.
Halftone effect dots

1. Idagdag ang mga image mo.

Piliin ang mga image na gusto mong lagyan ng halftone effect at idagdag sa Photoshop.


2. Hanapin ang Filter mo.

Sa itaas na navigation bar, pumunta sa Filter drop-down menu.


3. Piliin ang Pixelate.

Sa mga option sa Filter menu, piliin ang Pixelate.


4. Piliin ang Color Halftone.

Piliin ang Color Halftone sa Pixelate menu. Dito, puwede kang mag-adjust ng dalawa pang ibang variable na Radius at Channel para maapektuhan kung paano lalabas ang halftone texture.


Radius

Nakakaapekto ang Radius setting sa laki ng halftone dots at sa spacing sa pagitan ng mga ito. I-adjust ang laki ng dots para mabago ang gradient at blur ng kulay at image. Mas smooth at subtle ang hitsura ng mas maliliit na dot, habang magpapalabas naman ang mas malalaking dot ng lower-grade print material tulad ng vintage na komiks, lumang advertisement, o DIY grunge 'zines.

Channel

Ina-adjust ng Channel setting kung paano inilalagay ang dots at kung paano nagkakapatong-patong ang mga ito. Kinokontrol ang bawat Channel ng Screen Angle setting. Nakalista ang value sa degrees. Kapag ina-adjust ang value, nagbabago ang angle kung saan nagdaragdag ng Cyan, Magenta, Yellow, at Black dots sa pattern. Sa mga lugar kung saan nagkakapatong-patong ang dots, puwedeng makabuo ng mga bagong kulay, depende sa kung paano nagkakahalo-halo ang mga ito.

Ang Adobe Photoshop halftone effect menu na naka-superimpose sa split image ng isang van, na may bahaging may halftone effect