeng makaagaw sa pansin ng audience mula sa kuwento. Hindi ito nangangahulugang kailangang iguhit ng matte painter ang bawat dahon sa isang puno o bato sa isang bundok. “Maghanap ng mga shortcut. Alamin kung ano ang pwede mong ipakita nang hindi kailangang iguhit ang bawat maliit na detalye,” sabi ni Case.
Ang pag-alam kung gaano karaming detalye ang isasama ay nakasalalay sa pag-alam kung gaano katagal ang isang matte painting sa isang shot. Kung nasa camera ito nang isa o dalawang segundo, pwedeng gumamit ang isang bihasang matte painter ng mga visual shortcut na hindi mapapansin ng audience. Gayunpaman, kung matagal na nasa screen ang matte painting, kailangan mong magbigay ng higit pang detalye.
Digital na matte painting.
Bago naging digital ang paggawa ng pelikula, ang mga matte painting ay malalaking image na ipininta sa glass o board. Pwedeng ilawan sa likod ang mga glass na matte painting, na may liwanag na tumatagos na parang stained-glass na bintana. Walang ganitong advantage ang mga matte painting sa mga board, pero matibay ang mga ito at pwedeng i-store at gamitin ulit nang walang hirap. Ang mga makabagong matte painter ay kailangang magawang pagsamahin at manipulahin ang iba't ibang digital element para magawa ang kanilang mga eksena at background. “Ang mga live-action na matte painting ay karaniwang may kumbinasyon ng mga live-action na plate, paggawa ng mga sarili mong 3D model, pagte-texture sa mga ito, at paglalagay ng lighting sa mga ito,” sabi ni Topolos. “Ibang hanay ng kasanayan ito kaysa dati.”
Hasain ang iyong mga kasanayan bilang matte painter.
Ang mga matte artist ay may isa sa mga pinakamahirap at komprehensibong trabaho sa paggawa ng pelikula. Ang matte painting ay nauugnay sa lahat mula sa tradisyonal na pagpipinta hanggang sa compositing at paggawa ng buong digital environment sa Adobe Photoshop. Para magawa ito nang epektibo, kailangang sapat ang kumpiyansa mong maniwala na makakagawa ka ng buong mundo. “Kailangan mo talagang dayain ang sarili mo sa pag-iisip na magagawa mo ito, at namamangha kang kaya mo itong gawin, pero palagi kang may labis na kritikal na pagtingin sa sarili,” sabi ni Topolos.
Kung magsisimula ka ngang magtrabaho bilang matte artist, pag-isipan kung anong mga genre ang gusto mong gawin at isulong ang gawang iyon. “Mag-ingat nang husto sa kung ano ang nasa portfolio mo. Ipinapakita nito kung ano ang gusto mong gawin,” sabi ni Topolos. “Sa isang portfolio, mas kaunti, mas maganda. Ilagay lang ang gawa na 100% kang nasisiyahan.” Hanapin ang gawang iyon, mga pastoral na landscape man ito o mga sci-fi na lungsod. Buuin ang portfolio mo, kumonekta sa mga tao sa industriya mo, at gawing bahagi ng mas malaking kuwento ang mga landscape mo.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-photoshop-color-blade