Pagbibigay ng kakayahan sa creativity. Naghahatid ng tagumpay ng estudyante.
Tingnan kung paano inihahanda ng mga higher education institution ang mga graduate para sa digital-first world sa tulong ng Adobe.
Adobe x Civitas
Ine-explore ng Adobe at Civitas, na tahanan ng patakaran sa higher education kung paano ile-level up ng mga unibersidad ang mga kasanayan ng estudyante. Tuklasin ang mga inaasahan ng estudyante para sa pagbuo ng mga digital at propesyonal na kasanayan at kung paano binabago ng ilang institusyon ang kanilang estratehiya sa pagtuturo.
Tinutulungan kang matugunan ang mga pangangailangan ng nagbabagong sektor.
Nagbabago ang landscape ng higher education, at gumagamit ang mga institusyon ng mga bagong anyo ng edukasyong nakasentro sa estudyante gamit ang mga hybrid at blended na learning model. Kailangan ng mga mag-aaral ng mga kasanayan, kaalaman, at mindset na magbibigay sa kanila ng kakayahan na magtagumpay sa nagbabagong digital world
Sa pag-integrate ng mga produkto ng Adobe sa buong curriculum, puwede mong i-transform ang diskarte mo sa pagtuturo at tulungan ang mga estudyante mo na mapaunlad ang kanilang creativity at digital literacy—mga kasanayang kailangan nila para magtagumpay sa modernong ekonomiya.
- PROFESSOR MARK SIMPSON, PRO VICE CHANCELLOR (LEARNING AND TEACHING)
- PROFESSOR KAREN HEARD-LAURÉOTE, HEAD OF LEARNING & TEACHING
- CLARE DYSON, ASSOCIATE PROFESSOR DIGITAL LITERACIES
https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/product-icons/svg/creative-cloud-64.svg| Creative Cloud
Paano napapakinabangan ng mga estudyante ang Adobe Creative Cloud.
Hindi lang isang set ng mga app ang Creative Cloud na nangunguna sa market para sa paggawa ng digital na content at pakikipagkomunikasyon. Isa itong komprehensibong platform na nagbibigay ng mga makabagong paraan ng pag-aaral, na pinapayagan ang mga estudyante mo na ipakita ang kanilang kaalaman, kasanayan, at passion sa mga nakakaengganyong paraan.
I-boost ang pakikilahok ng estudyante.
Sa pagbibigay sa mga estudyante ng mga tool para ipahayag ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng mga nakakaengganyong digital experience tulad ng mga infographics, website, video, at 3D at AR na content, mahihikayat mo silang mag-aral at matutulungan silang humusay sa kanilang coursework.
Pahusayin ang mahahalagang soft skill.
Habang natututong ipahayag ang kanilang sarili gamit ang iba't ibang digital media, makakapagsanay ang mga estudyante sa mga soft skill na pinakagusto ng mga employer: pakikipagkomunikasyon, critical thinking, malikhaing paglutas ng problema at collaboration.
Gumawa ng mga self-starter.
Binibigyan ng Creative Cloud ang mga estudyante ng kasanayan at kumpiyansa habang pinapahusay nila ang kanilang mga kakayahan sa pagkukuwento, bumubuo ng mga real-world na digital na kasanayan, at nakakakuha ng karanasan sa paglutas ng mga isyu sa pakikipagkomunikasyon.
I-reimagine ang coursework gamit ang Creative Cloud.
Gumagawa man ang mga estudyante mo ng mga brochure para mag-present ng historical research, mga animation para magpakita ng mga scientific concept, o mga video para maghatid ng mahahalagang tugon sa panitikan, magiging mahuhusay silang communicator. Tingnan ang ilang natatanging proyekto ng estudyante na ginawa gamit ang Creative Cloud.
Pagsusuri sa Brand Equity na Patagonia
Inatasan si Sarunporn na talakayin at suriin ang equity ng isang brand. Ine-explore ng proyektong ito ang isang sustainable na outdoor clothing brand at may mahahalagang konsepto at modelong itinuro sa kabuuan ng kanyang Brand Strategy module. Ginawa niya ang nakakaengganyong video na ito gamit ang Adobe Illustrator at After Effects.
Ang Magstripe Card
Inatasan si Eugenie na i-present ang trajectory ng electronic payment system, kung saan maipapakita ang innovation na nagsakatuparan nito. Ginamit niya ang lahat ng kakayahan ng Adobe InDesign, Illustrator, at iba pang Creative Cloud app para ilahad ang nakaraan, kasalukuyan, at potensyal na hinaharap ng electronic money.
Broadcast Journalism: Isang kritikal na pagsusuri
Inatasan si Leila na gumawa ng isang editorial na article, sa anyong standard essay at may format para i-print habang tinitiyak na walang aberyang magkasya sa isang screen ang disenyo nito. Gamit ang InDesign, mahusay niyang ipinakita kung paano nakakatulong ang mga kulay, image, at typeface sa pagkukuwento sa kasalukuyang digital-first na society.
Mga Delikadong Dolphin
Inatasan si Kevin na ilarawan kung paanong malamang na maging extinct ang mga river dolphin kung hindi matutugunan ang mga isyung pangkapaligiran. Gumawa siya ng mga custom infographics gamit ang Adobe Photoshop, InDesign, at Illustrator para ipakita ang mga kasalukuyang panganib sa mga hayop na naninirahan sa Ganges river.
Simbolismo ng Hayop sa mga Renaissance Painting
Gawain ni Emily na tuklasin ang mga kahulugan ng simbolismo ng hayop na nakatago sa mga artwork noong Renaissance. Pero sa halip na isang simpleng presentation, gumawa siya ng bagay na "puwedeng i-click at nakakaaliw." Gamit ang Photoshop, Illustrator, at Adobe XD, ginawa niyang isang interactive web experience ang pag-explore ng artwork.
App Design ng PEAS
Inatasan si Oluwatosin na magdisenyo ng app na makakatulong sa pakikipagkomunikasyon ng National Health Service. Ginamit niya ang XD para idisenyo ang iba't ibang interface at gumawa ng user-friendly platform.
The Parthenon Marbles
Inatasan si Victoria na gumawa ng learning journal at essay bilang bahagi ng kanyang module na “Introduction to Gallery and Museum Studies”. Gumawa siya ng visual representation ng The Parthenon Marbles sa tulong ng Photoshop, Illustrator, at Adobe Capture.
I-explore ang mga creativity app at design app ng Adobe.
Gusto man nilang mag-edit ng mga larawan, gumawa ng mga video, gumawa ng mga presentation, o magdisenyo ng infographics, app, o website, nagbibigay ang mga creativity at design app ng Adobe sa mga estudyante ng mga tool at kalayaan na ipahayag ang kanilang mga ideya habang bumubuo ng 21st century skills.
- Mga Top Pick
- Video
- Photography
- Print at Publishing
- Drawing at Illustration
- 3D & AR
- Pamamahala ng Dokumento
Makakakuha rin ang mga higher education institution na bibili ng {{creative-cloud-pro}} ng Substance Stager, Painter, Designer, at Sampler nang walang dagdag na bayad.
Kuwalipikado ang mga estudyante at guro sa mga higher education. institution sa libreng license para sa Substance Modeler, Stager, Painter, Designer, at Sampler. Alamin pa.
Kasalukuyang hindi available ang mga Substance app para sa mga K–12 na paaralan, estudyante, o guro.
https://main--cc--adobecom.aem.page/cc-shared/assets/img/creativecloud/buy/education/creative-campus-logo-200x196.svg | Logo ng Adobe Creative Campus
Tuklasin ang mga benepisyo ng pagiging Adobe Creative Campus.
Binibigyang-pansin ng programang Adobe Creative Campus ang mga nangungunang kolehiyo at unibersidad sa buong mundo na kumikilala sa kahalagahan ng pagtuturo ng digital literacy sa higher education. Tuklasin ang mga benepisyo ng pagsali.
Magagawa ng mga academic leader na...
- Maghatid ng tagumpay ng estudyante gamit ang digital literacy.
- Gawing naiiba ang kanilang mga paaralan sa pamamagitan ng pagsusulong sa digital literacy.
- Makakuha ng mga oportunidad na makipag-collaborate sa iba pang innovative leader sa higher education.
- Sumali sa mga event ng Adobe Creative Campus Collaboration, mga webinar ng Digital Literacy Café, at iba pa.
Alamin pa
Magagawa ng mga miyembro ng faculty na...
- Maghatid ng tagumpay ng estudyante gamit ang digital literacy.
- Gawing naiiba ang kanilang mga paaralan sa pamamagitan ng pagsusulong sa digital literacy.
- Makakuha ng mga oportunidad na makipag-collaborate sa iba pang innovative na leader sa higher education.
- Sumali sa mga event ng Adobe Creative Campus Collaboration, mga webinar ng Digital Literacy Café, at iba pa.
Magsimula na
Magagawa ng mga estudyante na...
- Mas malalim na makibahagi sa kanilang pag-aaral habang gumagawa sila ng mga proyekto tulad ng mga podcast at documentary.
- Matuto ng mga kasanayan sa nakakahikayat na pakikipagkomunikasyon.
- Makibahagi sa mga Adobe Creative Jam at iba pang event para makabuo ng mga kasanayan para sa career.
- Mabilis na matuto sa tulong ng suporta sa campus mula sa mga Student Ambassador ng Adobe.
- Magtapos na may mga visual, audio, at storytelling skill na makakatulong para makakuha sila agad ng trabaho.
I-explore ang mga resource | Article - Hubugin na ang kinabukasan mo gamit ang Adobe Creative Cloud
Alamin ang tungkol sa aming mga partnership sa unibersidad.
Nakikipag-partner ang Adobe sa mga paaralan na aktibong nakikibahagi sa pagbabago ng kanilang sining ng pagtuturo. Panoorin ang aming mga case study video para alamin pa.
Tingnan ang pinakabago mula sa Adobe Education team.
Mula sa mga training course hanggang sa mga academic research at report, marami kaming resource para tulungan ang mga guro at school leader na maging updated sa pinakabagong ideya sa digital literacy.
Pagpapaunlad ng Digital Literacy
Tinutulungan ng kursong ito ang mga guro at school leader na alamin pa ang tungkol sa mga benepisyo ng digital literacy at paano ito i-integrate sa buong curriculum.
Report ng Get Hired
Tuklasin ang kahalagahan ng creativity at mga soft skill para sa tagumpay sa workforce sa hinaharap.
Brochure ng Creative Campus
Alamin pa ang tungkol sa mga benepisyo ng pagiging Adobe Creative Campus.
Creative Cloud for Enterprise
Tingnan kung ano ang kasama sa aming mga enterprise plan, at makakuha ng overview tungkol sa lahat ng paraan na mababago ng mga creative app ng Adobe ang paraan ng pag-aaral ng mga estudyante mo.
I-download ang PDF | I-download ang PDF - Creative Cloud para sa Enterprise
Report ng Digital Literacy sa Higher Education
Tuklasin ang best practices sa pagpapahusay ng digital literacy para mapataas ang pakikilahok ng estudyante at mapahusay ang career prospects sa lalong madaling panahon.
I-download ang PDF | I-download ang PDF - Report ng Digital Literacy sa Higher Education
Adobe Education Exchange
Ginawa ng mga guro para sa mga guro, isa itong libreng platform sa pag-aaral na nagbibigay ng agarang access sa propesyonal na pagpapaunlad at mga materyal sa pagtuturo.
Ang demand para sa digital literacy.
Tuklasin kung bakit mahalaga para sa mga modernong unibersidad ang pagbibigay-daan sa digital literacy.
I-download ang PDF | Ang pangangailangan para sa digital literacy