#f5f5f5

{{indesign-features}}

Magdisenyo ng mga kaakit-akit na menu ng restaurant.

Dine in man o take-out na order ang inihahain ng kainan mo sa mga customer, tingnan kung paano pinapahusay at pinapadali ng {{adobe-indesign}} ang pagdisenyo ng menu gamit ang mga kapaki-pakinabang na feature na ito.

Free trial CTA {{buy-now}}

Fill faster, blur better.

Makuha ang lahat ng kailangan mo sa isang tagagawa ng menu sa restaurant sa InDesign.

Ipakita kung ano ang maibibigay ng negosyo mo sa pamamagitan ng mga sarili mong menu sa tulong ng mga propesyonal na template ng menu, libo-libong font, at na-optimize na tool sa pag-layout. Binibigyan ka ng InDesign ng mas maraming kontrol kaysa sa mga online na tagagawa ng menu para makagawa ng mga madaling i-print na PDF o digital na menu.
Restaurant menu design templates in Adobe InDesign

Gamitin ang mga template na ginawa ng mga propesyonal na designer.

Sumubok ng iba't ibang de-kalidad na istilo ng menu nang hindi gaanong nahihirapan. Pumili mula sa mga nako-customize na template ng Adobe Stock na ginawa ng mga propesyonal na graphic designer.

Pumili mula sa 17,000 natatanging font.

Gumamit ng typography para pagandahin ang design ng menu mo. Makakatulong ang perpektong font na maitaguyod ang istilo ng brand mo at gawing namumukod-tangi ang menu mo sa lahat ng iba pa.

Collage of various fonts
The Adobe InDesign swatches interface

I-adjust ang mga kulay nang mabilis gamit ang Swatches tool.

Sa halip na piliin ang bawat indibidwal na element, makatipid ng oras sa pamamagitan ng paggamit sa Swatches tool para baguhin ang bawat partikular na kulay, lahat nang sabay-sabay.

Baguhin ang mga laki o orientasyon gamit ang I-adjust ang Layout.

Iakma ang menu mo sa ibang laki o layout para sa pag-print. Gamitin ang I-adjust ang Layout para gawing bago ang sukat ng design mo nang hindi binabago ang bawat element nang manu-mano.

The Adobe InDesign Adjust layout interface

I-access ang mga world-class na tool sa pagdisenyo at resource sa app.

Gumawa ng mga single-page o multipage na design ng menu sa restaurant anuman ang antas ng kasanayan mo. May mga tutorial at content sa Adobe Stock na makakatulong sa iyong matapos ang gawain.

The Adobe InDesign tutorial interface

Sundin ang mga kapaki-pakinabang na tutorial at step-by-step.

Maghanap ng mga template, tutorial, at how-to nang sabay-sabay mula sa search bar sa home screen ng InDesign.

Maghanap ng mga stock na larawan sa loob mismo ng app.

Ang integration sa Adobe Stock ay nangangahulugang pwede kang mag-browse at maglisensya ng mga stock na larawan nang hindi umaalis sa InDesign.

The Adobe Stock library within Adobe InDesign

Gumawa ng menu sa restaurant mula sa simula hanggang katapusan.

Pwedeng maging kumplikadong proseso ang pagbuo ng mga menu para sa mga kainan, pero pwedeng maging simple ang pagdisenyo ng magagandang custom na menu.

  • Piliin ito:
    Maghanap ng template ng menu na bagay sa brand ng restaurant mo.
  • Punan ito:
    Palitan ng mga item sa menu mo ang filler na content at i-edit ang mga frame at font ng text.
  • Lagyan ito ng dekorasyon:
    Mag-drop ng mga image tulad ng sarili mong logo o mga stock na larawan sa mga frame ng image.
  • I-adjust ito:
    I-orient ang mga image mo sa frame ng mga ito nang manu-mano o gamitin ang Content-Aware Fit.
  • Kulayan ito:
    Gamitin ang Mga Swatch para piliin at palitan ang mga umuulit na kulay sa menu mo.
  • I-save ito:
    Pinuhin ang laki gamit ang I-adjust ang Layout, kung kinakailangan. Pagkatapos, i-export para sa pag-print o online na paggamit.

Magsimula sa design ng menu gamit ang mga tutorial na ito.

Tuklasin kung ano'ng magagawa sa InDesign at alamin ang workspace. Pagkatapos, i-explore kung paano ayusin ang mga image at text sa menu mo.

The Adobe InDesign workspace interface

I-explore ang workspace at simulan ang proyekto mo.

Alamin kung paano mag-navigate sa workspace ng InDesign, magsimula ng mga bagong dokumento, at mag-save ng mga proyekto.

Tingnan kung paano mag-nagivate sa InDesign

The Adobe InDesign swatches interface

Buuin at i-manage ang color palette mo.

Gumawa ng mga bagong kulay na gagamitin sa proyekto mo. Pagkatapos, i-save ang mga swatch para mapadali ang pag-edit sa mga kulay.

Alamin ang tungkol sa pag-manage ng mga kulay

The Adobe InDesign format text interface

I-format ang text at i-edit ang mga text style.

Alamin ang mga pangunahing kaalaman sa pag-fomat ng text sa InDesign, kabilang ang pag-save sa pag-format ng text bilang istilo.

Tingnan kung paano mag-format ng text

The Adobe InDesign framing interface

Ilapat ang mga image sa menu mo nang perpekto.

I-resize ang mga frame at awtomatikong ilagay ang mga sarili mong image o artwork gamit ang Content-Aware Fit.

Alamin ang tungkol sa pag-resize ng mga image

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/indesign/merch-card/segment-blade