MGA FEATURE NG LIGHTROOM
Gumawa ng mga selective na pag-edit gamit ang mga masking tool sa {{adobe-lightroom}}.
Tuklasin kung paano gumamit ng mga feature sa pag-mask sa {{lightroom}} para gumawa ng mga lokal na adjustment sa mga partikular na bahagi ng mga larawan mo.
Ano ang mga masking tool sa {{lightroom}}?
Nagbibigay-daan sa iyo ang mga masking tool na maglapat ng adjustment sa isang partikular na bahagi ng larawan, sa halip na sa buong image. Kung gusto mong mamukod-tangi ang subject ng larawan mo sa pamamagitan ng pagtaas sa saturation nito habang hindi binabago ang background, maglagay ng mask sa ibabaw ng subject mo at i-adjust ang saturation ng bahaging may mask.
Mga mask na pinipili ang subject o kalangitan.
Sa pamamagitan ng machine learning, ang mga mask na Select Subject at Select Sky ay awtomatikong naglalagay ng mask sa ibabaw ng subject o kalangitan sa larawan mo.
Mga mask na pwede mong guhitan gamit ang brush.
Manwal na mag-paint sa mask mo gamit ang Brush tool para sa mas detalyadong selection.
Mga gradient mask.
Ang gradient mask ay may edge na paunti-unting nawawala. Ang Radial na gradient ay pabilog at ang Linear na gradient ay diretso.
Mga Color Range mask.
I-mask at baguhin lang ang partikular na range ng mga hue.
Mga Depth Range mask.
I-target ang foreground o background ng mga larawang kinuha sa Portrait Mode ng iPhone o gamit ang feature na Depth Capture ng Lightroom para sa mobile.
Mga Luminance Range mask.
I-mask at baguhin lang ang mga bahagi na may partikular na range ng luminance, o brightness.
I-fine tune ang mga overlay ng mask mo.
Hindi nakakasira ang kahit anong edit na gagawin mo sa mga bahaging may mask, kaya pwede mong balikan at i-adjust ang mga ito sa ibang pagkakataon. Pwede mo ring i-adjust ang hugis ng mask mo at kung ano ang kasama nito gamit ang mga tool na madaling gamitin.
Tingnan ang bahaging nilagyan mo ng mask.
Lumalabas ang mga mask bilang pulang overlay sa larawan mo kapag idinagdag mo ang mga ito. Makakakita ka rin ng preview ng mask mo sa isang maliit na thumbnail sa panel ng masking. Ipinapakita ng puting bahagi kung saan ka nag-e-edit.
Magdagdag at magbawas ng mga bahagi sa mga mask mo.
Dagdagan o bawasan ang bahaging may mask para makuha ang hugis ng mask na gusto mo. I-click ang Magdagdag o Magbawas sa floating panel ng Mga Mask mo. O pagsamahin ang mga effect mula sa dalawang dati nang mask gamit ang Intersect tool.
I-invert ang mga selection mo sa mask.
Para maapektuhan ang mga bahaging nasa labas ng mask mo sa halip na nasa loob nito, i-click ang I-invert. Magpapalit kaagad ng posisyon ang mask mo. Halimbawa, piliin ang Select Subject tapos I-invert para i-edit ang background lang.
Gumamit ng brush para mag-paint ng maliliit na adjustment.
Ang Brush tool ay ang pinakamagandang paraan para gumawa ng maliliit na pagbabago sa bahaging nilagyan mo ng mask. I-click ang Magbawas para gamitin ang brush para magbura ng mga piraso ng mask o ang Magdagdag para gamitin ito para palawakin ang bahaging may mask mo.
Paano gumawa ng mask sa {{lightroom}}.
Sundin ang mga sumusunod para makagawa ng una mong mask at pahusayin ang pag-edit mo ng larawan.
- Buksan ito:
Buksan ang larawan mo at piliin ang Masking sa panel sa kanan. Isang asul na bilog na may dotted na outline ang icon ng Masking. - Piliin ito:
Piliin ang gusto mong Masking tool. Isang mask na may pangalang "Mask 1" ang magagawa sa floating panel ng Mga Mask. Para baguhin ang pangalan nito, i-click ang tatlong tuldok na menu. - I-mask ito:
I-click o i-drag ang tool mo sa larawan mo para piliin ang bahaging gusto mong i-edit. Para pinuhin ang bahagi ng mask mo, i-click ang Magdagdag o Magbawas sa ibaba ng pangalan at thumbnail ng mask. Tapos pumili ng bagong opsyon sa mask para sa kung paano mo gustong magdagdag o magbawas sa mask mo. - I-adjust ito:
Gamitin ang mga adjustment tool sa panel sa kanan para gumawa ng mga edit sa bahaging may mask mo. Baguhin ang Exposure, Contrast, Temp, Hue, Clarity, at marami pa. Pwede mo ring i-access ang drop-down menu ng Mga Preset para gumawa ng mabibilis na edit na parang filter sa mga mask mo. - Ulitin ito:
Para magdagdag ng bagong mask, i-click ang Gumawa ng Bagong Mask. Para pagsamahin ang mga effect ng dalawang mask, i-click ang tatlong tuldok na icon sa tabi ng mask na gusto mong pagsamahin at piliin ang opsyon na “I-intersect sa mask na gumagamit ng...”. Pumili ng gagamiting masking tool, tapos ilagay kung aling mga bahagi ng kasalukuyang bahagi na may mask ang gusto mong magkaroon ng mga adjustment ng isa pang mask.
Mag-eksperimento gamit ang masking.
Ang pinakamagandang paraan para maging kumportable sa paggamit ng mga mask ay ang pagsubok sa bawat masking tool. I-explore kung paano mo magagamit ang iba't ibang mask para bigyang-diin ang iba't ibang bahagi ng mga image mo. Tiyaking updated ang bersyon mo ng Lightroom, tapos subukan ang mga tutorial na ito ng Lightroom para magsimula:
- Alamin ang tungkol sa mga bagong feature sa pag-mask sa Lightroom.
Kilalanin ang lahat ng bagong masking tool sa Adobe Lightroom Classic at Lightroom sa Creative Cloud. Magsimula sa mga masking tool - Alamin kung paano gumawa ng mga mask sa iPhone mo.
Tingnan kung paano naiiba ang advanced na workflow sa masking kapag gumawa ka sa Lightroom mobile para sa iOS. Tuklasin kung paano mag-mask sa mobile