Pagandahin ang audio mo gamit ang tamang podcast software.
Mag-adjust ng mga antas para sa magagandang tono.
I-adjust ang mga recording mo gamit ang mga tool sa pag-edit ng Panel ng Essential Sound. Pwede mong alisin ang mga beep, hiss, at iba pang hindi gustong ingay para makuha ang pinakabanayad na tunog.
Mag-mix ng dating sa audio.
Mag-access ng organisadong library ng mga sound effect na walang royalty para magdagdag ng sariling katangian o propesyonal na dating sa mga podcast mo.
Mag-capture ng maraming speaker nang walang kahirap-hirap.
Simple lang ang pagsisimula ng podcast sa Audition. Pumili lang ng template ng podcast, at pagkatapos ay magse-set up ang program ng multitrack na pag-record para pwede kang mag-mix at magkontrol ng iba't ibang boses.
I-edit ito sa paraang gusto mo.
Bigyan mo ang sarili mo ng mga pagpipilian gamit ang Audition. Gumawa sa mga pang-edit ng Waveform o Multitrack para sa mas kumpletong pag-edit ng audio ng podcast.
Lagyan ng brand at ibenta ang podcast mo.
Bigyan ng pagkakakilanlan ang podcast mo sa social media gamit ang Creative Cloud All Apps plan. Gamit ang access sa Audition, Adobe Photoshop, Adobe Express Post, Adobe Illustrator, at Adobe Premiere Rush, makakagawa ka ng mga visual at mga materyal na babagay dito para i-promote ang podcast mo.
Paano gumawa ng podcast.
Tumuklas ng mga tip sa pag-record ng podcast.
Kunin ang lahat ng pangunahing kaalaman — mula sa multitrack na pag-record hanggang sa pagdaragdag ng mga elemento ng musika at pag-export sa file mo — sa step-by-step na gabay na ito.
Bumuo ng mga bagong kasanayan sa pag-edit.
Linangin ang mga kakayahan mo sa paggawa ng podcast gamit ang mga kapaki-pakinabang na tip sa pagpili para sa metikulosong pag-edit ng audio.
I-master ang pag-mix ng audio.
Pahusayin pa ang mga kakayahan mo sa pag-edit sa tulong ng tutorial na ito sa kung paano gamitin ang panel ng Essential Sound — ang pinakamagandang pang-mix ng audio para sa mga podcast.