MGA FEATURE NG PHOTOSHOP

Gamitin ang mga paborito mong edit na parang mga filter lang sa Mga Preset ng Adobe Photoshop.

Tuklasin kung paano magdagdag ng mga kumplikadong edit sa mga proyekto gamit ang mga mala-filter na shortcut na tinatawag na Mga Preset, at i-explore ang Mga Preset sa Pag-adjust, ang pinakabagong makakapagpabilis ng workflow.

Makahanap ng mga look na gusto mo sa ilang hakbang lang gamit ang Mga Preset sa Pag-adjust.

Magdagdag ng filter sa iyong mga larawan at image sa Photoshop nang walang kahirap-hirap gamit ang bagong Mga Preset sa Pag-adjust. Ang Mga Preset ng Photoshop ay mga tool at sequence ng edit na pwede mong gawin o i-import na nagpapabilis sa gawain sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pagbabago at effect sa ilang click lang. Mas pinasimple pa ng Mga Preset sa Pag-adjust ang proseso ng pag-edit ng image sa pamamagitan ng bagong menu ng mga filter.

Magagandang edit, mas kaunting trabaho.

Makatipid ng oras sa pamamagitan ng pagsisimula sa isang nakakamanghang filter mula sa panel na Mga Preset sa Pag-adjust sa halip na manual na baguhin ang dose-dosenang adjustment slider para mag-edit mula sa simula.

Tingnan ito, pagkatapos ay piliin ito.

Makita ang hitsura ng Mga Preset bago mo baguhin ang hitsura ng iyong mga image. Mag-hover sa mga opsyong naaangkop para sa mga portrait, landscape, at marami pa sa panel na Mga Preset sa Pag-adjust para i-preview ang lahat ng ito.

Pumili ng Mga Preset para sa bawat mood.

Pumili sa mahigit 30 Preset sa Pag-adjust mula sa malikhaing Color Pop at sa cinematic na Split Tone hanggang sa mga opsyon sa pag-repair ng larawan tulad ng Warm Contrast at mga variation sa mga black and white na image. Gamitin ang bawat isa sa isang click lang.

Pagandahin pa ang mga edit.

Mag-personalize ng anumang Preset sa Pag-adjust hanggang sa gusto mo. I-edit ang mga partikular na adjustment ng Preset sa panel na Mga Layer at gawin itong iyo.

Magdagdag ng istilo sa iyong mga image sa ilang hakbang lang gamit ang Filter na Camera Raw.

Makaka-access ka pa ng mga mala-filter na Preset gamit ang Filter na Camera Raw sa Photoshop.

Magdagdag ng istilo sa iyong mga image sa ilang hakbang lang gamit ang Filter na Camera Raw.

I-preview ang iyong Mga Preset.

Tingnan kung ano ang hitsura sa kahit anong image ng mas marami pang libreng Preset. Pumunta sa Filter na Camera Raw at piliin ang icon ng Mga Preset para tingnan ang lahat ng ito. I-scroll ang iyong cursor sa bawat isa para i-preview ang mga adjustment sa gawa mo.

Gawing perpekto ang iyong sariling Mga Preset.

Gawing Mga Preset ang iyong mga paboritong sequence ng edit para magamit mo ang mga ito kahit kailan at kahit saan. Gawin ang iyong mga pag-edit sa Filter na Camera Raw, piliin ang icon ng Mga Preset, at i-click ang icon ng Gumawa ng Preset.

Magdagdag ng mas marami pang opsyon sa Preset.

Pwede mong ilagay sa gawa mo ang Mga Preset na ginawa ng mga creative mula sa iba't ibang panig ng mundo. Kapag nasa iyo na ang file ng Preset, piliin lang ang ellipsis menu sa Mga Preset at mag-scroll pababa sa Mag-import ng Mga Profile at Preset.

I-export at i-share ang iyong Mga Preset.

Sa pamamagitan ng pagbabago sa kasalukuyang Preset o pagsisimula sa umpisa, pwede kang mag-save ng isang serye ng mga edit para i-share o ibenta bilang sarili mong gawa. Kapag nakuha mo na ang look na gusto mo, pindutin ang ellipsis menu sa Filter na Camera Raw at piliin ang I-save ang Mga Setting.

I-share ang artikulong ito

Adobe Photoshop

Mas maraming magawa sa Adobe Photoshop.

Tumuklas pa tungkol sa Photoshop at Mga Preset.

Sumubok ng mas marami pang paraan para i-adjust ang iyong mga image gamit ang mga tutorial na ito.

Tingnan ang Mga Layer at Preset sa Pag-adjust.

Tingnan ang Mga Layer at Preset sa Pag-adjust.

Tumuklas pa tungkol sa Mga Preset sa Pag-adjust at i-explore kung paano ka matutulungan ng Mga Layer sa Pag-adjust na mag-edit ng mga image sa Photoshop.

Gawing sakto ang lighting mo.

Gawing sakto ang lighting mo.


Pagandahin ang contrast at brightness ng mga larawan sa pamamagitan ng tutorial na ito tungkol sa pag-adjust ng lighting ng larawan gamit ang Mga Level.

Maraming magawa sa Mga Layer.

Maraming magawa sa Mga Layer.


Tuklasin kung paano i-resize ang mga content ng isang layer, magdagdag ng mga image sa isang naka-layer na file, at marami pang iba sa Photoshop.

Magdagdag ng kulay sa artwork.

Magdagdag ng kulay sa artwork.


I-explore kung gaano kadaling mag-eksperimento sa kulay at i-edit ang mga pinili mo nang hindi nasisira ang mga ito gamit ang Mga fill layer.

Hanapin ang Creative Cloud plan na angkop para sa iyo.

Photography (20GB)

    

Lightroom para sa desktop, mobile, at web kasama ng Lightroom Classic at Photoshop sa desktop at iPad.
Alamin pa

Adobe Photoshop Single App

Kunin ang Photoshop sa desktop at iPad bilang bahagi ng Creative Cloud.
Alamin pa

Creative Cloud All Apps

₱1,495.00/buwan ₱2,642.00/buwan

Lahat ng mga feature ng Photoshop, Illustrator, at higit sa 20 na Creative Cloud apps para sa graphic design, photography, pag-edit ng video, at web content. Tignan ang mga kundisyon 
Tignan kung ano pa ang kasama | Alamin pa

Mga estudyante at guro

₱2,642.00/buwan ₱797.00/buwan

Cyber Monday: Makatipid ng mahigit 65% sa Creative Cloud All Apps. Sa unang taon lang. Matatapos sa Dis 3.
Tingnan ang mga tuntunin | Alamin pa

Bumili sa pamamagitan ng telepono: +65 3157 2191