Adobe Premiere
Lahat ng kailangan mong malaman tungkol sa tracking shot.
Tuklasin kung paano mo magagamit ang mga tracking shot para ilatag ang eksena, ipakilala ang mga karakter, at makipag-ugnayan sa audience mo sa bagong paraan.
Simulan ang free trial|Simulan ang free trial ng {{premiere}} I-explore ang {{premiere}}
Ano ang tracking shot?
Bagaman madalas ginagamit nang interchangeable o nang pinagpapalit-palit, may kaunting pagkakaiba ang tracking shot at dolly shot. Ang tracking shot ay tumutukoy sa anumang shot kung saan sinusundan ng camera ang subject; ang dolly shot naman ay may camera na nakakabit sa isang platform na may gulong (dolly) na puwedeng gumalaw sa kahit anong direksyon. Ang lahat ng dolly shot ay tracking shot, pero hindi lahat ng tracking shot ay gumagamit ng dolly.
Noong unang panahon ng pelikula, ang mga tracking shot ay nangangailangan ng malalaki at mabibigat na camera na nakakabit sa mabibigat na riles, na naglilimita sa paggalaw sa mga simpleng landas lang. Mas magaan at madaling dalhin ang mga modernong digital camera, kaya mas flexible na ang paggalaw. Dahil dito, nagagawa ng mga filmmaker ang mas kumplikadong uri ng shot, gaya ng handheld tracking, kung saan sinusundan ng camera ang subject sa makikitid na espasyo at hindi pantay na lugar.
Ano ang bumubuo sa isang magandang tracking shot.
Bilang isa sa maraming uri ng camera shot, ang tracking shot ay versatile na tool na tumutulong sa mga filmmaker na magsalaysay ng kuwento at makipag-ugnayan sa kanilang audience. Ang ilan sa pinakamahuhusay na tracking shot sa kasaysayan ng pelikula ay nagtatakda sa bilis ng pelikula, nagpapahayag ng matitinding emosyon, at nagpapakilala sa mga karakter.
Sa The Shining, gumamit si Stanley Kubrick ng mahabang tracking shot para lumikha ng tensyon at takot habang si Danny, ang pangunahing batang karakter, ay nakasakay sa plastik na trike sa mga pasikot-sikot na pasilyo ng haunted hotel. Bilang alternatibo, ginawa ni direktor Sam Mendes ang pelikula niyang 1917 gamit ang mga tracking shot sa kabuuan, na nagdadala sa audience sa isang malalim at nakaka-immerse na paglalakbay sa mga hukay ng World War I.
Sa kasaysayan, gumagamit ang mga tracking shot ng mekanismong tinatawag na camera dolly na tumatakbo sa isang riles. Sa mga dolly shot, maayos na nakakagalaw ang camera nang pasulong at paurong sa espasyo (na tinatawag na dolly in at dolly out). "Kahit gaano kasikat ang mga tracking shot noon," ayon sa cinematographer na si Paulius Kontijevas, "malamang ay mas sikat pa ito ngayon dahil may kagamitan na tayo na mas magaan at mas abot-kaya." Sa tulong ng Steadicam o gimbal device, mas madali nang makamit ang maayos na paggalaw ng camera kaysa noon.
Ang isang kapansin-pansing tracking shot ay hindi lang sumusunod sa aksyon; pinatitingkad nito ang kuwento o emosyon ng eksena. Ang mga kapansin-pansing paggalaw ay parang mahalagang bahagi ng narrative. Halimbawa, maaari itong magsiwalat ng mahahalagang detalye tungkol sa mga karakter, na lumilikha ng mas malalim na koneksyon sa kanila.
Kabilang sa mga element ng magandang tracking shot sa pelikula ang:
- Malinaw na focus sa subject
- Maayos at tuloy-tuloy na paggalaw
- May layuning paggalaw na nagpapaganda sa kuwento
- Teknikal na kahusayan sa focus at framing
- Epekto sa emosyon o pagpapaganda ng mood
- Maayos na pagsasama sa pangkalahatang narrative.
Paano mag-shoot ng tracking shot.
Mahalaga ang paghahanda kapag nagpaplano ng anumang video shoot, pero ang mga tracking shot ay nangangailangan ng karagdagang antas ng pagpaplano at pag-practice. Ang pinakamahirap na aspekto ay ang pag-coordinate ng paggalaw ng camera sa mga aktor, pagbabago ng lighting, at anumang gumagalaw na element sa eksena. Kadalasang gumagamit ang mga shot na ito ng Steadicam, dahil puwedeng madaling makasira sa shot kahit ang maliit na pagkakamali lang.
1. Gumawa ng shot list
Para maging matagumpay ang anumang tracking shot, kailangan mong maunawaan kung kailan at saan mo gustong gamitin ang shot na iyon. Sa halip na maglagay ng random na tracking shot sa video mo, isaalang-alang kung saan ito magiging pinakaepektibo mula sa pananaw ng pagkukuwento at kung paano ito makakatulong sa audience mo na makaugnayan ang mga karakter mo. Kailangan mong magkaroon ng layunin sa pagpaplano mo, kaya gumawa ng shot list at magpasya kung saan ito ilalagay sa video mo at kung saan ito babagay sa proseso ng produksyon mo.
2. Ihanda ang kagamitan mo.
Ngayon, kailangan mong tukuyin kung anong uri ng kagamitan ang kailangan mo. Bagaman hindi mo kailangan ng kumpletong dolly at track setup, kakailanganin mo ng camera stabilizer tulad ng gimbal o Steadicam. Tinitiyak nito ang maayos na paggalaw ng camera at matatag na footage na mas madaling i-edit sa post-production. Kung bago sa iyo ang kagamitan, siguruhing magpa-practice ka muna. Mababawasan mo ang mga posibleng pagkakamali habang nagvi-video kapag mas pamilyar ka sa setup bago pa man magsimula.
3. Magsaliksik at mag-ensayo.
Huwag kang dadating sa araw ng shooting nang hindi muna sinusuri ang kapaligiran. Kailangan mong maglagay ng mga pisikal na marka sa set para ipakita kung saan dadaan ang mga aktor pati na rin ang landas na dapat sundin ng camera operator mo para manatiling naka-focus ang lahat. Kung may mga ekstra sa eksena mo, tiyaking alam ng lahat kung nasaan dapat sila sa simula at dulo ng shot.
Ang pag-eensayo at komunikasyon ay mahalaga, lalo na kung may special effects, gumagalaw na sasakyan, o kahit anong uri ng choreography. Tandaan na kahit na perpekto ang lahat, malamang ay kakailanganin mong gumawa ng ilang take para matiyak na tama ang posisyon ng lahat.
Pagandahin ang mga tracking shot mo sa post-production.
Kapag nakuha mo na ang footage mo, panahon na para pumasok sa susunod na yugto ng produksyon at i-edit ang shot mo gamit ang Adobe {{premiere}}. Nakakatulong ang {{premiere}} na i-stabilize ang maalog na footage gamit ang Warp Stabilizer sa post-production. Puwedeng maging mas mapangahas ang mga filmmaker sa panahon ng pag-shoot, dahil alam nilang makakatulong ang tool na ito sa pagwawasto ng maliliit na problema.
Mga technique sa pag-stabilize.
Pag-stabilize sa loob ng camera:
- Gumamit ng gimbal o Steadicam para sa maayos na handheld movement
- Gumamit ng dolly sa mga track para sa tuloy-tuloy at linear na paggalaw
- Gamitin ang camera slider para sa maikli at eksaktong paggalaw.
Pag-stabilize sa post-production gamit ang {{premiere}}.
I-apply ang Warp Stabilizer effect:
- Piliin ang clip mo at pumunta sa Effects > Distort > Warp Stabilizer.
- I-adjust ang mga setting tulad ng smoothness at method (position, position/scale/rotation).
- Gamitin ang Rolling Shutter Repair effect para sa mga CMOS sensor artifact.
- Mano-manong i-keyframe ang position at rotation para sa mas pulidong pag-adjust.
Optical flow interpolation.
Gamitin ang Optical Flow feature ng {{premiere}} para gumawa ng mas maayos na slow-motion mula sa mga tracking shot mo.
Nested sequence stabilization.
Para sa mga kumplikadong shot, i-nest ang sequence mo at gamitin ang stabilization sa nested sequence.
Pag-organize ng footage mo.
Magpatupad ng malinaw na folder structure:
- Gumawa ng mga pangunahing folder para sa bawat project.
- Magdagdag ng mga subfolder para sa iba't ibang araw ng shooting o lokasyon.
- Gumamit ng hiwalay na folder para sa raw footage, audio, at mga asset.
Gumamit ng pare-parehong naming convention:
- Isama ang petsa, numero ng eksena, at numero ng take sa mga filename.
- Halimbawa: "20240816_Scene05_Take03_TrackingShot.mp4"
Gamitin ang mga organizational tool ng {{premiere}}:
- Gumawa ng mga bin para sa iba't ibang uri ng shot (wide shot, tracking, close-up).
- Gumamit ng mga label at color coding para madaling makilala ang mga tracking shot.
- Magdagdag ng metadata tag para sa madaling paghahanap at pag-filter.
Gumawa ng proxy file para sa mas maayos na pag-edit:
- Gumawa ng mga proxy file na may mas mababang resolution para sa mga kumplikadong tracking shot.
- I-link ang mga ito sa high-res footage mo para sa mas mabilis na pag-edit sa post-production.
Gumamit ng sequence marker:
- Magdagdag ng mga marker sa timeline mo para tandaan ang mahahalagang tagpo sa mga tracking shot.
- Gumamit ng iba't ibang kulay ng marker para sa iba't ibang layunin (halimbawa, kailangan ng stabilization, kailangan ng VFX).
Regular na pag-backup:
- Magpatupad ng matibay na sistema ng pag-backup para protektahan ang footage at mga project file mo.
- Isaalang-alang ang cloud storage para sa karagdagang seguridad at kolaborasyon ng team.
I-explore ang versatility ng mga tracking shot.
Ang pag-usbong ng 360-degree video ay nakaimpluwensya sa mga camera tracking shot technique, na nagbibigay-daan sa mga filmmaker na lumikha ng ganap na immersive experience kung saan puwedeng piliin ng mga manonood ang sarili nilang mga perspective. Ang mga tracking shot sa 360-degree na kapaligiran ay nagbibigay-daan para sa makabagong pagkukuwento, kung saan puwedeng i-explore ng audience ang eksena sa lahat ng direksyon habang gumagalaw ang camera sa loob nito.
Hindi lang isa ang paraan para gamitin ang mga tracking shot sa mga film project. Crane shot man ito o close-up, point-of-view clip, makakatulong ang mga tracking shot sa mga direktor na bigyang-buhay ang kanilang kuwento sa isang bagong paraan.
Ang banayad na ritmo ng pambungad na eksena sa Pride & Prejudice ni Joe Wright ay nagdadala sa manonood sa tahimik, pero paminsan-minsang magulo, na tahanan sa probinsya ng pamilyang Bennet. Sa kabilang banda, gumagamit ang direktor na si Alfonso Cuarón ng ilang mahahabang tracking shot para maglakbay sa mga kaganapang puno ng kaguluhan at karahasan sa pelikula niyang Children of Men.
"Sinusubukan ng mga tao ang tracking shot kung gaano kabilis makagalaw ang kamera at kung gaano kabilis natin ito masusubaybayan," sabi ni Kontijevas. Mula sa mga eksena ng aksyon hanggang sa mga tahimik at emosyonal na tagpo, magagamit ang mga tracking shot para itakda ang pace ng pelikula.
Lumikha ng mga tuloy-tuloy na transisyon.
Ang mga tracking shot ay isang makabagong paraan para lumipat sa pagitan ng mga kapaligiran at sundan ang isang karakter sa paglalakbay niya. Sa Goodfellas ni Martin Scorsese, dinadala ang manonood sa isang paglalakbay habang ipinapakilala ng kilabot na gangster na si Henry Hill ang magiging asawa niyang si Karen sa marangyang pamumuhay ng mundo ng Mafia. Mula sa establishing shot sa labas ng club, patungo sa abalang kusina, at papasok sa siksikang restawran, lubos na nararanasan ng manonood ang mundong ito ng luho kasama ang mga karakter.
Magsalaysay ng makulay na kuwento.
Pinapayagan ka ng mga tracking shot na mag-eksperimento sa perspective at buhayin ang kuwento mo sa pamamagitan ng mga mata ng bida mo.
Sa climax ng Selma, gumagamit si Ava DuVernay ng mga pasimpleng tracking shot para lumayo at sundan sina Martin Luther King, Jr. at ang iba pang nagmamartsa habang tumatawid sila sa Edmund Pettus Bridge. Nagbibigay ito sa manonood ng walang hadlang na pagtingin sa pag-aalala at pangamba sa mga mukha ng mga nagmamartsa habang papalapit sila sa posibleng karahasang naghihintay sa kanila sa kabilang panig. Sa malalapit at nakakaantig na shot na ito, mas nagkakalapit ang audience at ang mga karakter sa isang bagong paraan.
Ipahayag ang kumplikadong emosyon.
Ang pagpapakita ng emosyonal na kalagayan ng isang indibidwal na karakter o ng pangkalahatang mood ng isang eksena ay isa pang magandang paggamit ng mga tracking shot.
Sa Promising Young Woman ni Emerald Fennell, makulay na binubuhay ang pagkabigo ng pangunahing karakter habang gumagalaw ang camera at sinusundan siya sa palibot ng isang truck habang binabasag niya ang mga ilaw at windshield. Inilalagay nito ang audience sa perspective ng gumagalaw na subject, sa halip na isang tagamasid lang sa aksyon. Ang mga tracking shot ay tungkol sa paggalaw, pero ang subject at setting ay likas na nakakaapekto sa kung paano nakukuha at binibigyang-kahulugan ang galaw na iyon.
Panoorin ang 7 mahuhusay na tracking shot na ito.
Tingnan ang mga sikat na tracking shot na nabanggit sa itaas, at tuklasin kung paano ginamit ng iba't ibang direktor ang parehong tool para makamit ang lubhang magkakaibang artistikong resulta.
1. The Shining (1980), sa direksyon ni Stanley Kubrick.
Gumagamit ang sikat na pelikulang ito ng mga tracking shot nang ilang beses para bumuo ng tensyon at suspense.
2. 1917 (2019), sa direksyon ni Sam Mendes.
Ang pelikulang ito ay na-shoot at na-edit para magmukhang isang mahabang tracking shot. Ang pinakamaikling shot sa pelikula ay 39 na segundo ang haba, samantalang ang pinakamahabang tuloy-tuloy na tracking shot ay walo at kalahating minuto ang haba.
3. Pride & Prejudice (2005), sa direksyon ni Joe Wright.
Muli, may ilang kapansin-pansing tracking shot sa pelikula, at ang bawat isa ay may sariling layunin — mula sa pag-explore ng mga abalang ballroom hanggang sa pagpapakasarap sa tahimik na umaga sa isang country estate.
4. Children of Men (2006), sa direksyon ni Alfonso Cuarón.
May tatlong kapansin-pansing tracking shot sa pelikulang ito, kung saan ang pinakamaikli ay tumatagal nang mahigit isang minuto at ang pinakamahaba ay halos anim at kalahating minuto ang haba. Ang lahat ng shot na ito ay puno ng aksyon at mga gumagalaw na sasakyan.
5. Goodfellas (1990), sa direksyon ni Martin Scorsese.
Ang mga nakakaakit na tracking shot sa pelikulang ito ay nagpapakilala sa mga karakter at sa audience sa marangyang buhay ng mga modernong mobster.
6. Selma (2014), sa direksyon ni Ava DuVernay.
Tandaan na ang mga tracking shot na ginamit sa pelikulang ito ay kadalasang ilang segundo lang ang haba, pero ang gumagalaw na kamera na sumusunod sa mga kilos ng mga karakter sa screen ay nagdadala sa manonood sa aksyon sa isang natatanging paraan.
7. Promising Young Woman (2020), sa direksyon ni Emerald Fennell.
Tandaan na ang mga tracking shot na ginamit sa pelikulang ito ay kadalasang ilang segundo lang ang haba, pero ang gumagalaw na kamera na sumusunod sa mga kilos ng mga karakter sa screen ay nagdadala sa manonood sa aksyon sa isang natatanging paraan.
Ang mga tracking shot ay nakakaakit na paraan para baguhin ang pacing ng susunod mong video habang binibigyan ng bagong perspective ang audience mo. Gusto mo mang dalhin ang manonood mo sa isang bagong mundo o magbahagi ng hindi inaasahang point of view, makakatulong ang mga camera tracking shot. Kaya subukan ang kakayahan mo sa mga tracking shot at bigyang-buhay ang mga video mo gamit ang {{premiere}}.