Kunin ang pansin gamit ang 3D.
Mas magiging kapansin-pansin sa shelf ang packaging mo kapag sa Dimension ka nag-design ng mga produkto mo. Sa ilang hakbang lang, magkakaroon ka ng mga realistic na rendering na palaging nakakamangha.
Magdagdag ng depth.
Maging simpleng cereal box man ito o isang stylized na bote ng wine, bigyang-buhay ang prototype ng produkto mo sa pamamagitan ng pag-compose, pag-adjust, at pag-render ng mga photorealistic na 3D image gamit ang Dimension.
Magtrabaho nang mabilis at mahusay.
Huwag nang mag-aksaya ng oras sa pagtatantya ng mga 3D image sa ibang design software sa pamamagitan ng paggawa ng mga mockup ng box at packaging ng pagkain sa ilang hakbang lang.
I-customize ang packaging mo.
Mag-overlay ng mga 2D decal at graphics sa mga 3D object para mabilis na mag-mock up ng packaging ng produkto at para maiparating ang mga ideya mo sa design sa mga kliyente at katrabaho.
Huwag nang mag-photoshoot.
Kalimutan na ang paghahanda ng mga mamahaling photoshoot para makunan ng mga larawan ang packaging ng produkto. Sa Dimension, madali kang makakagawa ng mga layout ng eksena at mga photorealistic na rendering para i-market ang anumang produkto.
Bigyang-buhay ang design.
Gawing bukod-tangi ang mga design ng packaging gamit ang mga versatile na tool at template ng Dimension.
Liwanagan ang bawat shot.
Ang mga lighting tool ng Dimension ay nakamodelo sa pisikal na lighting sa tunay na buhay para maibigay sa iyo ang pinaka-realistic na pagkaka-render para sa anumang packaging.
Kumonekta sa cloud.
Sa integration sa Adobe Creative Cloud, makakapag-sync ka sa lahat ng iba mo pang proyekto. At makakapagsimula ka kaagad sa design mo gamit ang mga nako-customize na 3D asset ng Adobe Stock.
Paano mag-design ng packaging ng produkto.
Sundin ang mga napakadaling hakbang na ito at mabilis na makagawa ng mga custom na design ng packaging para sa anumang proyekto.
- Magsimula:
I-download ang mga asset na kailangan mo. - Ilatag ito:
Ayusin at ilagay ang mga 3D asset. - Idisenyo ito:
Piliin kung aling mga graphic element ang gusto mong isama sa shot. - I-customize ito:
Mag-import at maglagay ng mga decal sa package mo. - I-shoot ito:
I-adjust ang perspective at blur ng camera para makuha ang pinakamagandang shot. - I-ship ito:
I-render ang eksena gamit ang iba't ibang bookmark ng camera.
Magamay ang third dimension.
Sundin ang mga tutorial na ito at maghandang gumawa at mag-render ng mga nakakamanghang shot ng packaging ng produkto.
Magsimula sa mga pangunahing kaalaman.
Alamin kung paano magdagdag at mag-import ng mga 3D model sa Dimension, at pagkatapos ay gamitin ang mga ito bilang mga template para sa naka-personalize na packaging ng produkto.
Huwag magmadali.
Alamin ang proseso ng paggawa ng mga mabilis at magandang mockup ng 3D packaging sa Dimension, at mag-explore ng ilang tips at tricks habang inaalam ito.
Gawing detalyado ang portfolio mo.
Tingnan kung paano ginamit ng artist na ito ang Dimension para makakuha ng mga custom na shot ng produkto na pwedeng ilagay sa kahit anong design portfolio.
Magsimula sa paghahanap.
Tuklasin kung paano maghanap, mag-import, at gumamit ng mga asset ng Stock sa Dimension. Ang mga nako-customize na object na ito ay madaling gamiting batayan para sa anumang design ng packaging ng produkto.