I-mix at i-master ang bawat proyektong audio.
Gamitin ang paborito mong gear.
Sa Audition, pwede mong gamitin ang kahit anong hardware o plug-in na gusto mo. Gumagana ang pang-edit ng audio sa lahat ng mga ito, kaya hindi mo kailangang isuko ang paborito mong gear para magkaroon ng magandang mix.
I-streamline ang pag-edit mo ng audio.
Sa Adobe Sensei, gamitin ang function na pag-remix para awtomatikong i-edit ang musika sa haba na kailangan mo. O, i-adjust sa dynamic na paraan ang volume sa musika o dialogue gamit ang autoducking tool.
Kontrolin ang audio mo.
Hanapin ang tunog mo gamit ang mga nako-customize na kontrol. Gumawa ng mga naka-layer na komposisyon gamit ang Multitrack editor o i-adjust ang amplitude ng audio gamit ang Waveform editor.
Alisin ang white noise.
Alisin sa isang audio track ang mga beep, hiss, at ingay sa background gamit ang Spectral Frequency Display, at magsimulang mag-edit ng mga sound wave sa visual na paraan.
Abutin ang perpektong note gamit ang audio mo.
Gawing pulido ang bawat track.
Bilang bahagi ng Creative Cloud, binibigyang-daan ka ng Audition na magdagdag ng na-master na audio sa iba pang proyekto sa Adobe Premiere Pro nang walang kahirap-hirap. Kaya, madaling magtagumpay kahit sa pinakamahihirap na proyekto mo.
I-edit ang audio na tumatatak.
Gamit ang mahigit 50 effect at tool sa pagsusuri, binibigyan ka ng Audition ng kumpletong kontrol sa pag-mix mo ng audio. Makuha ang eksaktong tunog na gusto mo at pahangain ang audience mo gamit ang namumukod-tanging tunog.
I-master ang tunog mo gamit ang mga tip na ito.
Magdagdag ng mga audio effect.
Mag-edit ng audio nang tumpak at magdagdag ng mga custom na effect sa soundtrack mo gamit ang tutorial ng Audition na ito.
Gawin ang perpektong soundtrack.
I-optimize ang pag-edit mo ng audio gamit ang tutorial na ito at alamin kung paano mag-edit ng mga proyekto mula sa Premiere Pro sa Audition.