Mag-drag at mag-drop ng image
para subukan ito ngayon.
Dapat ay JPEG, JPG o PNG at hanggang 40MB lang ang file
Sa pag-upload ng image o video mo, sumasang-ayon ka sa
Mga Tuntunin ng Paggamit at Patakaran sa Privacy ng Adobe
- Mas malaki sa 40MB ang file
- Hindi maproseso ang request
- Hindi namin maproseso ang ganitong uri ng file. Pakisubukan ulit.
- Isang file lang ang puwedeng i-upload sa bawat pagkakataon.
- Lampas sa maximum na dimension (8,000 x 8,000 pixels) ang image. Paki-resize at subukan ulit.
- promoid=XPCNGX89&mv=other
Magbibigay sa iyo ng cool vintage vibe ang halftone effects.
Gamitin ang halftone filter sa Adobe Photoshop para makuha ang hitsura ng lumang color printing. Ang halftones ay ginawa ng mga printer noong ika-20 siglo para sa mga press na gumagamit lang ng cyan, magenta, yellow, at black (CMYK) na tinta. Ang mga field ng maliliit na dot sa apat na kulay na iyon ang lumikha sa lahat ng shade na puwedeng i-print. Madali mong mare-recreate ang retro technique na ito para sa vintage look sa pop art, screen printing, o graphic design mo.
Ano ang halftone effects?
Ang halftone ay isang printing technique noong ika-20 siglo kung saan ginagamit ang mga pattern ng dots para makagawa ng mga image. Noong panahong limitado pa ang mga proseso ng pag-print, ang halftone ang paraan para malikha ang hitsura ng mga kulay at shade. Ngayon, ang pag-simulate ng halftone effects ay paraan para mag-reference o sumubok ng vintage photo effects sa pamamagitan ng pagpapalabas sa tuldok-tuldok at grainy look ng dating color printing.
Gumagamit lang ng cyan, magenta, yellow, at black (CMYK) na tinta ang mga unang color press. Ginawa ng mga printer ang halftone bilang paraan para mag-print ng mas malawak na spectrum ng kulay. Ang mga halftone ay binubuo ng mga field ng maliliit na dot sa apat na kulay na iyon, na nakaposisyon nang magkakalapit sa isa't isa. Kapag pinagsama-sama, mukhang naghahalo ang dots at bumubuo ng ibang shades. Gamit lang ang apat na kulay na ito, kasama na ang mga variation sa dot spacing, patttern, at size, pinaghalo-halo ng mga printer ang mga halftone para ma-produce ang lahat ng kulay na puwedeng i-print.
Paano makakuha ng halftone filter effect sa Adobe Photoshop.
Sundin ang mabilis at madaling tutorial na ito para magdagdag ng halftone pattern sa Photoshop.
1. Idagdag ang mga image mo.
Piliin ang mga image na gusto mong lagyan ng halftone effect at idagdag sa Photoshop.
2. Hanapin ang Filter mo.
Sa itaas na navigation bar, pumunta sa Filter drop-down menu.
3. Piliin ang Pixelate.
Sa mga option sa Filter menu, piliin ang Pixelate.
4. Piliin ang Color Halftone.
Piliin ang Color Halftone sa Pixelate menu. Dito, puwede kang mag-adjust ng dalawa pang ibang variable na Radius at Channel para maapektuhan kung paano lalabas ang halftone texture.
Radius
Nakakaapekto ang Radius setting sa laki ng halftone dots at sa spacing sa pagitan ng mga ito. I-adjust ang laki ng dots para mabago ang gradient at blur ng kulay at image. Mas smooth at subtle ang hitsura ng mas maliliit na dot, habang magpapalabas naman ang mas malalaking dot ng lower-grade print material tulad ng vintage na komiks, lumang advertisement, o DIY grunge 'zines.
Channel
Ina-adjust ng Channel setting kung paano inilalagay ang dots at kung paano nagkakapatong-patong ang mga ito. Kinokontrol ang bawat Channel ng Screen Angle setting. Nakalista ang value sa degrees. Kapag ina-adjust ang value, nagbabago ang angle kung saan nagdaragdag ng Cyan, Magenta, Yellow, at Black dots sa pattern. Sa mga lugar kung saan nagkakapatong-patong ang dots, puwedeng makabuo ng mga bagong kulay, depende sa kung paano nagkakahalo-halo ang mga ito.
Halftone effects sa digital age.
May kasamang mga halftone image ang mga pop art, screen printing, at graphic design, na nagre-reference sa mga printing style ng nakaraang panahon. Subukan ang halftoning para makaranas ng nostalgia, gawing mukhang luma o vintage ang isang bagay, o mai-reference ang unang mga dekada ng color printing.