Makatipid ng 43% sa Creative Cloud All Apps.
Makuha ang ultimate na creative toolkit na may Photoshop, Illustrator, Acrobat Pro at marami pa. Ngayon ay mayroon nang mga generative AI app at mga feature na pinapagana ng Adobe Firefly.
. Sa unang taon lang. Tingnan ang mga tuntunin.
Mga free trial
Pag-edit at pag-composite ng image.
Design, layout, at pag-publish ng page.
Mga madalas itanong
Pwede mong kanselahin ang trial o plan para sa indibidwal mula sa Adobe account mo. Mag-sign in at piliin ang I-manage ang Plan para sa plan na gusto mong kanselahin.
Pagkatapos mong magkansela, hindi mo na maa-access ang mga application o serbisyong kasama sa free trial mo.
Kung gusto mong sumubok ng Adobe app na wala ka pang lisensya, hanapin ang application sa listahan sa itaas at i-click ang button na Free Trial. At pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin para magparehistro para sa free trial mo at i-download ang app mo.
Kung gusto mong mag-download ng app na mayroon ka nang lisensya:
- Bisitahin ang page naming Tulong sa Pag-download at Pag-install at piliin ang uri ng produktong hinahanap mo (Creative Cloud, Acrobat, Elements, o Iba pa).
- Mag-sign in kapag na-prompt.
- Hanapin ang partikular na app na gusto mo at i-click ang I-install o I-download.
Gumagana ang karamihan sa mga app ng Adobe sa mga Apple MacBook pati na sa iba pang Apple computer na may mga Intel processor o Apple silicon processor. Native na ngayong gumagana ang ilang app ng Adobe sa mga Apple computer na may mga Apple silicon chip. At pwedeng i-install ang iba pa sa mga computer na gumagamit ng mga Apple silicon chip at gumagana gamit ang teknolohiya ng Rosetta 2.
Alamin pa ang tungkol sa compatibility ng Adobe app sa Apple silicon.
Tingnan ang mga kinakailangan sa system para sa mga Creative Cloud app.
Tingnan ang mga kinakailangan sa system para sa Document Cloud.
Oo, gumagana ang Adobe Express sa lahat ng web browser at naka-optimize para sa mga Chromebook. Pinapadali ng Adobe Express ang paggawa ng mga social post, kwento, flyer, logo, at marami pa gamit ang libo-libong magagandang templates.
Oo, nagbibigay ng free trial ng kumpletong bersyon ng app ang karamihan sa mga produkto ng Adobe. Hanapin lang ang app na gusto mong subukan sa listahan sa itaas at i-click ang button na Free Trial. At pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin para magparehistro para sa free trial mo at i-download ang app mo.
Magkakaiba ang mga free trial ayon sa produkto. Nangangailangan ng impormasyon sa pagbili ang ilang free trial nang agaran at mako-convert sa may bayad na subscription kung hindi kakanselahin ang mga ito bago mag-expire ang panahon ng trial. Binibigyang-daan ka ng iba pang free trial na i-download ang produkto at gamitin ito sa loob ng partikular na panahon, at hihinto na lang ang mga ito sa paggana kapag nag-expire na ang panahon ng trial na iyon.
Para malaman kung paano gumagana ang free trial para sa isang partikular na produkto, hanapin ang produkto mo sa listahan sa itaas at I-click ang button na Free trial.
Magkakaiba ang mga panahon ng free trial ayon sa produkto. Nagbibigay ang mga Creative Cloud app para sa mga indibidwal at Acrobat ng 7 araw na free trial. Nagbibigay ang Creative Cloud para sa mga team ng 14 na araw na free trial. At nagbibigay ang mga produkto tulad ng Adobe Stock, Photoshop Elements at Premiere Elements, FrameMaker, at RoboHelp ng mga 30 araw na free trial. Hanapin ang application kung saan ka interesado mula sa listahan sa itaas ang i-click ang button na Free Trial para alamin pa ang tungkol sa panahon ng trial para sa produktong iyon.
Hindi nagbibigay ang Adobe ng mga umuulit na free trial para sa parehong produkto. Mako-convert sa may bayad na membership ang mga free trial na nangangailangan ng impormasyon sa pagbili nang agaran kung hindi kakanselahin ang mga ito bago matapos ang panahon ng trial. Pero hindi pwedeng pahabain o ulitin ang panahon ng free trial.
Hindi. Eksklusibong ibinebenta ang mga produkto ng Substance 3D sa Substance 3D plan.