5. Pagsama-samahin ang maraming layer para gumawa ng background.
Kapag fina-flatten mo ang mga layer sa Photoshop, mine-merge mo ang ilang nakikitang layer sa isang background layer. Para gawin ito, siguruhing nakikita ang lahat ng layer na gusto mong i-flatten, at piliin ang Layers › Flatten Image mula sa menu.
Tandaan na ang pag-merge ng mga layer ay tinatawag na "destructive" o nakakasirang pamamaraan sa pag-edit. Hindi mo na ito mababago kapag tapos ka na. Tiyaking iba-backup mo ang mga layer mo kung gusto mong gamitin ulit ang mga ito.