{{photoshop-lightroom-features}}
Mga preset ng {{lightroom}} para sa mga portrait.
Nakakapagpakita ng katangian ang portrait photography sa pamamagitan ng mga hindi halatang pagbabago sa light at kulay. I-explore kung paano makakatulong ang mga libreng koleksyon ng preset ng Lightroom sa paggawa ng perpektong mood para sa mga portrait mo.
Ano ang mga portrait preset ng Lightroom?
Ang mga portrait preset ng Lightroom ay naglalapat ng mga partikular at balanseng antas ng light, exposure, at kulay sa larawan mo sa layuning saktong makuha ang kulay ng balat ng subject habang pinapatingkad ang mga bagay tulad ng mood at expression niya. Makakatulong ang mga itong i-streamline ang workflow mo sa pag-edit ng larawan sa pamamagitan ng pagtatakda ng mood para sa larawan mo sa isang click, at may kasamang mga slider ang mga ito para ma-adjust mo ang intensity ng effect batay sa mga pangangailangan ng image mo.
Pastel
Madalas na ginagamit para sa mga portrait na kinuha sa labas, mga kasal, at newborn photography, nagbibigay ang mga pastel preset ng bahagyang glow sa mga subject mo para sa magaan at preskong dating.
Black and white
Nagbibigay ang preset na ito ng isang marangal at classy na tone sa kahit anong uri ng portrait sa pamamagitan ng paggawa ng monochrome na hitsura na may mataas na contrast sa pagitan ng maliwanag at madilim.
Cinematic
Naglalapat ang mga cinematic preset ng matingkad at maliwanag na color palette sa portrait mo para mabigyan ito ng natatanging pang-film na dating ng madramang pelikula.
Matte
Ninu-neutralize ng mga matte preset ang mga shadow at gumagawa ang mga ito ng makinis at malamlam na hitsura na kahawig ng photograph na kinuha sa isang retro camera.
Ang pinakamagagandang preset ng Lightroom para sa mga portrait.
Mag-explore ng mga mapagpipiliang inirerekomendang libreng bundle ng portrait preset para ma-optimize mo ang mga larawan mo para sa kahit anong vibe.
Pinakamagagandang indoor na portrait preset
Tuklasin ang anim na propesyonal na preset para sa mga indoor na portrait
Pack ng portrait preset
Mag-explore ng mga libreng preset mula sa photographer na si Aundre Larrow
Paano gumawa ng sarili mong preset.
Isang maikling gabay sa kung paano gumawa at mag-save ng mga sarili mong pagpapaganda ng larawan.
- I-edit ito:
Habang nakabukas ang image mo, buksan ang menu na I-edit. - Baguhin ito:
I-adjust ang mga slider ng Light at Kulay at gumamit ng Mga Effect para magdagdag ng Grain o Vignette. - Pangalanan ito:
Mula sa window ng Preset, i-click ang tatlong tuldok sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Gumawa ng Preset, at pangalanan ang gawa mo. - I-save ito:
I-click ang I-save. Lalabas na ang bago mong preset sa panel na Mga Preset para magamit mo sa iba pang larawan.
Mga propesyonal na tutorial sa Lightroom.
I-explore kung paano masusulit ang mga bago mong pack ng preset ng Lightroom sa tulong ng mga step-by-step na walk-through para sa anumang uri ng pagpapaganda ng larawan.
Mag-edit on the go gamit ang Lightroom mobile.
Gamitin ang Lightroom mobile app para baguhin ang mga larawan mo sa mga palad mo mismo.
Paano gumawa ng mga selective na pag-edit.
Alamin kung paano pinapadali ng Radial Gradient tool na baguhin ang isang bahagi ng larawan.
Tuklasin kung paano magagawang perpekto ng Lightroom ang bawat pixel