Gawing mukhang hindi makatotohanan ang makatotohanan sa mga dreamy na larawan.

Hindi lang kinukuha ng photography kung ano ang nasa harap ng lens. Tulad ng lahat ng media, pwede rin itong maging interpretive at artistic. Maipapamalas ng mga larawan ang vision at pananaw ng partikular na creator, na posibleng may kaugnayan sa pagtatampok ng mga subject na ethereal, mahiwaga, o hindi kapani-paniwala.

Maraming paraan para gawing mukhang mula sa panaginip o fantasy ang isang larawan. Narito ang ilang go-to na paraan para gawing mukhang nagmula sa mundo ng imahinasyon ang mga image.

Isang tila panaginip na larawan ng isang tanawin ng disyerto.

Lighting na parang panaginip.

Pwedeng maging tulay sa pagitan ng panaginip at totoong buhay ang isang shadow na mahusay ang pagkakalagay. Ang golden hour ay isang magandang oras para sa mga nakakaakit na image, at mabibigyan ng mga twinkle light ng bokeh effect ang mga image.

Mga dreamy na lokasyon.

Pwedeng magmukhang malapantasya ang mga gubat, bukid, at iba pang outdoor na lokasyon, lalo na sa liwanag ng bukang-liwayway o dapit-hapon. Mapapaganda ng mga wastong pamamaraan sa post-processing ang ganitong dating.

Isang dreamy photo ng isang kagubatan.
Isang double-exposure na larawan ng isang tao at isang paglubog ng araw.

Mga double exposure.

Hindi kailangang sumunod ng mga panaginip sa mga batas ng pang-araw-araw na realidad. Pwedeng umiral ang dalawang bagay nang magkasabay, sa iisang espasyo. Mag-compse ng mga double exposure para gumawa ng juxtaposition na parang panaginip.

Mag-explore ng mga pambihirang preset.

Tumingin ng mga built-in na preset sa Lightroom tulad ng Vintage o Cinematic para gumawa ng dreamy na effect. O subukan ang mga tutorial sa Lightroom sa tab na Matuto para makakuha ng mga tip mula sa mga propesyonal na photographer tungkol sa kung paano magdagdag ng mga creative na effect.

Araw-araw, libo-libong photographer — mula sa mga pro hanggang sa mga baguhan — ang nagshe-share ng gawa nila sa module na Discover ng Creative Cloud. Makakapaghanap ka ng mga dreamy na image at magagamit mo ang settings ng image na iyon bilang batayan ng mga sarili mong mahiwagang preset. Kapag nakahanap ka ng image sa Discovery feed na may katangiang nakakapanindig-balahibo na gusto mo, i-click ang I-save bilang Preset. Kapag na-save mo na ito, makikita mo ang settings na ginamit ng creator at masusubukan mo ang mga ito sa sarili mong gawa.

Isang larawan ng isang puno na may Orton Effect.

Bigyan ng ethereal na dating ang mga image gamit ang Orton Effect.

Ang Orton Effect ay isang paraan para pagsamahin ang dalawang magkaibang larawan ng iisang scene. Ang resulta ay isang image na may mahinhin at parang panaginip na glow na nagpapanatili ng detalye. Hindi man magkasinlinaw ang mga Orton image pero matalas at malinaw pa rin ang mga ito. Sikat ang effect na ito lalo na sa landscape photography. Masi-simulate mo ang Orton Effect sa Lightroom sa pamamagitan ng pagsunod sa mga hakbang na ito.

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/photoshop-lightroom/do-more-with-photoshop-lightroom

Gawing dreamy sa tulong ng mga tutorial na ito.

May mas marami pang paraan para magbigay ng nakakabighaning hitsura sa mga image gamit ang Adobe Photoshop at Creative Cloud. Narito lang ang apat sa mga ito.

Isang image na may makukulay na overlay.

Gumawa ng makukulay na overlay.

Sulitin ang mga layer at mag-overlay ng maraming image para makagawa ng scene na parang panaginip.

Gumawa ng mga overlay

Mga halimbawa ng mga larawan na ginawang isang painting.

Gawing painting ang isang larawan sa loob lang ng ilang click.

Gawing mga watercolor, oil, pastel, at marami pa ang mga larawan sa ilang segundo sa mobile device mo.

Magdagdag ng mga brushstroke effect

Isang portrait na larawan ng isang tao sa isang mockup ng isang poster sa isang kalye ng lungsod.

Gumawa ng vignette sa larawan.

Gamit ang vignette, mababawasan mo ang brightness sa edge ng image para makagawa ng nakakamanghang portrait.

Magdagdag ng mga vignette sa mga larawan

Isang larawan ng isang tao na kinunan gamit ang diffused light.

I-diffuse ang light.

I-cast ang mga subject mo sa isang malambot at mahinhing light sa pamamagitan ng pag-filter dito. Alamin kung paano gumamit ng diffused na lighting sa portrait photography.

I-explore ang diffused na lighting

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/lightroom/mini-compare/segment-blade