Gumawa ng katangi-tanging resume para mamukod-tangi sa lahat.
Mahirap maghanap ng pinakaangkop at malikhaing template ng resume. Pwede kang tulungan ng InDesign na gumawa ng custom na layout para mamukod-tangi ka sa iba pang naghahanap ng trabaho.
Magsimula sa content.
Mag-sketch ng ilang opsyon sa pag-layout.
Pumili ng font at mag-set ng hindi hihigit sa tatlong character o istilo ng paragraph.
Ilagay ang text at magdagdag ng mga simpleng graphic element.
Sulitin ang mga tool na ito mula sa Adobe Creative Cloud.
Magka-access sa mga tool na pwede mong gamitin para magmukhang ginawa ng propesyonal na graphic designer ang resume mo.
Hanapin ang tamang font.
Pumili sa mahigit 17,000 de-kalidad na Adobe Fonts para gawing maayos at madaling unawain ang impormasyon mo. Ang madadaling basahing font style ang nagpapahusay sa magandang resume.
Mas pagandahin ito gamit ang Adobe Stock.
Gamit ang mga asset sa Stock, mabilis kang makakahanap ng inspirasyon. Gumamit ng image sa Stock bilang header graphic o gamitin ang Stock para maghanap ng template ng resume na pinakamainam gamitin para ipakita ang karanasan mo sa pagtatrabaho.
Paano magdisenyo ng resume.
Creativity at ang mga simpleng hakbang na ito lang ang kailangan para matutong gumawa ng custom na resume sa InDesign para matulungan kang makuha ang bagong trabahong iyon.
- Isulit ito:
Isulat ang content ng resume mo. - I-sketch ito:
Mano-manong mag-sketch ng iba't ibang opsyon sa pag-layout para makita kung alin ang pinakaangkop sa content. - Gawin ito:
I-set up ang dokumento mo at hatiin ang content sa mga column gamit ang mga grid. - Baguhin ito:
Sumubok ng iba't ibang font at kulay para matiyak na malinis at propesyonal itong tingnan. - I-share ito:
I-print ito, i-export ito sa PDF format, o i-publish ito online para iparating ang kwento mo.
Mag-explore ng mga tutorial sa pagdisenyo ng resume.
Tingnan ang mga online na resource na ito sa pagbuo ng resume at gumawa ng resume na magpapamangha sa mga recruiter at potensyal na employer.
Tumuklas ng mga pangunahing kaalaman sa pagdisenyo ng resume.
Magsimula sa halimbawa ng resume at alamin kung paano magdisenyo ng propesyonal na resume na makakatulong sa anumang aplikasyon sa trabaho.
Lumipat sa digital gamit ang interactive na resume.
Mas pagandahin ang classic na format ng resume sa interactive na online na bersyon na nagpapakita ng mga kakayahan, creativity, at karanasan mo.
Magsimula gamit ang mga libreng template ng resume.
Kunin ang atensyon ng hiring manager sa tulong ng maganda at nako-customize na template ng resume sa InDesign.