Adobe Acrobat Sign

I-automate ang pagsubaybay sa dokumento para panatilihing tuloy-tuloy ang trabaho.

Madali lang ang pag-manage ng mga dokumento gamit ang Acrobat Sign. Kapag nagpadala ka ng dokumento para palagdaan, makakuha ka ng mga real-time at instant na notification kapag binuksan at nilagdaan ito — para masubaybayan mo ang bawat proseso.

Alamin ang status ng mga dokumento mo — sa lahat ng pagkakataon.

Tinutulungan ka ng madadaling gamiting feature sa Acrobat Sign na mag-manage at sumubaybay ng mga dokumento nang may mga real-time na insight at update para sa malinaw na view ng mga detalye at status ng anumang dokumento. Wala nang pag-iisip kung nasaan na ang mga ito, wala nang paghahabol sa mga ito, wala nang pagkaantala.

I-manage ang mga dokumentong pinoproseso na.

Binibigyan ka ng Acrobat Sign ng kumpletong document tracking solution. Pwede kang mag-set up ng mga awtomatikong paalala sa email at instant na notification para matugunan ang bawat deadline at masubaybayan ang bawat dokumento. Magagawa mong magdagdag ng password sa dokumento, higpitan ang pag-authenticate ng pagkakakilanlan ng signer, magkansela ng proseso sa signature, o magpalit ng signer — kahit na ipinoproseso na ang dokumento.

Tingnan ang status.

Mabilis mong makikita kung aling mga file ang na-send na, kung alin ang mga nalagdaan na, at kung alin ang mga naghihintay pa para sa mga online signature para makapag-follow up ka kung kinakailangan. Kapag nalagdaan na ang dokumento, makakatanggap ka ng awtomatikong notification sa email. At kapag tapos na ang proseso, may available na document analytics na magpapakita sa iyo ng detalyadong step-by-step na history para sa bawat dokumento, para makita mo kung kailan ito na-send, kung inaprubahan ito, kung sino ang lumagda nito, at kung kailan ito nilagdaan.

Maghanap ng anumang dokumento.

Sa wakas, isang system sa pagsubaybay sa dokumento na nagpapadali rito. Makita ang eksaktong dokumentong hinahanap mo gamit ang feature na paghahanap at filter. Makakakuha ka ng mga instant na resulta ng paghahanap na may indexing, na nagpapadali na mahanap ang anumang dokumento. Pwede mo pang i-filter ang mga resulta ng paghahanap batay sa status ng signature o petsa.

 

Kailangang malaman ang status ng dokumento mula sa ibang departamento sa organisasyon? Sa Enterprise plan, gamitin ang account sharing para mahanap ang mga dokumento sa buong organisasyon at makakuha ng mga insight sa lifecycle ng dokumento.

Tingnan kung ano pa ang magagawa ng Acrobat Sign para sa negosyo mo.

Mabilis

Mag-send ng mga dokument at ipa-finalize at palagdaan ang mga ito nang mas mabilis. Magagawa mong simulan ang productivity, i-streamline ang mga proseso ng negosyo, at kumpletuhin ang mahahalagang deal nang higit na mas mabilis.

Mahusay

Sa pamamagitan ng paglipat sa pagiging digital gamit ang Acrobat Sign, mababawasan mo ang mga gastos sa pagpapatakbo habang naglalaan ng mas kaunting oras sa paghahabol sa mga signature at paggawa ng mga pang-administratibong gawain.

Mobile

Sa mobile app, magagawa mong subaybayan ang mga dokumento nang walang kahirap-hirap, palagdaan ang mga ito sa electronic na paraan, at kolektahin ang mga ito mula sa kahit saan, mula mismo sa mobile device mo.

Gawing digital ang negosyo mo.

Anuman ang industriya o yugto ng paglago ng negosyo mo, gamitin ang Acrobat Sign Solutions para i-streamline at pasimplehin ang mga proseso para sa mga pinabilis na resulta. Magsimula ngayon.