DESIGN
Gumawa ng pangmatagalang impression gamit ang design ng tattoo.
I-explore ang proseso ng paggawa ng custom na design ng tattoo at alamin kung paano ka matutulungan ng mga digital tool na ipahayag ang iyong sarili sa pamamagitan ng isang sinaunang anyo ng art.
Isang panimula sa design ng tattoo.
Ang pagta-tattoo, o pagmamarka sa katawan gamit ang permanenteng design sa pamamagitan ng paglalagay ng pigment sa balat, ay isang anyo ng art na nagsimula libo-libong taon na ang nakararaan. Bagama't may pangkulturang kabuluhan ang ilang tattoo, maraming tao ang nagpapagawa ng body art para sa mga aesthetic o sentimental na dahilan. Isang pagkakataon ang mga tattoo para maipahayag ng mga tao ang kanilang sarili sa creative na paraan. “Hinihikayat ko ang mga kliyente ko na pumili ng mga tattoo na makabuluhan para sa kanila, pero tingnan din ang mga ito bilang artwork, dahil mananatili na ito sa katawan nila habambuhay,” sabi ng tattoo artist na si Lorraine Salazar.
Isang natatanging hamon sa design ang paggawa ng mga tattoo. Dahil sa naka-curve na canvas at mga kumplikadong tool, kailangang sumunod ang mga design na ito sa mga partikular na panuntunan para magmukhang maganda sa pangmatagalan. Kapag nakikipag-usap sa mga kliyente tungkol sa kanilang ideal na tattoo, tiyaking magtakda ng mga inaasahan sa kanila at ipaliwanag ang mga technique at espesyalidad mo. Kapag gumawa ng design na komportable kang i-tattoo, makakatiyak na magmumukha itong maganda para sa mga susunod pang taon at matutulungan ka nitong gumawa ng pinakamagandang tattoo para sa bawat natatanging customer.
Pukawin ang imahinasyon mo.
Pwedeng makatulong ang pananaliksik sa pagpapasya kung anong style ng tattoo ang gusto mong sundin sa gawa mo. “Tumitingin ako sa mga art book at social media para sa inspirasyon,” paliwanag ni Salazar. Napakaraming paraan para makita kung ano ang ginagawa ng ibang artist at designer at kung paano naisasalin sa balat ang mga custom na design na iyon. Magsimula sa pamamagitan ng pag-explore sa mga halimbawang ito:
- Ang kalikasan ay isang napakagandang mapagkukunan ng inspirasyon. Tingnan kung paano gumagawa ang isang artist ng mga tattoo na bulaklak na may pino at banayad na aesthetic ng design, habang ang isa pang artist ay gumagamit ng mas matingkad at mas madilim na linework para maghatid ng ganap na ibang interpretasyon sa floral tattoo.
- Kung pinag-iisipan mo ang tradisyonal na paksa, gaya ng tattoo na bungo, tingnan ang detalyadong backpiece na ito bilang reference.
- Ang mga flash tattoo ay mga premade na design na karaniwang naka-display sa mga pader ng mga tattoo parlor para bigyan ng ideya ang mga customer. Magagawa ang mga ito nang napakabilis at kapaki-pakinabang ang mga ito para sa mga walk-in na customer. Napakagandang inspirasyon din para sa mga designer ng tattoo ang mga flash tattoo.
- Kung pinaplano mong magsama ng mga salita sa tattoo mo, isaisip ang typography at font. Tingnan kung paano inilalagay ni Dan Rhatigan ang mga letterform sa sentro ng kanyang mga design ng tattoo. Kapag nagde-design gamit ang mga titik, tandaang hindi mo pwedeng masyadong paglapitin ang mga ito, dahil kakalat at magbu-blur ang ink sa ilalim ng balat sa paglipas ng panahon.
- Nagmula ang mga tribal tattoo sa sinaunang tribal art. Sa mga kulturang gaya ng sa Maori, ginagamit ang mga tattoo bilang ritwal ng pag-usad o para ipahiwatig ang katayuan sa lipunan at relasyon sa pamilya. Bagama't nakalaan ang ta moko tattoo para sa mga mamamayang Maori, hindi iyon nangangahulugang hindi ka pwedeng mabigyang-inspirasyon ng style na ito. Ang kirituhi ay ang opisyal na pangalan para sa Maori-style na tattoo na ginawa para sa isang taong hindi Maori.
Pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman.
Isipin ang budget
Bagama't mahalaga ang mabigyang-inspirasyon, mahalaga ring isaalang-alang ang budget ng tattoo. Bilang artist, may halaga ang oras mo. Kaya huwag mag-design ng obrang nakakaubos ng oras at detalyado kung maliit ang budget ng kliyente mo. Mamadaliin mo lang ang trabaho sa huli, at bababa ang kalidad ng pinal na produkto.
Mag-design para sa bawat katawan.
“Magde-design ka sa ibang paraan kung isa itong tattoo sa ibabang bahagi ng braso kumpara sa ibabang bahagi ng likod. Iba ang kurba ng katawan, at kailangan mong mag-design nang isinasaalang-alang iyon,” sabi ng tattoo artist na si Carrie Smith. Dahil iba-iba ang mga contour ng katawan, nag-iiba ang level ng sakit o kawalan ng ginhawa na kasama ng pagpapa-tattoo depende sa lokasyon nito. Kung hindi kayang tumiis ng sakit ng kliyente mo, posibleng kailanganin mong payuhan siyang iwasan ang mga partikular na lugar gaya ng mga tadyang o paa.
Pumili ng laki.
Pagkatapos pumili ng lokasyon para sa tattoo, oras na para pumili ng laki. Bagama't apektado ng budget ang laki, isa rin itong aesthetic na desisyon. Kakailanganin mong tandaan na nakakaapekto ang laki at design ng tattoo sa mga karayom na gagamitin at sa bilis ng tattoo machine. “Pwedeng mas mahirap gawin ang maliliit na tattoo, dahil kailangan mong paganahin nang mas mabagal ang mga tattoo machine, kaya mas mabagal ang pagta-tattoo mo,” komento ni Salazar. Kapag pumipili ng laki, tiyaking handa ang kliyente mo para sa kung paano makakaapekto ang laki sa oras ng pagta-tattoo, pati na ang kawalan ng ginhawang kasama nito.
Alamin ang color palette mo.
Kapag nagde-design ng tattoo, gamitin ang mga kulay ng iba pang tattoo na nasa katawan na. Kung nagde-design ka ng unang tattoo ng isang tao, itanong ang tungkol sa kanyang mga ideya para sa tattoo sa hinaharap. Kung may nakaplano siyang full sleeve na tattoo, tiyaking aakma sa aesthetic na iyon ang wrist piece na dine-design mo. Dapat ding isaalang-alang ang kulay ng balat at undertone sa color palette mo, dahil mas maganda ang hitsura ng iba't ibang kulay sa iba't ibang kutis. Bukod pa rito, tandaang mangangailangan ang mga may kulay na tattoo ng mas maraming touch-up sa hinaharap, kaya kung minsan ay mas mainam ang mga ito sa mas maliliit na design.
Lumipat tayo sa digital.
Kapag oras na para mag-sketch, mag-finalize, at mag-digitize ng design ng tattoo, pwede mong ilagay sa papel ang konsepto mo sa tulong ng pencil sketch o magsimula agad sa isang digital na drawing program. “Napakaraming digital tool ngayon na mas pinapadali at mas pinapahusay ang pagguhit at pag-design ng tattoo,” komento ni Smith. Kung gumawa ka ng aktwal na drawing ng design mo, i-scan ito sa Adobe Illustrator para maperpekto mo ito. Ang pagkakaroon ng digital na bersyon ng tattoo mo ay magbibigay-daan sa iyong mabilis at banayad na baguhin ang laki ng design mo, i-rework ang mga kulay, at ayusin ang linework para sa mga mabilisang rebisyon bago ka magsimulang mag-tattoo. Isa sa mga pinakapermanenteng anyo ng art ang mga tattoo, kaya mahalagang magawa ang mga ito nang tama sa unang pagkakataon.
“Napakaraming digital tool ngayon na mas pinapadali at mas pinapahusay ang pagguhit at pag-design ng tattoo.”
Kung isinaalang-alang mo ang laki, lokasyon, color palette, at budget ng tattoo habang nagde-design, sa tulong ng pag-eensayo at pagsasanay, magiging handa ka nang mag-tattoo. Sa bawat pagkakataon, magbibigay-daan sa iyo ang paghahanda na tumuon sa paglalagay ng kahanga-hanga at natatanging tattoo art sa katawan ng isang tao — isang canvas na karangalang gamitin.
https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/seo-articles/do-more-illustrator-color-blade