Mga feature ng Photoshop

Gamitin ang kakayahan ng AI sa pag-edit ng larawan.

Mabilis na gawing perpekto ang mga image mo kaysa dati gamit ang Generative Fill at Generative Expand sa Photoshop. Magdagdag ng content, mag-alis ng mga nakakaagaw ng atensyon, palawakin ang mga image, palitan ang mga background sa ilang mga hakbang, at marami pa.

Subukan ang Photoshop (beta) desktop app.

1. Magsimula ng isang free trial ng Photoshop.

2. Buksan ang Creative Cloud app.

3. I-install ang Photoshop (beta).

Gumawa sa pamamagitan ng mga bagong paraan.

Makakagawa ang kahit sino ng mga kamangha-manghang image sa pamamagitan ng mga text prompt at Generative Fill at Generative Expand sa Photoshop.At subukang piliin ang mga feature ng generative AI, kabilang ang Generative Fill at Generative Expand, sa browser mo ngayon mismo gamit ang Photoshop sa web. Gumawa ng dose-dosenang ideya, lumikha ng mga scene mula sa simula, at makakuha ng mga maganda at makatotohanang resulta nang may mas kontrol kaysa dati.

Nasa generative AI ang hinaharap ng Photoshop.

Bigyang-buhay ang anumang creative vision nang may ganap na kontrol sa bawat konsepto gamit ang generative AI ng Adobe Firefly sa Photoshop. Subukan ang mga generative AI feature sa iyong browser ngayon mismo gamit ang Photoshop sa web.

Magkaroon ng higit pa.

Magdagdag ng higit pa sa anumang larawan gamit ang Generative Fill. Pumili ng bahagi ng image mo, ilarawan kung anong gusto mong idagdag sa pamamagitan ng text prompt — mula sa mga pink na paruparo hanggang sa mga kabundukang nababalot ng niyebe — at hintaying lumabas ang mga opsyon sa ilang click.

At subukan ang pinakamakapangyarihang Generative Fill sa Photoshop (beta) app. Gumawa ng mga maganda at mas makatotohanang image at tumingin sa dose-dosenang ideya sa loob ng ilang minuto. 

Bagong background? Walang problema.

Ibahin ang background sa mga larawan nang akmang-akma gamit ang generative AI. Piliin lang ang background, mag-type ng text prompt, at i-transport ang subject mo mula sa isang kalye sa lokal na lungsod papunta sa lokasyon saanman sa mundo.

Dagdag pa rito, subukan ang mas mabilis at simpleng Generate Background sa Photoshop (beta) app — mag-type lamang ng paglalarawan para agad na mapalitan ang scenery mo ng bago na tumutugma sa ilaw, anino, at perspective ng subject. 

Lampasan ang mga limitasyon.

Walang kahirap-hirap na mag-expand ng larawan sa anumang direksyon gamit ang Generative Expand. Piliin at i-drag ang Crop tool nang lampas sa mga orihinal na border ng isang larawan hanggang sa gustong laki, pagkatapos ay i-click ang Generate. Awtomatikong mapupunan ang pinalawak na canvas ng bagong content na talagang nagbe-blend sa kasalukuyang larawan. O, mag-type ng prompt para makakuha ng mas partikular na resulta.

Mag-alis at magpalit ng content sa ilang hakbang lang.

Madaling alisin ang mga ayaw na elemento nang madalian gamit ang Generative Fill. Pililn lang ang object na gusto mong alisin at pagkatapos ay pindutin ang Generate (nang hindi gumagamit ng prompt) para punan ang area ng bagong content na talagang nagbe-blend sa katabing image. O gumamit ng paglalarawan para palitan ang mga estranghero ng bagay na partikular, katulad ng dahon.

At ngayon ay mas puwede mo nang i-customize ang mga resulta mo gamit ang mga feature katulad ng Reference Image — available na ngayon sa Photoshop (beta) app — na gumagawa ng content batay sa sample image na ikaw ang nag-upload.

Gumawa ng isang bagay mula sa wala. 

Ang kailangan mo lang sa pagpuno ng isang blangkong canvas ay ang imahinasyon mo at Text to Image. Magsulat lamang ng paglalarawan na prompt at itakda ang mga style preference mo para gumawa ng bagong scene mula sa simula. Gamitin ito para mabilis na makaisip ng maraming bagong ideya sa loob ng ilang minuto para madali mong matuklas ang pagpipilian ng image at mga direksyon ng creative. Nasa Photoshop (beta) app na ngayon. 

Paano i-edit ang mga larawan gamit ang AI sa Photoshop.

Ginagamit mo man ang Generative Fill at Generative Expand sa Photoshop o tinutuklas ang mga pinakabagong feature ng generative AI sa Photoshop (beta) app, makakagawa ka ng mga kamangha-manghang image sa loob lang ng ilang hakbang kaysa dati.  

Buksan o i-download ang Photoshop.

Kung may Photoshop ka na, buksan ang app. Tiyakin na ito ang pinakabagong bersyon, para makuha mo ang mga pinakabagong feature ng generative AI. Kung wala kang Creative Cloud na mayroong Photoshop, simulan ang isang trial at i-download ang buong bersyon ng Photoshop para subukan nang libre sa loob ng pitong araw. Para subukan ang mga pinakabagong feature ng generative AI, tiyaking i-download ang beta app.

Mag-import ng image. 

Pumunta sa File > Buksan para hanapin at piliin ang file na gusto mong i-import, o pumili ng Bagong file mula sa Home screen ng Photoshop para magbukas ng bagong workspace at pagkatapos ay i-click ang I-import ang image sa Contextual Task Bar.  

Magdagdag at mag-alis ng content. 

Gamitin ang alinmang selection tool para piliin ang anumang bahagi ng iyong image, at pagkatapos ay i-click ang Generative Fill sa Contextual Task Bar at i-type ang isang prompt para palitan ito ng bagong content. O hayaang blangko ang field para alisin ang content.

 

Subukan ang Text to Image sa Photoshop (beta) app para gumawa ng bagong scene mula sa simula.

Gumawa ng bagong background. 

Palitan ang scenery ng iyong subject ng isang bagong background sa pamamagitan ng pagpili ng subject, at pagkatapos ay i-reverse ang selection sa Contextual Task Bar. Mag-type ng prompt ng kung ano ang gusto mong ipalit sa dating background at pinduntin ang I-generate para makita ang mga pagpipilian. 

 

Dagdag pa rito, mag-eksperimento sa bagong Generate Background sa Photoshop (beta) app. I-click ang Generate Background sa Contextual Task Bar at piliin ang pagpipilian na Generate, Color Fill, o Import Image. Gamitin ang I-generate para gumawa ng background mula sa isang prompt, Color Fill para palitan ang background ng bagong hue, at Import Image para palitan ang kasalukuyang background ng image na pipiliin mo.

I-extend ang image. 

Gamit ang Generative Expand para palakihin ang image mo at magdagdag ng bagong content. Piliin ang Crop tool sa toolbar at i-click at i-drag ang kanto o gilid na handle para i-resize ang image mo, at pagkatapos ay i-click ang I-generate sa Contextual task bar para punan ang blangkong space ng bagong content na nagbe-blend sa dati nang image. O maglagay ng prompt bago i-click ang I-generate para iakma ang mga resulta mo.

Pagandahin ang mga resulta mo. 

Puwede mo pang mas i-customize ang mga image sa pamamagitan ng pag-adjust ng prompt mo at pag-generate ng mga bagong variation.

Makakuha ng higit na kontrol sa mga pag-generate mo ng image gamit ang mga bagong feature ng generative AI katulad ng Reference Image, Generate Similar, at Enhance Detail, na available sa Photoshop (beta) app.

Para gamitin ang Referance Image, piliin ang anumang bahagi ng image mo, i-click ang Generative Fill sa Contextual Task bar, at pagkatapos ay i-click ang icon ng Reference Image para mag-upload ng file na may kaugnayan sa gusto mong i-generate, katulad ng jean jacket. Gamitin ang file nang mag isa o isama ito sa isang prompt.

Makakuha ng mas maraming variation sa mga nagawang image na pinakagusto mo gamit ang Generate Similar. I-click ang thumbnail ng paborito mong bersyon — o i-click ang tatlong tuldok na menu sa pinili mong variation sa Properties panel — at pagkatapos ay i-click ang Generate Similar sa Contextual Task Bar para makita ang higit pang halimbawa sa parehong content at estilo.

Kapag nagawa mo na ang image na gusto mo, puwede mong i-click ang Enhance Detail sa Contextual Task Bar na naglalabas ng mas higit na sharpness at detalye.

I-download at ibahagi.

Kapag nasiyahan ka na sa iyong image, pumunta sa File > Export > Export As at pumili ng file type at laki ng image. Puwede ka ring magdagdag ng opsyonal na impormasyon katulad ng metadata. Kapag naitakda mo na ang mga kagustuhan mo, i-click ang Export, piliin kung saan mo gustong i-save ang image mo, at i-click ang I-save. Handa nang ibahagi ang image mo sa social at higit pa. Kailangang i-reformat ang image mo para umakma sa iba't ibang pangangailangan? Gamitin ang Generative Expand para mabilis na ma-adjust ang laki at punan ang complementary content kung saan mo kailangan ito.  

Bago sa Photoshop (beta) app.

Gumawa ng mga scene mula sa umpisa.

Pumunta sa kahit saan na maiisip mo mula sa isang prompt. Gamit ang Text to Image, mabilis kang makakagawa ng mga custom na likha na naglalaman ng kahit ano mula sa mga tao hanggang sa mga lugar, at higit pa.

Mabilis na magdagdag ng bagong background.

Huwag nang mag-photoshoot at gumamit na lang ng Generate Background. Magdagdag o magpalit ng background na tumutugma sa mga ilaw, anino, at perspective ng iyong subject sa loob lang ng ilang hakbang, mula sa Contextual Task Bar. 

Magkaroon ng mas mahusay na kontrol sa mga resulta ng image mo.

Bibigyan ka ng Reference Image ng mas nababagay na mga resulta ng generative AI. Mag-upload ng isang image ng leather jacket gamit ang iyong Generative Fill prompt, o isang landscape kapag gumagamit ng Generative Expand para lamang sa hitsura na gusto mo.

Gumawa ng mga variation ng mga paboritong image.

Magsimula sa isang text prompt at piliin ang paborito mong resulta mula sa mga opsyon para gamitin bilang reference gamit ang Generate Similar. I-click para mag-iterate sa mas maraming variation na may kaparehong content o estilo hanggang sa makita mo ang gusto mo. 

Pagandahin ang kalidad ng image. 

Binibigyan ka ng Enhance Detail ng opsyon na dagdagan ang sharpness at detalye ng mga likha mo sa Generative Fill. Makakuha ng mga de-kalidad na resulta na maganda at nagbe-blend nang mas mahusay sa stock-quality na mga image.

Alamin pa ang tungkol sa lahat ng bagong feature sa Photoshop.

Higit pang tool sa Photoshop na pinapagana ng AI.

Napakarami pang tool sa Photoshop na nakakapagpabilis at nakakapagpadali ng trabaho gamit ang kakayahan ng AI. Narito ang ilan:

  • Remove Tool: Palitan ang mga hindi gustong bahagi sa image mo ng parehong content sa pamamagitan lang ng pag-brush sa gusto mong alisin.
  • Curvature Pen tool: Walang kahirap-hirap na gumuhit ng mga tuwid na linya at smooth na curve, at pagkatapos ay baguhin ang mga ito.
  • Match Font: Humanap ng mga tugma para sa mga font na gusto mo sa mga image o larawan mo.
  • Preserve Details 2.0: Mag-resize ng mga image nang hindi nagdudulot ng pagbabago sa mahahalagang detalye at texture.
  • Sky Replacement: Baguhin ang langit sa image mo sa ilang click lang at awtomatikong ima-mask at ibe-blend ng Photoshop ang kapalit nito.
  • Object Selection tool at Refine Edge: Gumawa ng mga precise na selection at mask nang walang kahirap-hirap.
  • Mga Neural Filter: Gawing ilang click lang ang malalaking workflow gamit ang library ng mga filter na pinapagana ng machine learning.

May mga tanong? Mayroon kaming sagot.

Ang pag-edit ng larawan ng Generative AI ay isang proseso kung saan makakagawa at makakapag-ayos ka ng mga image gamit ang mga tool na gumagamit ng artificial intelligence para tapusin ang task. Para simulan ang proseso ng pag-edit, karamihan sa mga tool na ito ay nangangailangan ng prompt na naglalarawan sa content na gusto mong gawin, katulad ng “pulang beret” o “malagong parke sa lungsod na puno ng mga turista, puno, at aso.” Pagkatapos ay gagamit ang tool ng mga algorithm at malalaking dataset para gumawa ng mga output na hawig sa paglalarawan. Kabilang sa mga halimbawa nito ay ang web app ng Adobe Firefly at mga feature na pinapagana ng Firefly sa Photoshop, katulad ng Generative Fill at Generative Expand. Ang pag-edit ng larawan ng Generative AI ay maaaring kinabibilangan ng mga task katulad ng paggawa ng mga bagong image, pagdaragdag o pag-alis ng content mula sa mga dati nang image, pagpalit ng background, pagpapalawak ng image, at marami pang iba.

Maraming mga pakinabang ang mga gumagamit ng mga photo editor ng generative AI. Puwede mong gamitin ang mga photo editor ng generative AI para gawing awtomatiko ang paulit-ulit at maraming hakbang na pag-edit na task na mas matrabaho kaysa sa creative work. Gamitin ang mga ito para mabilis na baguhin ang laki ng mga image para sa iba't ibang format at upang palawakin ang mga hangganan ng mga image o upang magdagdag ng mga bagong elemento sa mga larawan, para makatipid ng oras sa paghahanap para sa perpektong larawan sa isang stock image repository. Puwede mong gamitin ang mga photo editor ng generative AI para mag-isip at maghanap ng inspirasyon. Maaaring masurpresa ka sa output mula sa mga prompt mo, na magdadala sa iyong gawa sa bagong direksyon. Puwede mong hayaang tumakbo ang iyong imahinasyon, mag-eksperimento sa mga prompt, baguhin ang mga dati nang ginamit, at tuklasin ang mga resultang makukuha mo.

Hindi libre ang Photoshop, pero puwede kang mag-sign up para sa isang libreng trial at subukan ang buong bersyon ng app, kabilang ang mga feature ng pag-edit ng larawan ng generative AI katulad ng Generative Fill at Generative Expand, sa loob ng pitong araw. O subukang mag-edit ng mga image gamit ang libreng bersyon ng Adobe Firefly web app.

Dahil nakakatulong ang pag-edit ng larawan ng generative AI na paikliin ang dami ng oras na kinakailangan upang maisagawa ang mga pangunahing task sa pag-edit tulad ng pagpapalawak ng mga hangganan ng isang image, pag-resize at pag-retouch ng mga larawan, at higit pa, hindi mo lang matatapos ang mga pag-edit na ito sa mas maikling oras kaysa dati, ngunit maaari mo ring gamitin ang oras na natipid mo para sa creative work. At ang paglarawan ng larawan ng generative AI ay hindi lang para sa mga nagtatrabaho sa pag-edit ng mga larawan — maaari itong maging malaking tulong sa mga may-ari ng maliliit na negosyo, social media marketer, project manager, at iba pa na kailangang gumawa at mag-edit ng mga larawan para sa kanilang trabaho ngunit walang malaking badyet para sa larawan.

Dinisenyo ang Generative Fill at Generative Expand upang maging ligtas sa komersyal na paggamit. Makakatulong ito na matiyak na mas mapapaunlad mo ang creativity mo, nang may kumpiyansa dahil mong ang kasalukuyang generative AI model ng Firefly ay sinanay sa content na may lisensya, katulad ng Adobe Stock, at content sa pampublikong domain kung saan ang copyright ay nag-expire na. Habang available na magagamit ang mga feature ng generative AI sa Photoshop (beta) app, ang content na ginawa sa Photoshop (beta) app ay hindi puwedeng gamitin para sa komersyal na paggamit.

Kumuha ng detalyadong mga panuto dito.

Tuklasin pa ang tungkol sa AI, Photoshop, and Firefly.

I-explore ang lahat ng puwede mong gawin sa Photoshop.

Mag-edit ng mga larawan, magdagdag ng kulay, magbura ng mga bagay na ayaw mo, gawing nakakapanabik ang nakakabagot na background, at marami pang iba.

Subukan ang Firefly sa web.

I-explore ang generative AI sa browser mo gamit ang mga model ng Generative Fill, Text to image, at Text effect.

I-share ang artikulong ito