Ano ang vintage na preset sa Lightroom?
Ang preset ay isang filter na instant na binabago ang mga larawan mo sa Adobe Photoshop Lightroom. Ginagawa ng isang vintage o retro na preset sa Lightroom na magmukhang mula sa nakaraang panahon ang isang larawan sa kasalukuyan. Sa pangkalahatan, ang mga lumang larawan na kinuha sa film ay may mas kaunting color saturation, mas kaunting luminance, at mas maraming grain kaysa mga larawan sa kasalukuyan.
Nagdaragdag ng romantiko at timeless na katangian ang mga vintage effect na gumagaya sa istilo ng analog film sa modernong digital na photography. Mabuti na lang, dahil sa mga photo editing tool sa Lightroom, hindi mo na kailangang gumamit ng film equipment o magsagawa ng mga kumplikadong aksyon sa Adobe Photoshop para dalhin ang viewer mo pabalik sa 1970s. Maglapat lang ng preset para sa mabilis na pagbabago.
Ang pinakamagagandang pangunahing vintage na preset sa Lightroom.
Ang Lightroom ay may kasamang malawak na koleksyon ng preset na naka-preload sa app. I-access ang mga libreng vintage na preset na ito sa Lightroom sa panel na I-edit sa Lightroom Classic, Lightroom CC, o kahit sa isang libreng Lightroom mobile account. Matatagpuan ang mga preset sa ibaba sa ilalim ng tab na Sa Iyo:

Basics › Creative › Vintage Instant
Kumukuha ng inspirasyon mula sa classic na retro film, ginagawang warm ng preset na ito ang mga image at minu-mute nito ang mga pinaka-light na tone. Magpamalas ng malilinaw na detalye at pagandahin ang mga image gamit ang diffused lighting.
Basics › Creative › Aged Photo
Para sa literal na vintage film na dating, pagmukhaing matanda ang larawan mo. Ginagawang warm ng preset na ito ang tone at pinapakupas nito ang mga kulay sa image mo.


Basics › B&W › B&W Sepia o Selenium Tone
Gayahin ang vintage na dating ng mga nakalipas na panahon gamit ang yellow-brown sepia tone o silvery gray selenium tone ng ilan sa mga pinakaunang photography.
Basics › Color › Matte
Nagtatampok ang mga matte na larawan ng pinahinang saturation at mataas na contrast para sa malapelikulang hitsura. Bagay ang preset na ito sa mga makatotohanang kulay at contrast.


Basics › Creative › Warm Contrast
Lumiliwanag sa warmth ang mga dilaw, brown, tan, at mga kaugnay na hue kapag ginawang maliwanag na centerpiece ng image ng preset na ito ang mga earth tone.
Basics › Creative › Flat & Green
Palambutin ang mga shadow ng image mo at magdagdag ng agos ng cool na pastel blue at green gamit ang preset na ito — isang magandang paraan para idokumento ang malalaking event.

Ang pinakamagagandang premium vintage na preset sa Lightroom.
Sa updated na bersyon ng Lightroom Classic, Lightroom, o may bayad na account sa Lightroom para sa mobile, makaka-access ka ng mga premium preset na ginawa ng mga nangungunang propesyonal sa industriya.

Premium › Auto+: Retro
Magdagdag ng instant na nostalgia sa mga snapshot mo gamit ang pack ng mga premium Preset na ito na pinapahina ang mga highlight, pinagkakaisa ang mga tone, at dinadala sa nakaraang ilang dekada ang mga image mo.

Premium › Style: Vintage
Magpamalas ng grit gamit ang mga vintage film effects na ito na bagay lalo na sa mga outdoor na scene.
Paano gumawa ng mga vintage na preset sa Lightroom?
Para gumawa ng sarili mong preset na nagtatampok ng mga paborito mong retro na edit, sundin ang mga hakbang na ito:
- I-edit ito:
Pumili ng larawan at i-click ang I-edit. Tapos i-adjust ang mga kontrol sa pag-edit ayon sa gusto mo. - Itakda ito:
I-click ang Mga Preset sa panel na I-edit. Tapos piliin ang tatlong tuldok na icon sa kanang bahagi sa itaas. - Pangalanan ito:
Piliin ang Gumawa ng Preset, tapos maglagay ng pangalan para sa preset mo. Kung gugustuhin, pumili ng grupo para sa preset mo. Kundi ay mapupunta ito sa grupo na Mga Preset ng User. Pindutin ang I-save. - I-fine tune ito:
Kahit pagkatapos maglapat ng preset, maa-adjust mo pa rin ang mga slider sa kasalukuyang image.
Ang pinakamagagandang preset ng Lightroom para sa mga portrait.
Mag-edit on the go.
Tingnan kung paano gumagana sa mobile ang mga custom na preset, lokal na adjustment, pag-retouch, at iba pang editing tool.
Mag-explore ng mga tutorial para sa lahat ng antas.
Sundin ang mga tutorial sa pag-edit ng larawan sa Lightroom na ginawa ng mga propesyonal na photographer.