Paangatin ang seasonal mong photoshoot.

Mula sa mga kahel ng mga pumpkin patch hanggang sa mga pula at dilaw ng mga nalalagas na dahon, sumasabog sa sari-saring kulay ang fall season. Ang mga preset sa Lightroom ay parang mga naa-adjust na filter na mailalapat mo sa mga larawan mo sa Lightroom at Lightroom mobile. Sa tulong ng mga filter na ito, magagawa mong palitawin ang tamang kulay ng autumn — matte, sepia, o pastel man ito — sa kahit anong photograph.

Isang pamilyang naglalakad patungo sa isang pumpkin patch sa taglagas

Ang tamang vibrance para sa mga larawan ng autumn.

Kung gumagawa ka ng photobook, collage, o portfolio, nagbibigay-daan sa iyo ang mga fall preset na magdagdag ng makukulay na tone ng autumn sa lahat ng photograph mo para bigyan ng warm na tone ng season ang buong proyekto.

Mag-share at mag-import ng mga bagong preset.

Kung gumawa ka ng signature na filter o hitsura, madali mo itong mae-export para i-share sa iba pang photographer. Kasimbilis lang ang pag-import, at may daan-daang koleksyon ng preset na available online.

Ang Adobe Photoshop Lightroom Create Preset tool na nakapatong sa isang image ng isang taong naglalakad sa isang kagubatan
Ang Adobe Photoshop Lightroom Create preset settings na nakapatong sa isang image ng isang aerial view ng isang ilog na dumadaloy sa isang kagubatan

Madaling ilapat at i-customize.

Mabilis na mailalapat ang mga preset sa proseso mo ng pag-edit ng larawan at mako-customize ang mga ito sa paraang gusto mo gamit ang mga slider na madaling gamitin. Pagandahin ang mga larawan mo sa fall sa ilang segundo.

Mag-edit nasaan ka man.

Available ang Lightroom sa desktop, web, at mobile, kaya mae-edit mo ang mga seasonal mong larawan gamit ang mga preset ng mobile Lightroom nasaan ka man.

Dalawang tao na nakaupo sa tabi ng isa't isa sa labas at nakatingin sa isa sa kanilang mga telepono nang magkasama

Magagandang fall preset sa Lightroom.

Nagbibigay ang Lightroom ng napakaraming preset para tulungan kang palitawin ang mga kulay ng fall mo — lahat mahahanap sa ilalim ng tab na Sa Iyo.

Dalawang magkaparehong larawan na magkatabi ng isang kabayong kumakain sa harap ng isang kagubatan, ngunit ang larawan sa kanan ay may nakalapat na Adobe Photoshop Lightroom "Vivid" preset dito.

Basics › Color › Vivid

Palabasin ang matinding contrast ng isang scene sa fall sa lahat ng hiwaga at brightness nito gamit ang preset na ito.

Basics › Color › Natural

Tumutok sa pagbabalanse ng buong image gamit ang preset na ito, na bahagyang naglalapat ng mga pagbabago sa hue at saturation, pero pinapaganda ang light at shadow ng larawan mo.

Dalawang magkaparehong larawan na magkatabi ng isang taong naglalakad sa isang field na may kagubatan sa background, ngunit ang larawan sa kanan ay may nakalapat na Adobe Photoshop Lightroom "Natural" preset dito
Dalawang magkaparehong larawan na magkatabi ng isang tulay na nakatayo sa isang kagubatan, ngunit ang larawan sa kanan ay may nakalapat na Adobe Photoshop Lightroom "Medium" preset dito

Basics › Vignetting › Medium

Nagbibigay ang isang vignette ng kaunting framing sa isang larawan sa fall, na mas makakatawag ng pansin sa subject mo.

Basics › Curve › Cross Process

Nagbibigay-daan sa iyo ang preset na ito na i-adjust ang tonal range at contrast ng image para makakuha ng mga interesanteng color shift.

Dalawang magkaparehong larawan na magkatabi ng isang bahay sa isang kakahuyan, ngunit ang larawan sa kanan ay may nakalapat Adobe Photoshop Lightroom "Cross Process" preset dito

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/products/photoshop-lightroom/do-more-with-photoshop-lightroom

Mga tutorial ng Lightroom para sa mga photograph mo.

Alamin kung paano gumagana ang mga preset at kung paano mo mabibigyan ng mga nararapat na pagpapaganda ang mga larawan mo gamit ang Lightroom.

Isang image ng pag-edit ng mga setting ng lighting ng isang larawan sa Adobe Photoshop Lightroom

Magsimula sa Lightroom.

Maging pamilyar sa mga feature at function ng Lightroom.

Tahakin ang mga una mong hakbang sa Lightroom

Isang image ng pag-adjust ng mga setting ng kulay ng isang larawan sa Adobe Photoshop Lightroom

I-adjust ang light at kulay ng mga image mo.

Ibinibigay sa iyo ng Lightroom ang lahat ng tool para mahusay na ma-adjust ang light, kulay, at saturation ng mga image mo.

Alamin kung paano gumawa ng flyer

Isang image ng pag-adjust ng mga setting ng gradients ng isang larawan sa Adobe Photoshop Lightroom

Mag-edit nang maliit (o malaki).

Tuklasin kung paano ka matutulungan ng mga radial gradient at iba pang tool na selective na mag-edit ng mga larawan mo.

Tingnan kung paano mag-edit ng bahagi ng larawan

Dalawang magkatabing magkaparehong larawan ng pagtingin paitaas sa bintana sa isang kagubatan, pero ang larawan sa kanan ay may nakalapat na filter dito.

Gawing mga kamangha-manghang illustration ang mga larawan sa mobile.

Alamin kung paano mo magagamit ang Lightroom mobile app para mag-filter ng mga effect para gawing mga illustration ang mga larawan mo.

Maging creative sa mobile

https://main--cc--adobecom.hlx.page/cc-shared/fragments/merch/products/lightroom/mini-compare/segment-blade