.

Gawin ang digital masterpiece mo.

Pagandahin ang digital art mo gamit ang mga custom na drawing brush o simulan kaagad ang gawa mo gamit ang mga preset na Mga brush sa Photoshop.

Gawing kapansin-pansin ang mga salita mo.

Pagandahin ang hand lettering at mga calligraphy brushstroke mo gamit ang mga de-kalidad na set ng brush sa Photoshop.

Maglarawan ng mga creative na ideya.

Gawin ang eksaktong linework at shading na gusto mo. Bigyang-buhay ang mga digital drawing mo gamit ang lapis, ink, at mga charcoal brush.

Pag-iba-ibahin ang style at brush mo.

Pag-eksperimentuhan ang lahat mula sa mga watercolor brush hanggang sa mga splatter effect, at mag-explore ng libo-libong preset tool.

Subukan ang mga custom na brush.

Gumawa ng natatanging toolkit na may mga custom na brush sa Photoshop na makakatulong sa iyong magawa ang anumang effect na gusto mo.

Mga Brush para sa Spring 2024

Makikita ang mga matingkad at makulay na brush, sariwang foliage brush, bagong inking tool, isang bagong drawing brush, at maraming mga texture sa malaking update para sa Spring (30 na mga brush!) para sa taong 2024. Sana ay lumago ang creativity mo!

Megapack

Mahigit 300 tool na may iba't ibang media, kabilang ang mga lapis, mga pastel, charcoal, mga ink, mga oil, at mga watercolor. Mayroon ding mga smudge tool (mga pang-blend) at eraser. I-explore nang magkakahiwalay ang bawat kategorya para mahanap ang mga paborito mo. Mayroon ka na? I-install ang mga update.

Dry Media

Chalk, pastel, lapis, at iba pang brush na may mga kitang-kitang texture. May kasama ring mga smudge tool.

Gouache

Hango sa mga Golden Books artist noong 1950s at '60s na pangunahing gumamit ng gouache at gumamit ng mga wet at dry na brush effect. Nagbibigay-daan sa iyo ang Golden subset na kontrolin ang dami ng dry brush gamit ang pag-tilt ng stylus mo (dapat ay mayroong pen tablet na nakakatukoy ng pag-tilt).

Halftones

Mahigit 100 pressure-sensitive na tool na nagbibigay-daan sa iyong kontrolin ang density ng halftone pattern. May kasama ring kaunting pagpipiliang simpleng screentone brush na hindi tumutugon sa pressure ng pen, kaya mabilis mong mapupunan ang isang bahagi nang may pantay na tone.

Mga Manga Brush

Mga brush para sa mas manipis na linya at ilang praktikal na halftone brush para sa pagdaragdag ng tone. May kasama ring mga effects brush, pang-sketch na lapis, at eraser.

Spatter

Mahigit 40 natatanging brush na nagbibigay-daan sa iyong kontrolin ang dami ng spatter, density, at direskyon gamit ang pressure ng stylus mo. Makakuha ng mga effect mula sa toothbrush-sprayed dots hanggang sa pinturang tumutulo sa basang papel.

Watercolor

Mga wet media na brush para sa malalawak na wash, pagdedetalye, spatter, at iba pang effect. Gumagamit ang bawat brush ng mga built-in na texture para mas mapaganda pa ang hitsura ng mga brush stroke mo.

Paano mag-import at mag-install ng mga brush sa Photoshop.

Ang isa sa mga kamangha-manghang bagay tungkol sa paggamit ng mga brush sa Photoshop ay pwede kang gumawa at mag-share ng sarili mong brush. Ikaw man ay nagsisimula pa lang o may karanasan nang digital artist, pwedeng maging masayang mag-download at mag-import ng mga brush nang diretso mula sa Adobe o sa mga paborito mong creator.

  1. Buksan ang panel na Mga Brush sa Photoshop sa pamamagitan ng pagpunta sa Window > Mga Brush.
  2. I-click ang hamburger menu at piliin ang Kumuha ng Higit pang Brush.
  3. Hanapin ang gusto mong brush pack.
  4. Panatilihing nakabukas ang Photoshop at i-double click ang file ng brush pack mo.
  5. Mai-install na sa panel na Mga Brush ang mga bago mong brush para magamit mo.
  6. Pwede ka ring mag-import ng mga brush sa pamamagitan ng pag-click ng hamburger menu sa panel na Mga Brush at pagpili ng I-import ang Mga Brush, pagkatapos ay pagpili sa tamang file ng ABR brush pack at pag-click ng Buksan.

Paano gumawa ng brush sa Photoshop.

Kung hindi mo mahahanap ang eksaktong tamang brush sa Photoshop o sa isang brush pack, magandang balita — pwede kang gumawa ng sarili mong brush. Pag-isipan muna kung anong hitsura ang gagawin mo at kung anong uri ng brush ang tutulong sa iyo na magawa ang effect na iyon. Pagkatapos ay magpatuloy at pag-eksperimentuhan ang mga setting sa panel na Mga Brush at i-save ang iyong bagong custom na brush.

  1. Piliin ang Brush tool.
  2. Buksan ang panel na Mga Setting ng Brush sa pamamagitan ng pagpunta sa Window > Mga Setting ng Brush.
  3. Sa Mga Setting ng Brush, makikita mo ang mga setting para sa iyong kasalukuyang brush.
  4. Baguhin ang Hugis ng Tip ng Brush mo para tumugma sa hitsurang gagawin mo.
  5. Tingnan ang iba pang opsyon sa panel para piliin ang mga attribute ng bagong brush mo.
  6. Kapag kontento ka na sa bagong brush mo, pwede mo na itong simulang gamitin kaagad — pero tiyaking ise-save mo ito kung gusto mo itong gamitin ulit.
  7. Para i-save ang bagong brush mo, piliin ang Bagong Brush na Preset mula sa hamburger menu. Lagyan ng bagong pangalan ang brush mo at i-click ang OK.